Ang Sumulat: Marcos, tingnan ang tala 11 sa kapitulo 1.
Panahon ng Pagkasulat: Ayon sa sinabi sa 13:2, mapatutunayan na ang aklat na ito ay isinulat bago ang pagkagiba ng templo, o maaaring pagkatapos ng pagkamatay ng apostol Pablo, sa pagitan ng 67 at 70 A.D.
Lugar ng Pinagsulatan:Marahil sa lunsod ng Roma. Tingnan ang 2 Tim. 4:11.
Ang Tumanggap: Ipinaliliwanag nang detalye ng aklat na ito ang mga pangalan, kaugalian, at kapistahan ng mga Hudyo, (3:17; 5:41; 7:3, 11; 14:12; 15:42), pinatutunayan na ito ay isinulat sa mga Hentil, lalung-lalo na sa mga taga-Roma.
Paksa: Ang Ebanghelyo ng Diyos —
Pinatutunayan na si Hesu-Kristo ang Aliping-Tagapagligtas
BALANGKAS
I. Ang Pasimula ng Ebanghelyo at ang Pagpapakilala sa Aliping-Tagapagligtas (1:1-13)
A. Ang Pasimula ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng Ministeryo ng Tagapagpauna (1:1-8)
1. Tulad ng Naipropesiya (bb. 1-3)
2. Pangangaral ng Bautismo ng Pagsisisi (bb. 4-6)
3. Pagpapakilala sa Aliping-Tagapagligtas (bb. 7-8)
B. Ang mga Simulang-hakbangin-ng-pagpapakilala-tungo-sa-pagtanggap sa Aliping-Tagapagligtas (bb. 9-13)
1. Binautismuhan (bb. 9-11)
2. Sinubok (bb. 12-13)
II. Ang Ministeryo ng Aliping-Tagapagligtas para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo (1:14 – 10:52)
A. Ang mga Nilalaman ng Pang-ebanghelyong Paglilingkod (1:14-45)
1. Pangangaral ng Ebanghelyo (bb. 14-20)
2. Pagtuturo ng Katotohanan (bb. 21-22)
3. Pagpapalayas sa mga Demonyo (bb. 23-28)
4. Pagpapagaling sa Maysakit (bb. 29-39)
5. Paglilinis sa Ketongin (bb. 40-45)
B. Ang mga Paraan ng Pagsasagawa ng Pang-ebanghelyong Paglilingkod (2:1-3:6)
1. Pagpapatawad sa mga Kasalanan ng Maysakit (2:1-12)
2. Pakikipagpiging sa mga Makasalanan (2:13-17)
3. Pagpapasaya sa Kanyang mga Tagasunod nang Hindi Nag-aayuno (2:18-22)
4. Pangangalaga sa Kagutuman ng Kanyang mga Tagasunod kaysa sa Alituntunin ng Relihiyon (2:23-28)
5. Pangangalaga sa Kaginhawahan ng Nagdurusa, Hindi Pag-alintana sa Ritwal ng Relihiyon (3:1-6)
C. Mga Karagdagang Gawa para sa Pang-ebanghelyong Paglilingkod (3:7-35)
1. Pag-iwas sa Panggigitgit ng mga Tao (bb. 7-12)
2. Paghirang sa mga Apostol (bb. 13-19)
3. Hindi Kumain Dahil sa Mahigpit na Pangangailangan (bb. 20-21)
4. Paggapos kay Satanas at Pagsamsam sa Kanyang Bahay (bb. 22-30)
5. Hindi Pagkilala sa mga Kamag-anak, Pagkilala lamang sa mga Gumagawa ng Kalooban ng Diyos (bb. 31-35)
D. Ang mga Talinghaga ng Kaharian ng Diyos (4:1-34)
1. Talinghaga ng Manghahasik (bb. 1-20)
2. Talinghaga ng Ilawan (bb. 21-25)
3. Talinghaga ng Binhi (bb. 26-29)
4. Talinghaga ng Binhi ng Mustasa (bb. 30-34)
E. Ang Pagkilos ng Pang-ebanghelyong Paglilingkod (4:35 – 10:52)
1. Pagpapatahimik sa Malakas na Hangin at Pagpapayapa sa Dagat (4:35-41)
2. Pagpapalayas sa Isang Pulutong ng mga Demonyo (5:1-20)
3. Pagpapagaling sa Babaeng Inaagasan ng Dugo at Pagpapabangon sa isang Patay na Batang Babae (5:21-43)
4. Hinahamak ng mga Tao (6:1-6)
5. Pagsusugo sa mga Disipulo (6:7-13)
6. Ang Pagkamartir ng Tagapagpáuná (6:14-29)
7. Pagpapakain sa Limang Libo (6:30-44)
8. Paglalakad sa Ibabaw ng Dagat (6:45-52)
9. Pagpapagaling Saanmang Dako (6:53-56)
10. Pagtuturo hinggil sa mga Bagay na Dumurungis mula sa Loob (7:1-23)
11. Pagpapalayas ng Isang Demonyo mula sa Anak na Babae ng Isang Canaanita (7:24-30)
