Mateo
KAPITULO 10
2. Naghirang at Nagsugo ng mga Manggagawa
10:1-5a
1 At sa pagtawag sa Kanyang 1labindalawang disipulo, Kanyang binigyan sila ng awtoridad sa mga karumal-dumal na espiritu, upang kanilang mapalayas sila at mapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman.
2 Ngayon ang mga pangalan ng 1labindalawang apostol ay ang mga ito: una, si Simon na tinatawag na Pedro, ang ang kanyang kapatid na si Andres; at si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kanyang kapatid na si Juan;
3 Si Felipe at si Bartolome; si Tomas at si 1Mateo, ang maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo;
4 Ang 1Cananeo na si Simon at si Judas 2Iscariote na siya ring 3nagkanulo sa Kanya.
5 Ang labindalawang ito ang isinugo ni Hesus, at pinagbilinan sila, na nagsasabing, Huwag kayong tutungo sa daan ng 1mga Hentil, at huwag kayong papasok sa alinmang lunsod ng 1mga Samaritano;
3. Ang Paraan ng Pagpapalaganap
ng Ebanghelyo ng Kaharian sa Sambahayan ni Israel
10:5b-15
6 Subali’t sa halip ay magtungo kayo sa mga tupang nawawala sa sambahayan ni Israel.
7 At sa inyong paglalakad, magpahayag kayo, sabihin ninyo, Ang kaharian ng mga kalangitan ay 1malapit na.
8 Pagalingin ninyo ang mga maysakit, ibangon ninyo ang mga patay, linisin ninyo ang mga ketongin palayasin ninyo ang mga demonyo; tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.
9 1Huwag kayong magbaon ng ginto, kahit pilak, kahit tanso sa inyong mga sinturon,
10 Ni supot sa paglalakbay, ni kahit dalawang tunika, ni kahit mga panyapak, ni kahit tungkod; sapagka’t ang manggagawa ay karapat-dapat sa kanyang pagkain.
11 At alinmang lunsod o nayon ang inyong pasukin, ipagtanong ninyo kung sino roon ang karapat-dapat; at manatili roon hanggang sa pag-alis ninyo.
12 At pagpasok ninyo sa tahanan, batiin ito;
13 At kung tunay nga na karapat-dapat ang tahanang ito, hayaan ang inyong kapayapaan na dumuon; subali’t kung ito ay hindi karapat-dapat, hayaan ang inyong kapayapaan na bumalik sa inyo.
14 At ang sinumang hindi tumatanggap sa inyo ni dumirinig sa inyong mga salita, sa paglabas ninyo ng bahay o ng lunsod na yaon, ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa.
15 Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ito ay magiging 1higit na katiis-tiis para sa lupain ng Sodoma at Gomora sa araw ng paghuhukom kaysa sa lunsod na yaon.
4. Pag-uusig at ang Paraan ng Pagharap Dito
10:16-33
16 Narito, isinusugo Ko kayong katulad ng mga tupa sa gitna ng mga lobo; 1mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at maging walang-malay gaya ng mga kalapati.
17 Subali’t mangagpakaingat kayo sa mga tao; sapagka’t kayo ay 1ibibigay nila sa 2mga Sanedrin, at kayo ay hahagupitin nila sa kanilang mga sinagoga;
18 At kayo ay dadalhin sa harap ng mga 1gobernador at sa harap din ng mga hari dahil sa Akin, sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga hentil.
19 Subali’t kapag kayo ay ibinigay nila, huwag kayong mabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin; sapagka’t ipagkakaloob sa inyo sa oras na yaon kung ano ang inyong sasabihin;
20 Sapagka’t hindi kayo ang magsasalita, kundi ang 1Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa loob ninyo.
21 At ibibigay ng kapatid ang 1kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kanyang anak, at ang mga anak ay maghihimagsik laban sa mga magulang at sila ay ipapapatay.
22 At kayo ay kamumuhian ng lahat dahil sa Aking pangalan; subali’t ang makatatagal hanggang sa wakas ay siyang 1maliligtas.
23 At kapag kayo ay pinag-usig sa lunsod na ito, tumakas kayo tungo sa iba; sapagka’t katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Hinding-hindi ninyo 1matatapos libutin ang mga lunsod ng Israel hanggang sa dumating ang Anak ng Tao.
24 Ang isang disipulo ay hindi 1hihigit sa kanyang guro, ni ang isang alipin sa kanyang panginoon.
25 Sapat na sa disipulo na siya ay maging tulad ng kanyang guro, at ang alipin tulad ng kanyang panginoon. Kung tinatawag nilang 1Beelzebub ang panginoon ng sambahayan, gaano pa kaya ang mga kasambahay niya!
26 Kaya’t huwag ninyo silang katakutan; sapagka’t walang natatakpan na hindi mahahayag, at natatago na hindi malalaman.
27 Ang sinasabi Ko sa inyo sa dilim, sabihin ninyo sa liwanag; at ang naririnig ninyo sa bulong, ipahayag ninyo sa mga bubungan.
28 At huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, subali’t hindi nakapapatay ng kaluluwa; kundi sa halip ay katakutan ninyo 1Siya na may kakayahang pumuksa kapwa ng kaluluwa at ng katawan sa 2Gehenna.
29 Hindi ba’t ipinagbibili sa isang 1tansong barya ang dalawang maya? At walang isa man sa kanila ang mahuhulog sa lupa kung wala ang inyong Ama.
30 Subali’t maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang may bilang.
31 Kaya’t huwag kayong matakot: kayo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming maya.
32 Kaya ang sinumang 1nasa Akin na kumikilala sa Akin sa harapan ng mga tao, Ako na 2nasa kanya ay tiyak na kikilalanin din siya sa harapan ng Aking Ama na nasa mga kalangitan;
33 Subali’t ang sinumang magtatatwa sa Akin sa harapan ng mga tao, ay tiyak na 1itatatwa Ko rin sa harapan ng Aking Ama na nasa mga kalangitan.
5. Ang Paggambalang Dala ng Hari At ang Daan ng Krus sa Pagsunod sa Kanya
10:34-39
34 Huwag ninyong akalain na Ako ay naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa; 1hindi Ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi ng isang tabak.
35 Sapagka’t Ako ay naparito upang paglabanin ang lalake at kanyang ama at ang anak na babae laban sa kanyang ina at ang manugang na babae laban sa kanyang biyenang babae;
36 At ang magiging mga kaaway ng tao ay ang kanyang mga 1kasambahay.
37 Siya na umiibig sa ama o sa ina nang 1higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin; at siya na umiibig sa anak na lalake o anak na babae nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin;
38 At ang hindi 1nagpapasan ng kanyang krus at hindi sumusunod sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin.
39 Siya na 1nakasusumpong ng kanyang pangkaluluwang buhay ay 1mawawalan nito, at siya na winawala ang kanyang pangkaluluwang buhay dahil sa Akin ay makasusumpong nito.
6. Ang Pagiging Nakilalang-kaisa ng Hari sa mga Isinugo
10:40-11:1
40 Siya na 1tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa Akin, at siya na tumatanggap sa Akin ay tumatanggap sa nagsugo sa Akin.
41 Siya na 1tumatanggap sa isang 2propeta sa ngalan ng isang propeta ay tatanggap ng gantimpala ng isang propeta, at siya na tumatanggap sa isang 2matuwid na tao sa ngalan ng isang matuwid na tao ay tatanggap ng gantimpala ng isang matuwid na tao.
42 At ang sinumang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng isang sarong malamig na tubig sa ngalan ng isang disipulo, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, hinding-hindi mawawala ang kanyang 1gantimpala.