KAPITULO 8
1 1Para sa bb. 1-10, tingnan ang mga tala sa Mat. 15:32-39.
1 2*Sa orihinal ay ”tinatawag”.
1 3*Sa orihinal ay ”sinasabi”.
2 1Ang mga kagalingan ng pagkahabag, pakikiramay, at magiliw na pag-aaruga ng Aliping-Tagapagligtas ay malinaw at matamis na ipinakita rito sa Kanyang pagkatao.
3 1Tingnan ang tala 2 1 .
4 1O, mula saan.
8 1Tingnan ang tala 43 1 sa kap. 6.
9 1Ang ilang manuskrito ay nagdaragdag ng, na mga nakakain na.
10 1Ang Dalmanuta ay maaaring isang nayon na nasa mga distrito ng Magadan (Mat. 15:39). Marahil ito ay isang lugar na nasa kanluran ng Dagat ng Galilea.
11 1Para sa bb. 11-21, tingnan ang mga tala sa Mat. 16:1-12.
11 2Tingnan ang tala 6 1 sa kap. 2.
11 3Tumutukoy sa himala na may espirituwal na kahulugan.
12 1Ito ay isa ring pantaong kagalingan ng Panginoon, ipinakikita ang Kanyang damdamin sa mga tao.
12 2Lit. Kung ang isang tanda ay ibibigay. Isang Hebraismo, katulad ng nasa Heb. 3:11.
15 1Tingnan ang tala 33 1 sa Mateo 13. Ang lebadura ng mga Fariseo ay ang kanilang pagpapaimbabaw (Luc. 12:1), at ang lebadura ni Herodes ay ang kanyang kabulukan at kawalang-katarungan sa pulitika (tingnan ang tala 27 1 sa kap. 6).
22 1Sinasagisag ang isa na nawalan ng kanyang panloob na paningin, isang bulag sa pang-espirituwal (Gawa 26:18; 2 Ped. 1:9).
23 1Inihayag nito ang pagkatao ng Aliping-Tagapagligtas sa Kanyang matalik at mapagmahal na pag-aruga sa nangangailangang isa. Tingnan ang tala 36 1 sa kap. 9.
23 2Maaaring ipinakikita nito na hindi hahayaan ng Aliping-Tagapagligtas na makita at malaman ng maraming tao ang anumang Kanyang nilalayong gawin para sa lalakeng bulag na ito, yamang Kanyang inatasan siya na huwag pumasok kahit na sa nayon (b. 26). Sa pang-espirituwal, maaaring ipinakikita rin nito na nais ng Aliping-Tagapagligtas na magkaroon ng isang sarilinan at matalik na oras ang lalakeng bulag kasama Niya upang siya ay malalinan Niya ng elementong magpapanumbalik sa kanyang paningin. Kailangan ng lahat ng bulag sa pang-espirituwal ang gayong panahong kasama ng Aliping-Tagapagligtas.
23 3Ang pagkabulag ay may kaugnayan sa kadiliman (Gawa 26:18). Ang liwanag ay kailangan upang makakita. Ang lura ng Aliping-Tagapagligtas ay maaaring sumasagisag sa salitang lumalabas sa Kanyang bibig (tingnan ang tala 6 1 sa Juan 9), na naghahatid ng maka-Diyos na ilaw ng buhay sa tumatanggap para sa pagpapanumbalik ng kanyang paningin. Ang gayong paglura ng Aliping-Tagapagligtas, dagdag pa ang pagpapatong ng Kanyang mga kamay, ay higit na mayaman kaysa sa Kanyang paghipo lamang, katulad ng hiniling para sa lalakeng bulag ng mga katulong nito.
23 4Ipinakikita ang pakikipagkaisa ng Aliping-Tagapagligtas sa lalakeng bulag upang mailalin ang Kanyang nagpapagaling na elemento tungo sa kanyang loob.
24 1Maaaring inilalarawan nito ang espirituwal na paningin ng isang tao. Sa pasimulang antas ng kanyang espirituwal na paggaling, maaaring makita niya ang mga espirituwal na bagay katulad ng pagkakita ng lalakeng bulag na ito nakikita ang mga tao gaya ng mga punong-kahoy na lumalakad. Pagkaraan ng isang higit pang pagpapagaling, kanyang nakikita ang lahat ng bagay nang malinaw gaya ng lalakeng ito..
25 1Tingnan ang tala 31 1 sa kap. 1.
26 1Sa buong itinagal ng Kanyang pagmiministeryo, ayaw ng Aliping-Tagapagligtas, bilang ang Alipin ng Diyos, ang publisidad. Tingnan ang tala 44 1 sa kap. 1. Ito ay isa sa Kanyang paghahayag ng pantaong kagalingan na maganda at kaibig-ibig.
26 2Ang ilang manuskristo ay nagdaragdag ng, ni sabihin ito kaninuman sa nayon.
27 1Para sa bb. 27-29, tingnan ang mga tala sa Mat. 16:13-16.
30 1Ayaw ng Aliping-Tagapagligtas na ipaanunsiyo ang Kanyang Sarili.
31 1Para sa 8:31-9:1, tingnan ang mga tala sa Mat. 16:21-28.