Mateo
KAPITULO 12
IV. Ang Pagkakatanggi sa Hari
12:1-27:66
A. Pagtatatag ng Pagtanggi
12:1-50
1. Dahilan ng Pagtanggi
bb. 1-14
1 1Nang panahong yaon sa araw ng Sabbath ay dumaan si Hesus sa mga bukiran ng trigo; at ang Kanyang mga disipulo ay nagutom at nagsimulang mamitas ng mga uhay at nagsikain.
2 Subali’t nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi sa Kanya, Tingnan Mo, ginagawa ng Iyong mga disipulo ang 1hindi naaalinsunod-sa-kautusan sa araw ng Sabbath.
3 At sinabi Niya sa kanila, Hindi ba ninyo 1nabasa kung ano ang ginawa ni 2David nang siya ay nagutom at ang mga kasamahan niya;
4 Kung paanong siya ay pumasok sa bahay ng Diyos, at kanilang kinain ang tinapay na handog, na hindi naaayon-sa-kautusan upang kanyang kainin, ni ng mga yaong kasama niya, kundi ng mga saserdote lamang?
5 O hindi ba ninyo 1nabasa sa kautusan na sa mga araw ng Sabbath ay winawalang-galang ng mga saserdote sa templo ang Sabbath at hindi nagkakasala?
6 Ngayon sinasabi Ko sa inyo na isang 1higit na malaki kaysa sa templo ang naririto.
7 Subali’t kung nalaman ninyo kung ano ito: Awa ang ibig Ko at hindi hain, hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang-sala.
8 Sapagka’t ang Anak ng Tao ay 1Panginoon ng Sabbath.
9 At nang Siya ay makaalis doon, Siya ay pumasok sa kanilang sinagoga.
10 At narito, may isang tao na may tuyong 1kamay. At itinanong nila sa Kanya, na nagsasabi, Naaayon-ba-sa-kautusan na magpagaling sa mga araw ng Sabbath? upang Siya ay kanilang maparatangan.
11 At sinabi Niya sa kanila, Sino kaya sa inyo ang magkakaroon ng isang tupa, at kung mahulog ito sa isang hukay sa mga araw ng Sabbath, ay hindi niya ito aabutin at hahanguin?
12 Gaano pa kaya kahalaga ang isang tao kaysa sa isang tupa! Kaya, naaayon-sa-kautusan na gumawa ng mabuti sa mga araw ng Sabbath.
13 Pagkatapos sinasabi Niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya, at ito ay 1napanumbalik na walang sakit na tulad ng isa.
14 At nagsilabas ang mga Fariseo at nagsanggunian laban sa Kanya, kung papaano nila 1Siya mapupuksa.
2. Ang Pagtanggi
Nagsasanhi sa Hari na Bumaling sa mga Hentil
bb. 15-21
15 Subali’t nang malaman ni Hesus, Siya ay umalis doon. At sinundan Siya ng marami, at Kanyang pinagaling silang lahat,
16 At sila ay mahigpit Niyang pinagbilinan na Siya ay huwag nilang ihayag;
17 Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,
18 Narito, ang Aking 1Lingkod na Aking pinili, ang Sinisinta Ko na Siyang kinalulugdan ng Aking kaluluwa; ilalagay Ko ang Aking Espiritu sa Kanya, at maghahayag Siya ng 2paghuhukom sa 3mga Hentil.
19 Hindi Siya makikipagtalo ni sisigaw, ni maririnig man ng sinuman ang Kanyang tinig sa mga lansangan.
20 Hindi Niya babaliin ang isang 1tambong gapok, at hindi Niya papatayin ang 1umuusok na 2timsim hanggang sa papagtagumpayin Niya ang paghuhukom;
21 At aasa sa Kanyang pangalan ang mga bansa.
3. Kasukdulan ng Pagtanggi
bb. 22-37
22 Noon nga ay dinala sa Kanya ang isang inalihan ng demonyo, na 1bulag at pipi; at siya ay Kanyang pinagaling, kung kaya’t ang pipi ay nakapagsalita at nakakita.
23 At ang lahat ng mga kalipunan ay nagtaka at nagsabi, Hindi ba ito ang Anak ni David? 1Anak ni
24 Subali’t nang marinig ito ng mga Fariseo, ay kanilang sinabi, Ang Taong ito ay hindi nagpapalayas ng mga demonyo maliban sa pamamagitan ni 1Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.
25 Subali’t pagkaalam Niya ng kanilang mga iniisip ay sinabi Niya sa kanila, Bawa’t kaharian na nahahati laban sa kanyang sarili ay mawawasak, at bawa’t lunsod o bahay na nahahati laban sa kanyang sarili ay hindi mananatili.
26 At kung pinalalayas ni Satanas si Satanas, siya ay nahahati laban sa kanyang sarili. Papaano kaya mananatili ang kanyang 1kaharian?
27 At kung sa pamamagitan ni Beelzebul ay nagpapalayas Ako ng mga demonyo, sa pamamagitan nino nagpapalayas ang inyong mga anak? Kaya’t sila ang inyong magiging mga hukom.
