Marcos
KAPITULO 9
18. Pagbabagong-anyo sa Bundok
9:2-13
1 At sinabi Niya sa kanila, Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, may ilan sa mga nakatayong ito na hindi makatitikim sa anumang paraan ng kamatayan, hanggang sa makita nila ang kaharian ng Diyos na dumarating ng may kapangyarihan.
18. Pagbabagong-anyo sa Bundok
9:2-13
2 1At pagkaraan ng anim na araw, 2isinama ni Hesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan, at sila ay 3dinalang bukod sa isang mataas na bundok. At Siya ay nabagong-anyo sa harap nila;
3 At ang Kanyang mga damit ay nangagningning, na nagsiputing maigi, na anupat ang anumang pampaputi sa lupa ay hindi makapagpapaputi nang gayon.
4 At doon ay nagpakita sa kanila si Elias na kasama si Moises, at sila ay nakikipag-usap kay Hesus.
5 At sa pagsagot sinabi ni Pedro kay Hesus, Rabí, mabuti sa atin ang tayo ay dumito. At hayaan kaming magsigawa ng tatlong tabernakulo isa para sa Iyo, at isa para kay Moises, at isa para kay Elias.
6 Sapagkat hindi niya alam kung ano ang isasagot, sapagkat sila ay lubhang nangatakot.
7 At dumating ang isang alapaap na sa kanila ay lumilim, at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang Aking Anak, ang Sinisinta. Siya ang inyong pakinggan!
8 At kapagdaka sa biglang paglingap nila sa palibut-libot, wala silang nakitang sinumang kasama nila kundi si Hesus lamang.
9 At habang nagsisibaba sila sa bundok, ipinagbilin Niya sa kanila na sa 1kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita, maliban na kapag ang Anak ng Tao ay magbangon mula sa mga patay.
10 At kanilang itinago ang bagay na ito sa kanilang mga sarili, na nagtatanungan sa isa’t isa kung ano ang kahulugan ng pagbabangon mula sa mga patay.
11 At Siya ay tinanong nila na nagsasabi, Bakit sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
12 At sinabi Niya sa kanila, Katotohanang si Elias, na unang paririto, ay magpapanauli ng lahat ng mga bagay sa dati. At paanong nasusulat ang tungkol sa Anak ng Tao na Siya ay maghihirap ng maraming bagay at lubusang hahamakin?
13 Datapuwat sinasabi Ko sa inyo na naparito na 1nga si Elias, at ginawa rin naman nila sa kanya ang anumang kanilang inibig, ayon sa nasusulat tungkol sa kanya.
19. Pagpapalayas ng isang Piping Espiritu
9:14-29
14 At pagdating sa mga disipulo, nakita 1nilang nasa kanilang palibut-libot ang lubhang maraming tao, at ang 2mga eskriba ay nangakikipagtalo sa kanila.
15 At kapagdaka ang buong karamihan, pagkakita sa Kanya, ay nangagtakang mainam, at pagtakbo sa Kanya, ay binati Siya.
16 At tinanong Niya sila, Ano ang ipinakikipagtalo ninyo sa kanila?
17 1At isa sa karamihan ay sumagot sa Kanya, Guro, dinala ko sa Iyo ang aking anak na lalake na may isang espiritung pipi;
18 At saan man siya alihan nito ay 1ibinubuwal siya, at nagbububula ang kanyang bibig, at nagngangalit ang mga ngipin, at unti-unting natutuyo; at sinabi ko sa Iyong mga disipulo upang kanilang mapalayas ito, at hindi nila 2napalayas.
19 At pagsagot sa kanila, Siya at nagsasabi, 1O henerasyong walang pananampalataya! Hanggang kailan ninyo Ako makakasama? Hanggang kailan Ko kayo matitiis? Dalhin ninyo siya sa Akin.
20 At kanilang dinala sa Kanya. At pagkakita sa Kanya, kapagdaka ay pinangisay siya nang lubha ng espiritu at siya ay nalugmok sa lupa, at nagpagulung-gulong na bumubula ang kanyang bibig.
21 At tinanong Niya ang kanyang ama, Kailan pa nangyayari sa kanya ito? At sinabi niya, Mula sa pagkabata;
22 At madalas na siya ay inihahagis sa apoy at sa tubig, upang siya ay patayin; datapuwat kung may magagawa Ka, ay 1tulungan Mo kami nang may habag sa amin!
23 At sinabi sa kanya ni Hesus, Kung kaya mo! Ang lahat ng bagay ay mapangyayari sa kanya na nananampalataya.
24 Kapagdaka ay sumigaw ang ama ng bata, at sinabi, Nananampalataya ako! Tulungan Mo ako sa aking di-pananampalataya!
25 At nang makita ni Hesus na padagsang tumatakbo ang karamihan, pinagwikaan Niya ang karumal-dumal na espiritu, na sinasabi rito, Ikaw pipi at binging espiritu, iniuutos Ko sa iyo na 1lumabas ka sa kanya, at 2huwag ka nang pumasok muli sa kanya.
