Marcos
KAPITULO 16
B. Ang Kanyang Pagkabuhay-na-muli
16:1-18
1. Natuklasan ng Tatlong Kapatid na Babae
bb. 1-8
1 1At nang makaraan ang Sabbath, si Maria Magdalena, at si 2Mariang ina ni Santiago, at si 3Salome ay nagsibili ng mga espesiya, upang sila ay magsiparoon at Siya ay 4pahiran.
2 At maagang-maaga ng unang araw ng sanlinggo, nagsiparoon sila sa libingan nang makasikat na ang araw.
3 At sila ay nagusap-usap, Sino kaya ang ating mapapakiusapang magpagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan?
4 At pagkatanaw ay nakita nilang naigulong na ang bato, sapagka’t yaon ay totoong malaki.
5 At pagkapasok sa libingan, kanilang nakita ang isang binatang nakaupo sa dakong kanan, nararamtan ng isang puting damit, at sila ay nangagitla.
6 At sinasabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagitla; hinahanap ninyo si Hesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus. Siya ay 1ibinangon! Wala Siya rito! Tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa Kanya.
7 Datapuwa’t magsiyaon kayo, sabihin ninyo sa Kanyang mga disipulo at kay 1Pedro na Siya ay mauuna sa inyo sa Galilea; doon ninyo Siya makikita, ayon sa sinabi Niya sa inyo.
8 At sila ay nagsilabas at nagsitakas mula sa libingan, sapagka’t sila ay 1nasunggaban ng pagkatakot at pagkagitla; at hindi sila nagsabi ng anuman sa kanino man, sapagka’t sila ay nangatakot.
2. Pagpapakita kay Maria Magdalena
bb. 9-11
9 1At nang Siya nga ay magbangon nang maaga ng unang araw ng sanlinggo, nagpakita muna Siya kay Maria Magdalena, na kung kanino ay pitong demonyo ang 2pinalayas Niya.
10 Yumaon siya at ibinalita sa mga yaon na naging kasamahan Niya, samantalang sila ay nangahahapis at nagsisitangis.
11 At sila, nang kanilang mabalitaan na Siya ay nabubuhay at nakita niya, ay hindi nagsipaniwala.
3. Pagpapakita sa Dalawang Disipulo
bb. 12-13
12 At pagkatapos ng mga bagay na ito, nagpakita Siya sa ibang anyo sa dalawa sa kanila nang sila ay nangaglalakad patungo sa bukid.
13 At nagsiyaon sila at ibinalita ito sa iba; subali’t sila ay hindi rin nila pinaniwalaan.
4. Pagpapakita sa Labing-isang Disipulo at Pag-aatas sa Kanilang Ipahayag
bb. 14-18
14 At pagkatapos, Siya ay nagpakita sa labing-isa samantalang sila ay nangakahilig sa dulang; at Kanyang pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, sapagka’t hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa Kanya pagkatapos na Siya ay magbangon mula sa mga patay.
15 At sinabi Niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanlibutan at inyong 1ipahayag ang ebanghelyo sa lahat ng 2nilikha.
16 Ang 1sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, datapuwa’t ang 2hindi sumasampalataya ay makokondena.
17 At sasamahan ng mga tandang ito ang mga nagsisisampalataya: sa Aking pangalan ay magpapalayas sila ng mga demonyo; 1mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
18 Sila ay magsisipagdampot ng mga ahas; at kung makainom sila ng bagay na nakamamatay, sa anumang paraan ay hindi makasásamâ sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit at sila ay magsisigaling.
V. Ang Pag-akyat-sa-Langit ng Aliping-Tagapagligtas
16:19
19 Ang Panginoong Hesus nga, pagkatapos na makausap sila, ay 1kinuhang paakyat tungo sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos.
VI. Ang Pansansinukob na Pagpapalaganap ng Ebanghelyo
16:20
20 Datapuwa’t nagsialis sila at 1nagsipagpahayag sa lahat ng dako, gumagawang kasama nila ang Panginoon at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.