Mateo
KAPITULO 1
I. Ang mga Ninuno at Katayuan ng Hari
1:1-2:23
A. Ang Kanyang Talaangkanan at Katungkulan — Tinaguriang Kristo
1 Ang aklat ng salinlahi ni 1Hesu-2Kristo, ang 3Anak ni David, ang 4Anak ni Abraham.
2 Si Abraham 1ang ama ni 2Isaac; at si Isaac ang ama ni 3Jacob; at si Jacob ang ama nina 4Juda at ng kanyang mga 5kapatid na lalake;
3 At naging anak ni Juda kay 1Tamar sina 2Fares at Zara; at si Fares ang ama ni Hesron; at si Hesron ang ama ni Aram;
4 At si Aram ang ama ni Aminadab; at si Aminadab ang ama ni Naason; at si Naason ang ama ni Salmon;
5 At naging anak ni Salmon kay 1Rahab si Booz; at naging anak ni 2Booz kay 3Ruth si Obed; at si Obed ang ama ni 4Jesse;
6 At si Jesse ang ama ni 1David na 2hari; at naging anak ni David si 3Salomon doon sa 4asawa ni Urias;
7 At si Salomon ang ama ni 1Rehoboam; at si Rehoboam ang ama ni Abias; at si Abias ang ama ni Asa;
8 At si Asa ang ama ni Jehoshaphat; at si Jehoshaphat ang ama ni Joram; at si 1Joram ang ama ni Ozias;
9 At si Ozias ang ama ni Jotham; at si Jotham ang ama ni Ahas; at si Ahas ang ama ni Hezekias;
10 At si Hezekias ang ama ni Manases; at si Manases ang ama ni Amon; at si Amon ang ama ni Josias;
11 At si 1Josias ang ama ni 2Jeconias at ng Kanyang 3mga kapatid na lalake sa panahon ng 4pagkakadalang-bihag sa Babilonia.
12 At matapos ang 1pagkakadalang-bihag sa Babilonia, si Salatiel ay naging anak ni Jeconias; at si Salatiel ang ama ni 2Zorobabel;
13 At si Zorobabel ang ama ni Abiud; at si Abiud ang ama ni Eliakim; at si Eliakim ang ama ni Azor;
14 At si Azor ang ama ni Zadok; at si Zadok ang ama ni Akim; at si Akim ang ama ni Eliud;
15 At si Eliud ang ama ni Eleazar; at si Eleazar ang ama ni Mathan; at si Mathan ang ama ni Jacob;
16 At si 1Jacob ang ama ni 2Jose na asawa ni 3Maria, na siyang nanganak kay Hesus, na Siyang tinatawag na 4Kristo.
17 Sa gayon ang 1lahat ng mga salinlahi mula kay Abraham 2hanggang kay David ay labing-apat na salinlahi; at mula kay David 3 hanggang sa pagkakadalang-bihag sa Babilonia ay labing-apat na salinlahi; at mula sa pagkakadalang-bihag sa Babilonia 4hanggang kay Kristo ay labing-apat na salinlahi.
B. Ang Kanyang Pinagmulan at Katawagan — Ipinanganak na Diyos-Tao, Pinangalanang Hesus, Tinagurian ng mga Tao na Emmanuel
1:18-25
18 Ngayon ang pinagmulan ni Hesu-Kristo ay sa ganitong paraan: ang Kanyang ina, si Maria, na nakatakda nang ikasal kay Jose, bago sila magsama, ay nasumpungang may taglay na 1Anak 2ng Espiritu Santo sa sinapupunan.
19 At si Jose, na kanyang asawa, palibhasa ay isang 1matuwid na lalake, at hindi nagnanais na ipahiya siya nang hayagan, ay naglayon na 2paalisin siya nang lihim.
20 Subali’t samantalang iniisip niya ang mga bagay na ito, narito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kanya sa panaginip, na nagsasabi, Jose, anak ni David, huwag kang mangambang tanggapin si Maria bilang iyong asawa, sapagka’t ang yaon na 1ipinanganak sa kanya ay 2sa cEspiritu Santo.
21 At siya ay magsisilang ng isang Anak na lalake, at tatawagin mong 1Hesus ang Kanyang pangalan, sapagka’t ililigtas Niya Mismo ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.
22 Ngayon ang lahat ng ito ay naganap upang ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng 1propeta ay matupad, na nagsasabi,
23 Narito, ang birhen ay magdadalang-tao at magsisilang ng isang 1Anak na lalake, at kanilang tatawaging 2Emmanuel ang Kanyang pangalan, na kung isasalin ay 3sumasaatin ang Diyos.
24 At nang magising si Jose mula sa pagkakatulog, ginawa niya ang ayon sa ipinag-utos sa kanya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap niya ang kanyang asawa;
25 At hindi niya siya nakilala hanggang sa siya ay 1nagsilang ng isang Anak na lalake; at tinawag niyang Hesus ang Kanyang pangalan.