KAPITULO 2
1 1Ang limang pangyayari na malinaw na itinala sa b. 1—3:6 ay bumubuo ng isang partikular na grupo, ipinakikita kung paano isinagawa ng Aliping-Tagapagligtas bilang ang Alipin ng Diyos, ang Kanyang pang-ebanghelyong paglilingkod upang tustusan ang pangangailangan ng mga natisod na tao na binihag ni Satanas mula sa Diyos at mula sa pagtatamasa sa Diyos, upang sila ay mailigtas mula sa kanilang pagkabihag at maibalik sa Diyos na katama-tamasa:
1) Kanyang pinatawad ang mga kasalanan ng biktima ng karamdaman bilang ang Diyos na may maka-Diyos na awtoridad, upang Kanyang mapalaya siya mula sa paniniil ni Satanas (Gawa 10:38) at mapanumbalik siya sa Diyos. Ipinagpalagay ng mga eskriba na ito ay laban sa teolohiya ng kanilang relihiyon (bb. 1-12).
2) Siya ay nakipagpiging, katulad ng isang manggagamot sa may karamdaman at mga miserableng tao, sa mga maniningil ng buwis, yaong mga hindi tapat sa kanilang lahi at mga makasalanang hinamak at inihiwalay mula sa lipunan, upang matikman nila ang kaawaan ng Diyos at mabawi tungo sa pagtatamasa sa Diyos. Ito ay tinuligsa ng mga nagmamatuwid-sa-sarili subalit mga walang-awang eskriba sa mga Fariseo (bb. 13-17).
3) Kanyang sinanhi ang Kanyang mga tagasunod na maging masaya at maligaya nang walang pag-aayuno, katulad ng isang kasintahang lalake na kasama ang mga abay sa kasalan. Sa gayon ay Kanyang pinawalang-saysay ang gawi ng mga disipulo ni Juan (ang mga bagong relihiyonista) at ng mga Fariseo (ang mga lumang relihiyonista), upang ang Kanyang mga tagasunod ay mailigtas mula sa mga gawi ng kanilang relihiyon tungo sa pagtatamasa sa Kristo ng Diyos bilang kanilang Kasintahang Lalake, kasama ang Kanyang katuwiran bilang kanilang panlabas na kasuotan at ang Kanyang buhay bilang kanilang panloob na alak sa Bagong Tipang ekonomiya ng Diyos (bb. 18-22).
4) Hinayaan Niya ang Kanyang mga tagasunod na magsikitil ng mga uhay sa mga bukiran ng trigo sa Sabbath upang mapawi nila ang kanilang kagutuman. Sa gayon, sa panlabas, wari ay kanilang binali ang kautusan ng Diyos hinggil sa Sabbath, subalit sa katunayan ay binigyang-kaluguran nila ang Diyos, sapagkat ang kagutuman ng mga tagasunod ni Kristo ay nabigyang-kasiyahan sa pamamagitan Niya, katulad ng pagkabigay-kasiyahan ng tinapay ng presensiya na nasa loob ng templo sa kagutuman ni David at ng kanyang mga tagasunod. Ito ay nagpapakita na sa Bagong Tipang ekonomiya ng Diyos, ito ay hindi isang bagay ng pagtupad sa regulasyon ng relihiyon, kundi ng pagtatamasa ng kasiyahan kay Kristo at sa pamamagitan ni Kristo bilang tunay na kapahingahan-ng-Sabbath (bb. 23-28).
5) Kanyang pinagaling ang isang lalake na may tuyong kamay noong Sabbath, hindi pinahahalagahan ang pangingilin sa Sabbath, kundi ang kalusugan ng Kanyang mga tupa. Sa gayon ay tinukoy Niya na ang Bagong Tipang ekonomiya ng Diyos, ay hindi isang bagay ng pagtupad sa mga regulasyon kundi ng pamamahagi ng buhay. Dahil dito Siya ay kinapootan ng mga Fariseo ang mga relihiyonista (3:1-6).
