Mateo
KAPITULO 17
1 At pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Hesus sina Pedro at Santiago at Juan na kanyang kapatid, at sila ay 1dinadalang bukod sa isang 2mataas na bundok.
2 At Siya ay 1nagbagong-anyo sa harap nila, at nagliwanag ang Kanyang mukha tulad ng araw, at pumuting tulad sa liwanag ang Kanyang damit.
3 At narito, nakita nila si 1Moises at si Elias na nakikipag-usap sa Kanya.
4 At sumagot si Pedro at sinabi kay Hesus, Panginoon, mabuti pa ay dumito na tayo; kung ibig Mo, gagawa ako rito ng 1tatlong tabernakulo, isa sa Iyo, at isa kay Moises, at isa kay Elias.
5 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, isang maningning na ulap ang lumilim sa kanila, at narito, isang tinig mula sa ulap, na nagsasabi, 1Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya Kong kinalulugdan; pakinggan ninyo 2Siya!
6 At nang marinig ito ng mga disipulo, napasubasob sila at lubhang natakot.
7 At lumapit si Hesus at tinapik sila at sinabi, Bumangon kayo, at huwag kayong matakot.
8 At pagtingala nila, 1wala silang nakitang sinuman maliban kay Hesus.
9 At sa kanilang pagbaba mula sa bundok, inutusan sila ni Hesus, na nagsasabi, Huwag ninyong sabihin kanino man ang 1pangitain, hanggang sa ang Anak ng Tao ay ibangon mula sa mga patay.
10 At tinanong Siya ng Kanyang mga disipulo, na nagsasabi, Bakit kung ganoon sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang 1pumarito muna si Elias?
11 At sumagot Siya at nagsabi, 1Tunay na darating si Elias at panunumbalikin ang lahat ng bagay;
12 Subali’t sinasabi Ko sa inyo na 1dumating na si Elias, at siya ay hindi nila nakilala, kundi ginawa nila sa kanya ang anumang ninais nila; gayundin naman ang Anak ng Tao ay malapit nang magdusa sa pamamagitan nila.
13 Noon nga ay naunawaan ng mga disipulo na nagsalita Siya sa kanila hinggil kay Juan Bautista.
d. Pagpapalayas sa Himataying Demonyo
17:14-21
14 At nang nilapitan nila ang mga tao, lumapit sa Kanya ang isang tao, lumuhod sa Kanya at nagsasabi,
15 Panginoon, maawa Ka sa aking anak na lalake, sapagka’t siya ay 1isang himatayin at lubhang naghihirap; sapagka’t madalas na nabubuwal siya sa apoy at madalas sa tubig.
16 At siya ay dinala ko sa Iyong mga disipulo, at siya ay hindi nila mapagaling.
17 At sumagot si Hesus at nagsabi, O henerasyong walang pananampalataya at masama, gaano Ako katagal na mananatiling kasama ninyo? Gaano katagal Ko kayo pagtitiisan? Siya ay dalhin ninyo rito sa Akin.
18 At pinagwikaan ito ni Hesus, at lumabas sa kanya ang demonyo, at gumaling ang bata sa oras na yaon.
19 Noon nga ay nagsilapit na bukod ang mga disipulo kay Hesus, at nagsabi, Bakit hindi namin iyon napalayas?
20 At sinabi Niya sa kanila, Dahil sa kaliitan ng inyong pananampalataya; sapagka’t katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Kung mayroon kayong pananampalataya na tulad sa isang butil ng binhi ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon, at ito ay lilipat; at walang magiging imposible sa inyo.
21 1Subali’ t ang ganitong uri ay hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno.
e. Ikalawang Paghahayag
ng Pagkapako sa krus at Pagkabuhay na muli
17:22-23
22 At samantalang sila ay 1nagtitipun-tipon sa Galilea, sinabi sa kanila ni Hesus, Ang Anak ng Tao ay malapit nang ibigay sa mga kamay ng mga tao,
23 At Siya ay kanilang papatayin, at sa ikatlong araw ay ibabangon Siya. At sila ay lubhang namanglaw.
f. Pagsasagawa ng Pahayag at Pangitain ng Pagka-anak ni Kristo
17:24-27
24 At nang sila ay dumating sa Capernaum, lumapit kay Pedro yaong mga tumanggap ng 1kalahating siklo at nagsabi, Hindi ba nagbabayad ng 1kalahating siklo ang inyong Guro?
25 Sinasabi niya, 1Oo. At nang pumasok siya sa bahay, 2inunahan siya ni Hesus, na nagsasabi, Anong palagay mo, Simon? Mula kanino tumatanggap ng kabayaran ng rentas o buwis ang mga hari ng lupa, mula sa kanilang mga anak o mula sa mga dayuhan?
26 At nang sabihin niya, Mula sa mga dayuhan, sinabi sa kanya ni Hesus, Kung gayon ay 1hindi pinagbabayad ang mga anak.
27 Subali’t upang hindi natin sila matisod, 1magtungo ka sa dagat at maghulog ka ng bingwit, at kunin mo ang unang isdang lumitaw, at kapag naibuka mo ang bibig nito ay makasusumpong ka ng isang 2siklo; kunin mo yaon at 3ibigay mo sa kanila para sa Akin 4at sa iyo.