26 At nagsisigaw, at nang siya ay pinangisay nang lubha, ito ay lumabas; at siya ay naging mistulang patay, anupat marami ang nagsabi na siya ay namatay.
27 Datapuwat 1hinawakan siya ni Hesus sa kamay, ibinangon siya, at siya ay tumindig.
28 At nang pumasok Siya sa isang bahay ay tinanong Siya nang lihim ng Kanyang mga disipulo, Bakit hindi namin napalabas ito?
29 At sinabi Niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anuman, maliban sa pamamagitan ng panalangin1.
20. Paghahayag ng Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli sa ikalawang Pagkakataon
9:30-32
30 At pagkaalis doon, sila ay nagdaan sa Galilea at ayaw Niyang malaman ito ninuman;
31 Sapagkat tinuturuan Niya ang Kanyang mga disipulo at sa kanila ay sinasabi, Ibibigay ang Anak ng Tao sa mga kamay ng mga tao, at Siya ay papatayin nila; at pagkapatay sa Kanya, Siya ay magbabangon pagkaraan ng ikatlong araw.
32 Ngunit hindi nila naunawaan ang salita na Kanyang sinasabi, at nangatakot silang magsipagtanong sa Kanya.
21. Pagtuturo tungkol sa Pagpapakumbaba
9:33-37
33 At sila ay nagsidating sa Capernaum. At nang Siya ay nasa bahay na, tinanong Niya sila, Ano ang pinangangatuwiranan ninyo sa daan?
34 Datapuwat hindi sila nagsiimik, sapagkat nagtalo sila sa isat isa sa daan, kung sino ang higit na dakila.
35 At pagkaupo, tinawag Niya ang labindalawa at sinabi sa kanila, Kung ang sinuman ang ibig na maging una ay siyang mahuhuli sa lahat, at lingkod ng lahat.
36 At kinuha Niya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila; at siya ay Kanyang 1kinarga, na sa kanila ay sinabi Niya,
37 Ang sinumang tumatanggap sa isa sa ganitong maliliit na bata 1sa Aking pangalan ay 2Ako ang tinatanggap; at ang sinumang tumatanggap sa Akin ay hindi Ako ang tinatanggap, kundi yaong sa Akin ay nagsugo.
22. Pagtuturo tungkol sa Pagpaparaya para sa Pagkakaisa
9:38-50
38 Sinabi sa Kanya ni Juan, Guro, nakita namin ang isa na nagpapalayas ng mga demonyo sa pangalan Mo na hindi sumusunod sa atin, at 1pinagbawalan namin siya, sapagka’t hindi siya sumusunod sa atin.
39 Datapuwat sinabi ni Hesus, 1Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan Ko at kapagdaka ay makapagsasalita ng masama tungkol sa Akin.
40 Sapagkat 1ang hindi laban sa atin ay para sa atin.
41 Sapagkat ang sinumang magpainom sa 1inyo ng isang sarong tubig sa Aking pangalan, dahil sa kayo ay 2kay Kristo, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, na hindi mawawala sa anumang paraan ang 3gantimpala niya.
42 At ang sinumang magbigay ng ikatitisod sa 1maliliit na ito na sumasampalataya sa Akin, mabuti pa sa kanya ang bitinan ang kanyang leeg ng isang malaking gilingang-bato, at siya ay ibulid sa dagat.
43 At kung ang 1kamay mo ay nakapagpapatisod sa iyo, 2putulin mo ito; mabuti pa sa iyo ang pumasok sa 3buhay na pingkaw, kaysa may dalawang kamay kang mapasa 4Gehenna, sa apoy na 5hindi mapapatay.
44 (Tingnan ang tala 441.)
45 At kung ang paa mo ay nakapagpapatisod sa iyo, putulin mo ito; mabuti pa sa iyo ang pumasok nang pilay sa buhay kaysa may dalawang paa kang mabulid sa Gehenna1.
46 (Tingnan ang tala 441.)
47 At kung ang mata mo ay nakapagpapatisod sa iyo, 1alisin mo ito; mabuti pa sa iyo ang pumasok sa 2kaharian ng Diyos na may isang mata, kaysa may dalawang mata kang mabulid sa Gehenna,
48 Na roon ay 1hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.
49 Sapagkat ang bawat isa ay 1aasnan sa pamamagitan ng 2apoy2.
50 Mabuti ang 1asin, datapuwat kung 2tumabang ang asin, ano ang gagamitin ninyo sa 3pagpapanumbalik ng kaalatan nito? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin at kayo ay magkaroon ng kapayapaan sa isat isa.