Lahat ng limang maawain at buháy na paraan na ginampanan ng Aliping-Tagapagligtas upang isagawa ang Kanyang pang-ebanghelyong paglilingkod ay sumalungat sa pormal at tradisyunal na relihiyon at sa gayon ay kinasuklaman ng mga nangunguna sa relihiyon na pawang makalaman, matitigas ang ulo, at patay.
1 2O, nasa tahanan.
3 1Sumasagisag sa isang makasalanang ginawang paralitiko ng kasalanan, na hindi makalakad at makagalaw sa harap ng Diyos.
4 1Ang kanilang kasigasigan sa paghahanap sa pagpapagaling ng Aliping-Tagapagligtas ang nagtulak sa mga naghahanap na sirain ang wastong hadlang—isang marahas na gawa. Tingnan ang tala 2 2 sa Mateo 9.
4 2Isang maliit na kama o sapin. Gayundin sa bb. 9, 1 1 at 1 2 .
5 1Ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig ng salita ni Kristo (Roma 10:17), nagpapakita na ang mga naghahanap ay nakapakinig ng tungkol sa Aliping-Tagapagligtas.
5 2Ang mapagmahal na salitang ito ng Aliping-Tagapagligtas ay nagpapahiwatig ng kagandahang-loob; dito ang Kanyang pantaong kagalingan ay naihayag.
5 3Ang mga kasalanan ang sanhi ng karamdaman. Ang salita ng Aliping-Tagapagligtas dito ay humipo sa sanhi upang ang epekto ay dumating. Sa sandaling ang mga kasalanan ay napatawad, ang karamdaman ay mapapagaling.
6 1Ang mga eskriba at mga Fariseo, bilang mga relihiyonista ng luma at patay na relihiyon, ay nasulsulan at nagamit ni Satanas, ang kaaway ng Diyos, upang salungatin, kalabanin, at hadlangan ang pang-ebanghelyong paglilingkod ng Alipin ng Diyos sa buong ministeryo Niya (bb. 16, 24; 3:22; 7:5; 8:11; 9:14; 10:2; 11:27; 12:13, 28). Akala nila ay sumasamba sila sa Diyos at masigasig para sa Kanya, hindi nila nalalaman na ang pinaka-Diyos ng kanilang mga ninuno, ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob, ay nasa harapan nila sa anyo ng isang alipin upang paglingkuran sila. Sila ay binulag ng kanilang tradisyunal na relihiyon mula sa pagkakita sa Kanya sa dibinong ekonomiya ng Diyos, at nagplano upang Siya ay patayin (3:6; 11:18; 14:1); at sa katunayan ay kanilang pinatay Siya (8:31; 10:33; 14:43, 53; 15:1, 31).
7 1Ang mga nangangatuwirang eskriba, na nagtuturing sa kanilang sarili na “nakasusunod sa kasulatan at makateolohiya” ay kumikilala sa Aliping-Tagapagligtas bilang tao lamang, bilang isang hamak na Nazareno lamang (Juan 1:45-46), hindi nalalaman na ang Isa na nagpatawad sa mga kasalanan ng paralitiko ay ang mismong mapagpatawad na Diyos na nagkatawang-tao sa anyo ng isang mababang tao bilang alipin na ginamit ang Kanyang kaligtasan upang paglingkuran sila. Tingnan ang tala 3 2 sa Mat. 9.
8 1Lit. lubos na nalalaman. Alam ng Aliping-Tagapagligtas ang pananampalataya ng mga naghahanap, ang mga kasalanan ng maysakit (b. 5), at ang panloob na pangangatuwiran ng mga eskriba; ito ay nagpapakita na Siya ay nakaaalam sa lahat ng bagay. Ang gayong kaalaman sa lahat ng bagay ay nagpapahayag ng Kanyang maka-Diyos na katangian, naghahayag ng Kanyang pagka-Diyos, ang Diyos na nakaaalam sa lahat ng bagay. Tingnan ang tala 2 1 sa kap. 11.
9 1Tingnan ang tala 5 1 sa Mateo 9.
