Mateo
KAPITULO 11
1 At nangyari, nang matapos ang pagtatagubilin ni Hesus sa Kanyang labindalawang disipulo, umalis Siya mula roon upang magturo at mangaral sa kanilang mga lunsod.
E. Ang Saloobin ng Hari sa Iba’t ibang Panig
11:2-30
1. Pinatitibay ang Kanyang Nakulong na Tagapagpauna
bb. 2-6
2 Ngayon nang marinig ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ng Kristo, nagpasugo siya sa pamamagitan ng kanyang mga gawa ng Kristo, nagpasugo siya sa pamamagitan ng kanyang mga disipulo
3 At sinabi sa Kanya, 1Ikaw ba ang darating na Isa, o maghihintay pa kami ng iba?
4 At sumagot si Hesus at sinabi sa kanila, Humayo kayo, iulat ninyo kay Juan ang inyong naririnig at nakikita:
5 Ang 1mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, at ang 2mga pilay ay nakalalakad, ang 3mga ketongin ay nalilinis, at ang 4mga bingi ay nakaririnig, at ang 5mga patay ay naibabangon, at ang 6mga dukha ay napangangaralan ng ebanghelyo;
6 At pinagpala siya na hindi 1matitisod sa Akin.
2. Pinahahalagahan ang Kanyang Tagapagpauna
bb. 7-15
7 At samantalang ang mga ito ay papalayo, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga kalipunan 1hinggil kay Juan, Ano ang pinuntahan ninyo sa ilang upang 2mamasdan? Isang 3tambo na inuuga ng hangin?
8 Nguni’t ano ang nilabas ninyo upang 1makita? Isang 2tao na nakadamit ng malambot na pananamit? Narito, yaong mga nagsusuot ng malambot na pananamit ay nasa mga bahay ng mga hari.
9 Nguni’t bakit kayo lumabas? Upang makakita ng isang propeta? Oo, sinasabi Ko sa inyo, at 1lalo pang higit kaysa sa isang propeta.
10 Ito yaong tungkol sa kanya ay naisulat, Narito, isinusugo Ko ang Aking tagapagbalita sa Iyong harapan, na siyang maghahanda ng Iyong daan sa unahan Mo.
11 Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Sa gitna ng mga ipinanganak ng mga babae ay walang bumangong higit na dakila kaysa kay Juan Bautista; subali’t ang 1pinaka-maliit 2sa kaharian ng mga kalangitan ay higit na dakila kaysa sa kanya.
12 At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang sa ngayon, ang kaharian ng mga kalangitan ay napapasok sa pamamagitan ng 1karahasan, at sinusunggaban ito ng mararahas na tao.
13 Sapagka’t ang lahat ng mga propeta at ang kautusan ay nagpropesiya 1hanggang kay Juan;
14 At kung ninanais ninyong tanggapin 1ito, siya ay si 2Elias, na siyang darating.
15 Ang may mga pandinig na ipakikinig ay makinig.
3. Sinusumbatan ang Henerasyong
May Katigasan-ang-ulo at Hindi Nagsisisi
bb. 16-24
16 Subali’t sa ano Ko itutulad ang henerasyong ito? Ito ay katulad ng mga batang nakaupo sa mga pamilihan, na tumatawag sa iba.
17 At nagsasabi, 1Tinugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo sumayaw; 1nanambitan kami, at hindi ninyo dinagukan ang inyong dibdib.
18 Sapagka’t naparito si Juan na 1hindi kumakain ni umiinom, at sinasabi nila, Siya ay may isang 2demonyo.
19 Ang Anak ng Tao ay naparito na 1kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, isang matakaw na Tao at isang manginginom ng alak, 2kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan. At ang 3karunungan ay naipakitang matuwid ng kanyang 4mga gawa.
20 Noon nga ay sinimulan Niyang sumbatan ang mga lunsod na kung saan naganap ang pinakamarami sa Kanyang mga agawa ng kapangyarihan, sapagka’t hindi sila nagsisi:
21 Sa aba mo, Corazin! Sa aba mo, Betsaida! Sapagka’t kung ang mga gawa ng kapangyarihan na naganap sa inyo ay naganap sa Tiro at Sidon, malaon na sana silang nagsisi na nakasuot ng damit na yari sa telang-sako at mga abo.
22 Higit pa rito sinasabi Ko sa inyo, 1Higit na mapagtitiisan ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo.
23 At ikaw, Capernaum, hindi ka itataas hanggang sa langit. Ikaw ay ibababa hanggang sa 1Hades. Sapagka’t kung ang mga gawa ng kapangyarihan na nangyari sa iyo ay nangyari sa Sodoma, nanatili sana ito hanggang sa ngayon.
24 Higit pa rito, sinasabi Ko sa inyo na 1higit na mapagtitiisan ang lupain ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo.
4. Kinikilala ang Kalooban ng Ama nang may Papuri
bb. 25-27
25 Sa oras na yaon ay 1sumagot si Hesus at nagsabi, 2Pinupuri Kita, Ama, 3Panginoon ng langit at ng lupa, sapagka’t inilihim Mo 4ang mga bagay na ito sa 5mga pantas at matatalino at ipinahayag Mo ang mga ito sa 6mga sanggol;
26 Oo, Ama, sapagka’t gayon ang nakalulugod 1sa Iyong paningin.
27 Ang 1lahat ay ibinigay sa Akin ng Aking Ama, at walang sinumang 2nakakikilala sa Anak maliban sa Ama, ni walang sinuman ang 2nakakikilala sa Ama maliban sa Anak at sa kanya na kung kanino ninanais ng Anak na ipahayag Siya.
5. Ang Nabibigatan Tinatawag sa Kapahingahan at ang Daan sa Kapahingahan
bb. 28-30
28 Pumarito sa Akin ang lahat na mga 1nagpapagal at nabibigatan, at Ako ay magbibigay sa inyo ng 2kapahingahan.
29 1Pasanin ninyo ang Aking 2pamatok at matuto kayo sa Akin; sapagka’t Ako ay 3maamo at may 3mapagpakumbabang puso, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong mga 4kaluluwa;
30 Sapagka’t ang Aking 1pamatok ay 2kalugud-lugod at ang Aking 1pasanin ay magaan.