Marcos
KAPITULO 13
D. Paghahanda sa mga Disipulo sa Kanyang Kamatayan
13:1-14:42
1. Pagsasabi sa Kanila tungkol sa mga Bagay na Darating
13:1-37
1 1At paglabas Niya sa templo, sinabi sa Kanya ng 2isa sa Kanyang mga disipulo, Guro, masdan Mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam ng mga gusali!
2 At sinabi ni Hesus sa kanya, Nakikita mo ba ang malalaking gusaling ito? 1Walang matitira ritong isang bato sa ibabaw ng kapwa bato na hindi ibabagsak.
3 1At samantalang Siya ay nakaupo sa Bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo, si Pedro at si Santiago at si Juan at si Andres ay nagtanong sa Kanya nang palihim,
4 Sabihin Mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito, at ano ang magiging tanda kapag malapit nang maganap ang lahat ng bagay na ito?
5 At si Hesus ay nagsimulang magsabi sa kanila, Mag-ingat kayo at huwag kayong paligaw kaninuman.
6 Maraming paririto sa Aking pangalan, na magsisipagsabi, Ako ang Kristo! At maliligaw ang marami.
7 At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, huwag kayong magulumihanan; ito ay dapat mangyari, datapuwa’t ang wakas ay hindi pa.
8 Sapagka’t magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba’t ibang dako; magkakagutom. Ang mga bagay na ito ay simula ng mga kirot ng panganganak.
9 1Datapuwa’ t ingatan ninyo ang inyong mga sarili; sapagka’t kayo ay ibibigay nila sa mga Sanedrin, at kayo ay hahampasin sa mga sinagoga, at kayo ay magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa Akin, bilang patotoo sa kanila.
10 At sa lahat ng bansa ay kinakailangan munang maipahayag ang ebanghelyo.
11 At kapag kayo ay dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo ay ibinigay, huwag kayong mabalisa kung ano ang inyong sasabihin1, datapuwa’t anuman ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon ay siya ninyong sabihin; sapagka’t hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
12 At ibibigay ng kapatid ang kanyang kapatid sa kamatayan at ng ama ang kanyang anak; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang, at sila ay ipapapatay;
13 At kayo ay kapopootan ng lahat ng tao dahil sa Aking pangalan; datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
14 1Nguni’ t pagkakita ninyo ng kasuklam-suklam na paninira2 na nakatayo 3roon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayon ay magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea,
15 At ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba, ni pumasok, upang maglabas ng anuman sa kanyang bahay;
16 At ang nasa bukid ay huwag nang magbalik upang kumuha ng kanyang damit.
17 Datapuwa’t sa aba ng nangagdadalang-tao at ng nagpapasuso sa mga araw na yaon.
18 At magsipanalangin kayo na 1ito ay huwag mangyari sa panahon ng taglamig;
19 Sapagka’t ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayon ay hindi pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Diyos hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
20 At malibang paikliin ng Panginoon ang mga araw, walang laman na makaliligtas; datapuwa’t dahil sa mga hirang, na Kanyang hinirang, pinaikli Niya ang mga araw.
21 At kung magkagayon kung may magsabi sa inyo, Pagmasdan ninyo, narito ang Kristo! Pagmasdan ninyo, nariyan! Huwag ninyong paniwalaan.
22 Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Kristo at mga bulaang propeta, at 1mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung maaari, ang mga hinirang.
23 Datapuwa’t mangag-ingat kayo; 1Aking ipinagpauna nang sinabi sa inyo ang lahat ng bagay.
24 Nguni’t sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng liwanag nito,
25 At malalaglag ang mga bituin mula sa langit, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa mga kalangitan.
26 At kung magkagayon ay makikita nila ang Anak ng Tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.
27 At kung magkagayon ay susuguin Niya ang mga anghel, at titipunin ang Kanyang mga hinirang mula sa apat na hangin, mula sa dulo ng lupa hanggang sa dulo ng langit.
28 1Sa puno nga ng igos ay pag-aralan ninyo ang talinghaga: kapag nananariwa na ang sanga nito, at sumusupling na ang mga dahon, malalaman ninyo na malapit na ang tag-araw.
29 Gayundin naman kayo, kapag nakikita ninyo na nangyayari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na ang 1tag-araw ay malapit na, nasa mga pintuan nga.
30 Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, hindi lilipas ang henerasyong ito hanggang sa mangaganap ang lahat ng bagay na ito.
31 Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang Aking mga salita ay hindi lilipas.
32 Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.
33 Kayo ay mangag-ingat, mangagbantay1; sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung kailan ang panahon.
34 Ang katulad nito ay isang tao na umalis upang maglakbay, na nag-iwan ng kanyang bahay, at nagbigay ng awtoridad sa kanyang mga alipin, sa bawa’t isa ang kanyang gawain; at nag-utos sa tanod-pinto na siya ay dapat magbantay.
35 Mangagbantay nga kayo, sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng sambahayan, kung sa 1gabi, o sa hatinggabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga.
36 Baka kung biglang pumarito, kayo ay mangaratnan niyang nangatutulog.
37 At ang sinasabi Ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat, Mangagbantay kayo!