10 1Ang Aliping-Tagapagligtas ay ang mismong Diyos na nagkatawang-tao, na hindi umaari sa pagkapantay sa Diyos na isang bagay na dapat pananganan. Sa panlabas Siya ay nasa wangis at kaanyuan ng tao, maging sa anyo ng isang alipin, ngunit sa panloob Siya ay Diyos (Fil. 2:6-7). Siya ang Aliping-Tagapagligtas gayon din ang Diyos na Tagapagligtas. Kaya’t hindi lang Siya may kakayahang magligtas ng mga makasalanan, bagkus may awtoridad din na magpatawad ng kanilang mga kasalanan. Sa pangyayaring ito pinatawad Niya ang mga kasalanan ng mga tao bilang Diyos, ngunit ipinahayag Niya na Siya ang Anak ng Tao. Ito ay nagpapakita na Siya ay tunay na Diyos at isang tunay na Tao, na nagtataglay ng pagka-Diyos at pagkatao. Sa Kanya parehong makikita ng mga tao ang Kanyang maka-Diyos na katangian at pantaong kagalingan.
11 1Tingnan ang tala 5 2 sa Mateo 9. Ito ang pagpapagaling sa paralitiko. Tingnan ang tala 31 1 sa kap. 1.
11 2O, tahanan.
12 1Ito ang kaganapan ng salita ng Aliping-Tagapagligtas, Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan. Ang sabihing, Pinatatawad ang iyong mga kasalanan, ay mas madali kaysa sabihing, Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka. Yamang ang huli ay natupad, ang una, ang mas madali, ay tiyak na natupad din. Ito ay matibay na katunayan na ang Aliping-Tagapagligtas ay may awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa.
12 2Tingnan ang tala 6 2 sa Mateo 9.
12 3Tingnan ang tala 6 3 sa Mateo 9.
13 1Tingnan ang tala 21 2 sa kap. 1.
14 1Para sa mga bb. 14-17, tingnan ang mga tala sa Mat. 9:9-13.
14 2Isang bahay-singilan, sumisingil ng buwis para sa mga Romano. Si Mateo ay isa (maaaring nasa mataas na posisyon) sa mga maniningil ng buwis (Mat. 10:3), na kinondena, hinamak, at kinamuhian ng mga Hudyo (Luc. 18:11; Mat. 5:46 at tala 2). Gayon pa man, siya ay tinawag ng Aliping-Tagapagligtas, at pagkaraan ay pinili at itinalaga bilang isa sa labindalawang apostol (3:18). Anong kaawaan!
14 3Ang pagkilos na ito bilang tugon sa tawag ng Aliping-Tagapagligtas ay nagpapahiwatig ng kanyang pagtalikod sa maruming gawain at makasalanang buhay.
16 1Tingnan ang tala 6 1 . Ang mga eskriba ay nag-aaring-matuwid sa kanilang sarili sa pagkokondena sa Aliping-Tagapagligtas dahil sa Kanyang pakikipagpiging sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan.
17 1Ito ay nagpapakita na itinuring ng Aliping-Tagapagligtas ang Kanyang sarili na isang Manggagamot ng mga tao na nagkasakit ng dahil sa mga kasalanan.
17 2Ito ay nagpapakita na ang Aliping-Tagapagligtas ay ang Tagapagligtas ng mga makasalanan; lubusang para sa pagliligtas ng mga makasalanan.
18 1Para sa mga bb. 18-22, tingnan ang mga tala sa Mat. 9:14-17.
20 1Lit. maaaring alisin.
23 1Para sa mga bb. 23-28, tingnan ang mga tala sa Mat. 12:1-8.
24 1Tingnan ang tala 6 1 .
25 1Ipinahihiwatig na ang Aliping-Tagapagligtas ay ang tunay na David, ang Hari ng darating na kaharian ng Diyos.
27 1Ang tao ay hindi nilikha para sa Sabbath, ngunit ang Sabbath ay itinalaga para sa tao upang matamasa niya ang kapahingahan na kasama ng Diyos (Gen. 2:2-3).
28 1Ipinakikita nito ang pagka- Diyos ng Aliping-Tagapagligtas sa Kanyang pagka-tao. Siya, ang Anak ng Tao, ay ang mismong Diyos na nagtalaga ng Sabbath at may karapatang baguhin ang Kanyang itinalaga hinggil sa Sabbath.