Mateo
KAPITULO 15
6. Pagpaparatang ng mga Tradisyunal na Relihiyonista
15:1-20
1 Noon nga ay 1nilapitan si Hesus ng mga Fariseo at ng mga eskriba na mula sa Herusalem, na nagsasabi,
2 Bakit 1nilalabag ng Iyong mga disipulo ang kaugalian ng matatanda? Sapagka’t hindi sila naghuhugas ng kanilang mga kamay kapag kumakain sila ng tinapay.
3 At sumagot Siya at sinabi sa kanila, Bakit din ninyo 1nilalabag ang utos ng Diyos dahil sa inyong kaugalian?
4 Sapagka’t sinabi ng Diyos, 1Igalang mo ang iyong ama at ina; at siyang 2nagsasalita ng masama sa ama o ina, 3hayaan siyang mamatay nang walang pagsala.
5 Subali’t sinasabi ninyo, Sinumang magsabi sa kanyang ama o ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay isa na ngayong 1handog sa Diyos,
6 At hindi na niya igagalang ang kanyang ama o ang kanyang ina; at winalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos dahil sa inyong kaugalian.
7 1Mga mapagkunwari! Mainam ang pagkapropesiya sa inyo ni Isaias, na nagsasabi,
8 Iginagalang Ako ng mga taong ito ng kanilang mga labi, subali’t ang kanilang 1puso ay malayo sa Akin;
9 1Sumasamba sila sa Akin subali’t wala ring kabuluhan; kanilang itinuturo bilang mga pagtuturo ang mga utos ng mga tao.
10 At pinalapit Niya ang mga tao at sinabi sa kanila, Pakinggan ninyo at unawain:
11 Hindi ang pumapasok sa bibig ang dumurungis sa tao, kundi yaong lumalabas sa bibig, ito ang 1dumurungis sa tao.
12 Noon nga ay lumapit ang mga disipulo at sinabi sa Kanya, Nalalaman Mo ba na nagdamdam ang mga Fariseo nang marinig nila ang pananalitang ito?
13 At sumagot Siya at nagsabi, Ang bawa’t halamang 1hindi itinanim ng Aking makalangit na Ama ay bubunutin.
14 Pabayaan ninyo sila; sila ay mga 1bulag na tagaakay ng mga bulag; at kung bulag ang aakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay.
15 At sumagot si Pedro at sinabi sa Kanya, Ipaliwanag Mo sa amin ang talinghagang ito.
16 At sinabi Niya, Kayo ba ay wala pa ring katalinuhan?
17 Hindi ba ninyo nauunawaan na ang bawa’t pumapasok sa bibig ay dumaraan sa tiyan at inilalabas sa daluyan?
18 Subali’t ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso, at siyang dumurungis sa tao.
19 Sapagka’t sa puso nanggagaling ang 1masasamang pag-iisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, mga pakikiapid, mga pagnanakaw, mga bulaang pagsaksi, mga paglapastangan.
20 Ito ang mga bagay na nakarurungis sa tao; subali’t ang kumain nang hindi nahugasan ang mga kamay ay hindi nakarurungis sa tao.
7. Pananampalataya ng Isang Cananea
15:21-28
21 At umalis mula roon si Hesus at nagtungo sa mga sakop ng 1Tiro at Sidon.
22 At narito, isang 1Cananea ang lumabas sa mga hangganang yaon at sumigaw, na nagsasabi, Kaawaan Mo ako, 2Panginoon, Anak ni David; ang aking anak na babae ay malubhang naalihan ng demonyo!
23 Subali’t Siya ay hindi sumagot ng anumang salita sa kanya. At lumapit ang Kanyang mga disipulo at hinilingan Siya, na nagsasabi, Paalisin Mo siya, sapagka’t nagsisisigaw siya sa likuran natin.
24 Subali’t sumagot Siya at nagsabi, Hindi Ako 1isinugo maliban sa mga tupang naligaw ng sambahayan ni Israel.
25 Subali’t lumapit siya at 1sumamba sa Kanya, na nagsasabi, 2Panginoon, tulungan Mo ako!
26 Subali’t Siya ay sumagot at nagsabi, Hindi marapat na kunin ang 1tinapay ng mga anak at ihagis ito sa maliliit na 2aso.
27 At sinabi niya, Oo, Panginoon; sapagka’t maging ang mga aso ay kumakain ng 1mga mumo na nalalaglag sa dulang ng kanilang mga panginoon.
28 Noon nga ay sumagot si Hesus at sinabi sa kanya, O babae, dakila ang iyong pananampalataya; mangyari nawa sa iyo ang ayon sa nais mo. At gumaling ang kanyang anak sa oras ding yaon.
8. Pagpapagaling para sa ikaluluwalhati ng Diyos
15:29-31
29 At umalis doon si Hesus at naparoon sa tabi ng dagat ng 1Galilea; at umakyat Siya sa bundok at naupo roon.
30 At malalaking kalipunan ang lumapit sa Kanya na may dalang mga lumpo, mga bulag, mga pipi, at marami pang iba, at sila ay kanilang inilagay sa Kanyang paanan; at sila ay Kanyang pinagaling,
31 Kaya’t namangha ang mga tao nang makita nilang nagsasalita ang mga pipi, gumagaling ang mga lumpo, at naglalakad ang mga pilay, at nakakikita ang mga bulag; at niluwalhati nila ang Diyos ng Israel.
9. Himala ng Pagpapakain sa Apat na Libo
15:32-39
32 At pinalapit ni Hesus ang Kanyang mga disipulo at sinabi, Nahahabag Ako sa mga tao, sapagka’t tatlong araw na silang nananatili sa Akin at sila ay walang anumang makain; at 1hindi Ko ibig na sila ay paalising nag-aayuno, baka sila ay manghina sa daan.
33 At sinasabi sa Kanya ng mga disipulo, Saan sa isang 1ilang magkakaroon ng gayong karaming tinapay para sa atin upang bigyang-kasiyahan ang isang gayong kalaking kalipunan?
34 At sinasabi ni Hesus sa kanila, 1Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.
35 At nang mautusang umupo sa lupa ang mga tao,
36 1Kinuha Niya ang pitong tinapay at ang mga isda, at nang makapagpasalamat, pinagpira-piraso Niya at ibinigay sa mga disipulo, at ibinigay naman ng mga disipulo sa mga kalipunan.
37 At kumain silang lahat at nangabusog; at pinulot nila ang lumabis sa mga pira-piraso, pitong bakol na punô.
38 At ang mga kumain ay apat na libong lalake, bukod pa sa mga babae at mga bata.
39 At nang mapaalis ang mga kalipunan, lumulan Siya sa daong at nagtungo sa mga hangganan ng Magadan.