Marcos
KAPITULO 5
2. Pagpapalayas sa Isang Pulutong ng mga Demonyo
5:1-20
1 1At dumating sila sa kabilang ibayo ng dagat, sa lupain ng mga Gadareno.
2 At nang makalunsad Siya sa daong, kaagad na sinalubong Siya ng isang lalakeng galing sa mga libingan na may karumal-dumal na espiritu,
3 Na tumatahan sa mga 1libingan. At wala nang makagapos sa kanya, kahit na ng tanikala,
4 Sapagka’t madalas na siyang igapos ng mga posas at mga tanikala, at napagpapatid-patid niya ang mga tanikala, at napagbabali-bali ang mga posas at, walang may sapat na lakas na makasupil sa kanya.
5 At tuluy-tuloy sa gabi at araw, sa mga libingan at sa mga kabundukan, nagsisisigaw siya at sinusugatan ang kanyang sarili ng mga bato.
6 At nang matanaw niya si Hesus mula sa malayo, tumakbo siya at Siya ay kanyang sinamba,
7 At nagsisigaw nang may malakas na tinig, na 1kanyang sinasabi, 2Anong pakialam ko sa Iyo, Hesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Pinamamanhikan Kita alang-alang sa Diyos, huwag Mo akong pahirapan!
8 Sapagka’t sinabi Niya sa kanya, 1Lumabas ka sa taong ito, ikaw na karumal-dumal na espiritu!
9 At siya ay tinanong Niya, Ano ang pangalan mo? At sinabi niya sa Kanya, Pulutong ang pangalan ko, sapagka’t marami kami.
10 At mahigpit niyang ipinamanhik sa Kanya na sila ay huwag Niyang palayasin sa lupaing yaon.
11 At sa libis ng bundok na yaon ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain.
12 At 1sila ay namanhik sa Kanya, na nagsasabi, Paparoonin Mo kami sa mga baboy, upang kami ay makapasok sa kanila.
13 At 1sila ay pinahintulutan Niya. At nang makalabas ang mga karumal-dumal na espiritu, sila ay nagsipasok sa mga baboy, at ang kawan ay dumaluhong sa bangin hanggang sa dagat, may mga dalawang libong baboy, at sila ay nalunod sa dagat.
14 At nagsitakas ang mga nagpapakain sa kanila at ipinamalita sa lunsod at sa kabukiran at nagsiparoon ang mga tao upang makita kung ano ang nangyari.
15 At lumapit sila kay Hesus at nakita nila ang lalakeng inalihan ng mga demonyo na nakaupo, nakadamit, at matino ang pag-iisip, samakatuwid ay siya na nagkaroon ng pulutong; at sila ay natakot.
16 At isinaysay sa kanila ng mga nakasaksi kung paano ito nangyari sa lalakeng inalihan ng mga demonyo, at ang tungkol sa mga baboy.
17 At nagsimula silang makiusap sa Kanya na Siya ay umalis sa kanilang mga hangganan.
18 At sa paglulan Niya sa daong, nakiusap sa Kanya ang lalakeng inalihan ng mga demonyo na siya ay makasama Niya.
19 At siya ay hindi Niya pinahintulutan, kundi sinabi sa kanya, Umuwi ka sa iyong bahay, sa iyong sariling mga kababayan, at ibalita mo sa kanila ang mga bagay na ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paanong kinaawaan ka Niya.
20 At siya ay lumisan at sinimulang ihayag sa 1Decapolis ang mga bagay na ginawa sa kanya ni Hesus; at nagtaka ang lahat.
3. Pagpapagaling sa Babaeng Inaagasan ng Dugo at Pagpapabangon sa isang Patay na Batang Babae
5:21-43
21 At nang si Hesus ay muling makatawid sakay ng daong sa kabilang ibayo, nagkatipon sa Kanya ang isang malaking kalipunan, at Siya ay nasa tabi ng dagat.
22 1At lumapit ang isa sa mga pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo; at nang makita Siya, nagpatirapa siya sa Kanyang paanan,
23 At nagsusumamong mainam sa Kanya, na nagsasabi, Ang aking munting anak na babae ay nasa bingit ng kamatayan; halika at ipatong Mo ang Iyong mga kamay sa kanya, upang siya ay gumaling, at mabuhay.
24 At Siya ay sumama sa kanya. At ang malaking kalipunan ay sumunod sa Kanya at nagsipagsiksikan sa Kanya.
25 At isang 1babae na may labindalawang taon nang inaagasan,
26 At napahirapan na ng maraming bagay sa ilalim ng maraming manggagamot, at naggugol na ng kanyang lahat at walang nangyari bagkus lalo pang lumubha,
27 Nang marinig niya ang mga bagay tungkol kay Hesus, ay nakihalubilo siya sa kalipunan na nasa likuran Niya at hinipo ang Kanyang damit;
28 Sapagka’t sinabi niya, Kung mahipo ko man lamang ang Kanyang mga damit, ako ay 1gagaling.
29 At kaagad na naampat ang agas ng kanyang dugo, at naramdaman niya sa kanyang katawan na siya ay magaling na sa salot niya.
30 At kaagad, nang matalastas ni Hesus sa Kanyang Sarili na may 1kapangyarihang lumabas sa Kanya, bumaling Siya sa mga tao at nagsabi, Sino ang humipo ng Aking mga damit?
31 At sinabi sa Kanya ng Kanyang mga disipulo, Nakikita Mong 1sinisiksik Ka ng mga tao, at sasabihin Mong, Sino ang humipo sa Akin?
32 At luminga-linga Siya upang makita ang gumawa nito.
33 Subali’t ang babae na 1natatakot at nangangatal, palibhasa ay nalalaman niya ang nangyari sa kanya, ay lumapit at nagpatirapa sa harap Niya at sinabi sa Kanya ang buong katotohanan.
34 At sinabi Niya sa kanya, 1Anak, 2pinagaling ka ng iyong pananampalataya; 3humayo kang payapa at 4gumaling ka mula sa iyong salot.
35 Samantalang Siya ay nagsasalita pa, may nagsidating na galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, na nagsasabi, Namatay na ang anak mo; bakit mo pa inaabala ang Guro?
36 Subali’t nang 1maulinigan ni Hesus ang salitang kanilang sinasalita, 2sinabi Niya sa pinuno ng sinagoga, Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang!
37 At hindi Niya pinahintulutang sumama sa Kanya ang sinuman liban kay Pedro at Santiago at Juan na kapatid ni Santiago.
38 At nagsidating sila sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at nakamasid Siya ng pagkakagulo, at nagsisitangis at nananaghoy nang labis ang mga tao.
39 At pagpasok Niya, ay Kanyang sinabi sa kanila, Bakit kayo nagkakagulo at nagsisitangis? Hindi namatay ang bata, kundi natutulog.
40 At Siya ay nilibak nila. Subali’t nang mapalabas na Niya ang lahat, isinama Niya ang ama ng bata at ang ina nito at ang mga kasama Niya, at pumasok sa kinaroroonan ng bata.
41 At pagkahawak Niya sa kamay ng bata ay 1sinabi Niya sa kanya, 2Talitha koum! (na kung ipaliliwanag ay, Munting batang babae, sinasabi Ko sa iyo, bumangon ka!
42 At kaagad ang batang babae ay bumangon at lumakad, sapagka’t siya ay labindalawang taong gulang. At 1sila ay namangha ng malaking pagkamangha.
43 At mahigpit na ipinagbilin Niya sa kanila na 1walang sinumang dapat makaalam nito; at ipinag-utos Niya na bigyan siya ng makakain.