28 Subali’t kung sa pamamagitan ng 1Espiritu ng Diyos ay nagpapalayas Ako ng mga demonyo, dumating na nga sa inyo ang 2kaharian ng Diyos.
29 O papaano bang makapapasok ang sinuman sa loob ng 1bahay ng 2malakas na tao at masasamsam ang kanyang 3mga sisidlan kung hindi muna niya 4tatalian ang malakas na tao? At sa gayon ay kanyang sasamsaman ang kanyang bahay.
30 1Ang hindi sumasa Akin ay laban sa Akin, at ang hindi nagtitipon na kasama Ko ay nagkakalat.
31 Samakatuwid, sinasabi Ko sa inyo, Bawa’t kasalanan at kalapastanganan ay ipatatawad sa mga tao, subali’t ang 1paglapastangan sa Espiritu ay hindi mapatatawad.
32 At ang sinumang magsalita ng salitang laban sa Anak ng Tao ay ipatatawad sa kanya; subali’t ang sinumang 1magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi ipatatawad sa kanya, ni sa 2kapanahunang ito ni sa darating.
33 O pabutihin ninyo ang punong-kahoy at mabuti ang bunga niyaon, o pasamain ninyo ang punong-kahoy at masama ang bunga niyaon, sapagka’t 1sa pamamagitan ng bunga ay nakikilala ang punong-kahoy.
34 Supling ng mga ulupong, papaano kayo makapagsasalita ng mabubuting bagay gayong kayo ay masasama? Sapagka’t mula sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
35 Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabubuting bagay mula sa mabuting kayamanan, at ang masamang tao ay naglalabas ng masasamang bagay mula sa masamang kayamanan.
36 At sinasabi Ko sa inyo na ang bawa’t 1salitang walang kabuluhan na sasalitain ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom;
37 Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong 1mga salita, ikaw ay aariing-matuwid, at sa pamamagitan ng iyong mga salita ikaw ay hahatulan.
4. Ang Tanda sa Tumatangging Henerasyon
bb. 38-42
38 Noon nga ay sumagot sa Kanya ang ilan sa mga eskriba at mga Fariseo, na nagsasabi, Guro, nais naming makakita ng 1tanda mula sa Iyo.
39 Subali’t Siya ay sumagot at nagsabi sa kanila, Ang isang 1henerasyong masama at mapangalunya ay naghahanap ng isang tanda, at walang tanda ang ibibigay rito maliban sa tanda ni Jonas na propeta.
40 Sapagka’t kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng malaking isda nang tatlong araw at tatlong gabi, gayon din ang Anak ng Tao ay mapapasa 1pusod ng lupa nang tatlong araw at tatlong gabi.
41 Ang mga lalakeng taga-Nineve ay tatayo sa paghuhukom sa henerasyong ito at hahatulan ito sapagka’t sila ay nagsisi sa pangangaral ni Jonas, at tingnan ninyo, isang 1lalong dakila kaysa kay Jonas ay naririto.
42 Ang reyna ng timugan ay ibabangon sa paghuhukom ng henerasyong ito at huhusgahan niya ito, sapagka’t siya ay nanggaling sa mga kaduluhan ng lupa upang pakinggan ang karunungan ni Salomon, at tingnan ninyo, isang 1lalong dakila kaysa kay Salomon ang naririto.
5. Ang Tumatangging Henerasyon ay Lumala
bb. 43-45
43 Ngayon nang ang karumal-dumal na espiritu ay lumabas mula sa tao, ito ay dumaraan sa 1mga dakong walang tubig, naghahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong.
44 Kung magkagayon ay sinasabi nito, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at pagdating nito, nasusumpungan nito na walang nakatira, nawalisan, at nagayakan.
45 Kung magkagayon ay yumayaon ito at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kaysa rito, at sila ay nagsisipasok at nananahan doon; at ang huling kalagayan ng taong yaon ay nagiging lalong malala kaysa una. 1Sa gayon, ito rin ang mangyayari sa masamang henerasyong ito.
6. Pagtangging Nagreresulta sa Pagtalikod ng Hari
bb. 46-50
46 Samantalang Siya ay nagsasalita pa sa mga kalipunan, narito, ang Kanyang ina at ang Kanyang mga kapatid ay nakatayo sa labas na nagnanais na makausap Siya.
47 At may nagsabi sa Kanya, Narito, ang Iyong ina at ang Iyong mga kapatid ay nakatayo sa labas at nagnanais na makausap Ka.
48 At Siya ay sumagot at sinabi sa nagsabi sa Kanya, 1Sino ang Aking ina, at sinu-sino ang Aking mga kapatid?
49 At sa pag-unat Niya ng Kanyang kamay tungo sa Kanyang mga disipulo ay Kanyang sinabi, Narito, ang Aking ina at ang Aking mga kapatid!
50 Sapagka’t ang sinumang 1gumagawa ng kalooban ng Aking Ama na nasa mga kalangitan ay siyang Aking kapatid na lalake at kapatid na babae at ina.