Marcos
KAPITULO 4
D. Ang Mga Talinghaga Ng Kaharian Ng Diyos
4:1-34
1. Talinghaga ng Manghahasik
bb. 1-20
1 1At Siya ay muling nagsimulang 2magturo sa atabi ng bdagat; at lubhang napakaraming tao ang nagkatipon sa Kanya, kung kaya’t Siya ay lumulan sa isang cdaong upang umupo sa dagat, at ang buong karamihan ay nasa lupa at nakaharap sa dagat.
2 At sila ay tinuruan Niya ng maraming bagay sa mga talinghaga, at sinabi sa kanila sa Kanyang apagtuturo:
3 Pakinggan ninyo! Narito, ang 1amanghahasik ay lumabas upang 2maghasik.
4 At nangyari, sa kanyang paghahasik, ang ilang binhi ay nahulog sa tabi ng daan, at nagsidating ang mga ibon at kinain ito.
5 At ang iba ay nahulog sa batuhan, kung saan walang gaanong lupa; at ito ay akaagad na sumibol, sapagka’t hindi malalim ang lupa;
6 At nang asumikat ang araw, ito ay nainitan; at dahil sa ito ay walang ugat, ito ay natuyo.
7 At ang iba ay nahulog sa adawagan, at tumaas ang mga dawag at ginipit ito, at hindi ito namunga.
8 At ang iba ay nahulog sa mabuting lupa at namunga, nagsitaas at nagsilago at anamunga, ang isa ay tatlumpu, at ang isa ay animnapu, at ang isa ay bsandaan.
9 At sinabi Niya, Ang may mga apandinig na ipakikinig ay makinig.
10 At nang Siya ay anag-iisa na, tinanong Siya ng mga nakapalibot sa Kanya, kasama ang labindalawa, tungkol sa mga talinghaga.
11 At sinabi Niya sa kanila, Sa inyo ipinagkaloob ang 1ahiwaga ng kaharian ng Diyos, subali’t sa kanila na nasa blabas, ang lahat ng bagay ay 2sa mga ctalinghaga,
12 Upang sa apagtingin sila ay makakita at hindi makahiwatig, at sa pagdinig sila ay makarinig at bhindi makaunawa, baka sakaling sila ay cbumaling at sila ay patawarin.
13 At sinasabi Niya sa kanila, Hindi ba ninyo 1nalalaman ang atalinghagang ito? At paano ninyo 1malalaman ang lahat ng talinghaga?
14 Ang amanghahasik ay naghahasik ng bsalita.
15 At ang mga ito ay ang mga nasa tabi ng daan, kung saan naihasik ang salita; at nang kanilang marinig, akaagad na dumarating si Satanas at inaalis ang salita na naihasik sa kanila.
16 At gayundin naman itong mga naihasik sa batuhan, na, apagkarinig nila ng salita, ay kaagad na tinatanggap ito nang may galak,
17 At wala silang ugat sa kanilang sarili, kundi tumatagal lamang anang sandali; at pagdating ng kapighatian o ng pag-uusig dahil sa salita, kaagad silang bnatitisod.
18 At ang iba ay yaong mga naihasik sa dawagan; ang mga ito ang nakapakinig ng salita,
19 At ang mga akabalisahan ng kapanahunan, at ang bdaya ng ckayamanan, at ang mga paghahangad hinggil sa ibang bagay ay pumapasok at lubusang gumigipit sa salita, at ito ay nagiging walang bunga.
20 At yaon ang mga naihasik sa mabuting lupa, na mga nakinig ng salita at tumanggap nito at anamunga, ang isa ay tatlumpu, at ang isa ay animnapu, at ang isa ay sandaan.
2. Talinghaga ng Ilawan
bb. 21-25
21 At sinabi Niya sa kanila, Dinadala ba ang 1ailawan upang ito ay ilagay sa ilalim ng 2modios o sa ilalim ng higaan? Hindi ba’t upang ilagay sa 3patungan-ng-ilawan?
22 Sapagka’t walang anumang anatatago, kundi upang ito ay mahayag, ni nalilihim, kundi upang ito ay maging hayag.
23 Kung ang sinuman ay may apandinig na ipakikinig ay makinig.
24 At sinabi Niya sa kanila, Ingatan ninyo kung ano ang inyong naririnig. Sa 1panukat na inyong ipinangsusukat, kayo ay susukatin, at ito ay idaragdag sa inyo.
25 Sapagka’t ang 1amayroon ay bibigyan; at ang wala, maging ang taglay niya ay aalisin sa kanya.
3. Talinghaga ng Binhi
bb. 26-29
26 At sinabi Niya, Ganyan ang 1akaharian ng Diyos, parang isang 2taong naghahasik ng 3bbinhi sa lupa,
27 At 1natutulog at bumabangon gabi at araw, at ang binhi ay sumisibol at 2lumalaki-kung paano ay hindi niya nalalaman.
28 Ang 1lupa ay nagbubunga 2sa kanyang sarili: una ay ang usbong, saka ang uhay, pagkatapos ay ang butil na humihitik sa uhay.
29 Subali’t kapag hinog na ang bunga, akaagad na isinusugo niya ang 1bpanggapas, sapagka’t dumating na ang pag-aani.
4. Talinghaga ng Binhi ng Mustasa
bb. 30-34
30 1At Kanyang sinabi, Sa ano natin itutulad ang akaharian ng Diyos, o sa anong talinghaga natin 2isasaysay ito?
31 Ito ay tulad sa butil ng amustasa, na nang maihasik sa lupa ay pinakamaliit sa lahat ng binhi sa lupa,
32 At nang ito ay maitanim, ito ay tumataas at nagiging 1higit kaysa sa lahat ng gulay, at nagsasanga nang malalabay, anupa’t 1ang mga ibon ng langit ay nakasisilong sa lilim nito.
33 At sa maraming gayong 1talinghaga Niya sinalita ang asalita sa kanila, ayon sa makakaya ng kanilang pandinig;
34 At hindi Siya nagsalita sa kanila nang walang atalinghaga, subali’t sa Kanyang Sariling mga disipulo ay bbukod na ipinaliwanag Niya ang lahat ng bagay.
E. Ang Pagkilos ng Pang-ebanghelyong Paglilingkod
4:35-10:52
1. Pagpapatahimik sa Malakas na Hangin at Pagpapayapa sa Dagat
4:35-41
35 At nang araw ding yaon, nang gabi na, ay sinabi Niya sa kanila, aTumawid tayo sa kabilang ibayo.
36 1At pagkaiwan sa karamihan ay kanilang dinala Siya, ayon sa Kanyang kalagayan, sa adaong at mayroon Siyang kasamang ibang mga daong.
37 At nagkaroon ng malakas na abagyong hangin, at hinahampas ng mga alon ang bdaong, kung kaya’t ang daong ay natitigib na.
38 At Siya ay nasa hulihan, 1natutulog sa ibabaw ng kutson. At Siya ay ginising nila at sinabi sa Kanya, Guro, wala bang anuman sa Iyo na mapahamak tayo?
39 At nang magising, 1asinaway Niya ang hangin at sinabi sa dagat, Tumahimik ka! Pumayapa ka! At btumahimik ang hangin, at nagkaroon ng malaking ckapanatagan.
40 At sinabi Niya sa kanila, Bakit kayo anatatakot? Wala pa ba kayong bpananampalataya?
41 At sila ay lubhang 1natakot at nagsabihan sila sa isa’t isa, Sino nga ito, na pati ang hangin at ang dagat ay 2atumatalima sa Kanya?