12. Pagpapagaling sa Lalakeng Bingi at Utal (7:31-37)
13. Pagpapakain sa Apat na Libo (8:1-10)
14. Hindi Pagbibigay ng Tanda sa mga Fariseo (8:11-13)
15. Pagbababala hinggil sa Lebadura ng mga Fariseo at ni Herodes (8:14-21)
16. Pagpapagaling sa Isang Lalakeng Bulag sa Betsaida (8:22-26)
17. Paghahayag ng Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli sa Unang Pagkakataon (8:27 – 9:1)
18. Pagbabagong-anyo sa Bundok (9:2-13)
19. Pagpapalayas ng Isang Piping Espiritu (9:14-29)
20. Paghahayag ng Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli sa Ikalawang Pagkakataon (9:30-32)
21. Pagtuturo tungkol sa Pagpapakumbaba (9:33-37)
22. Pagtuturo tungkol sa Pagpaparaya para sa Pagkakaisa (9:38-50)
23. Pagdating sa Judea (10:1)
24. Pagtuturo laban sa Diborsiyo (10:2-12)
25. Pagpapala sa mga Mumunting Bata (10:13-16)
26. Pagtuturo tungkol sa Mayaman at tungkol sa Pagpasok sa Kaharian ng Diyos (10:17-31)
27. Paghahayag ng Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli sa Ikatlong Pagkakataon (10:32-34)
28. Pagtuturo tungkol sa Daan tungo sa Trono ng Kaharian ng Diyos (10:35-45)
29. Pagpapagaling sa Bulag na si Bartimeo (10:46-52)
III. Ang Paghahanda ng Aliping-Tagapagligtas para sa Kanyang Nagtutubos na Paglilingkod (11:1 – 14:42)
A. Pagpasok sa Herusalem at Pananahanan sa Betania (11:1-11)
B. Pagsumpa sa Punong Igos at Paglilinis sa Templo (11:12-26)
C. Sinubok at Sinuri (11:27 – 12:44)
1. Sinubok at Sinuri ng mga Pangulong Saserdote, mga Eskriba, at Matatanda (11:27 – 12:12)
2. Sinubok at Sinuri ng mga Fariseo at ng mga Herodiano (12:13-17)
3. Sinubok at Sinuri ng mga Saduceo (12:18-27)
4. Sinubok at Sinuri ng Isang Eskriba (12:28-34)
5. Pagbusal sa Lahat ng Tagasubok at Tagasuri (12:35-37)
6. Pagbababala na Mag-ingat sa mga Eskriba (12:38-40)
7. Pagpuri sa Dukhang Babaeng Balo (12:41-44)
D. Paghahanda sa mga Disipulo sa Kanyang Kamatayan (13:1 – 14:42)
1. Pagsasabi sa Kanila tungkol sa mga Bagay na Darating (13:1-37)
2. Pagtatamasa sa Kanilang Pag-ibig, Samantalang Nagsasabwatan ang Kanyang mga Manunuligsa na Patayin Siya, at Nagbabalak ang Isa sa Kanyang mga Disipulo na Ipagkanulo Siya (14:1-11)
3. Pagtatatag ng Hapunan (14:12-26)
4. Pagbabala sa mga Disipulo (14:27-31)
5. Pagdaranas sa Getsemani-Pagnanais sa mga Disipulo na Manalangin nang may Pagbabantay (14:32-42)
IV. Ang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli ng Aliping-Tagapagligtas para sa Pagsasakatuparan ng Pagtutubos ng Diyos (14:43 – 16:18)
A. Ang Kanyang Kamatayan (14:43 – 15:47)
1. Pinadakip (14:43-52)
2. Hinatulan (14:53 – 15:15)
a. Hinatulan ng mga Pinunong Hudyo na Kumakatawan sa mga Hudyo (14:53-72)
b. Hinatulan ng Romanong Gobernador na Kumakatawan sa mga Hentil (15:1-15)
3. Ipinako-sa-Krus (15:16-41)
4. Inilibing (15:42-47)
B. Ang Kanyang Pagkabuhay-na-muli (16:1-18)
1. Natuklasan ng Tatlong Kapatid na Babae (bb. 1-8)
2. Pagpapakita kay Maria Magdalena (bb. 9-11)
3. Pagpapakita sa Dalawang Disipulo (bb. 12-13)
4. Pagpapakita sa Labing-isang Disipulo at Pag- aatas sa Kanilang Ipahayag ang Ebanghelyo sa Lahat ng Nilikha (bb. 14-18)
V. Ang Pag-akyat-sa-langit ng Aliping-Tagapagligtas para sa Pagpaparangal sa Kanya (16:19)
VI. Ang Pansansinukob na Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Aliping-Tapagligtas sa Pamamagitan ng Kanyang mga Disipulo (16:20)