Marcos
KAPITULO 10
23. Pagdating sa Judea
10:1
1 At pagkaakyat mula roon, pumasok Siya sa mga 1hangganan ng Judea at sa dako pa roon ng Jordan; at muli ang kalipunan ng mga tao ay nagtipun-tipon sa Kanya, at muli, ayon sa Kanyang kinaugalian, sila ay 2tinuruan Niya.
24. Pagtuturo Laban sa Demonyo
10:2-12
2 1At paglapit sa Kanya ng 2mga Fariseo, Siya ay tinutuksong tinanong, Matuwid ba sa lalake na ihiwalay ang kanyang asawa?
3 At sumagot Siya at sa kanila ay sinabi, Ano ang iniutos sa inyo ni Moises?
4 At sinabi nila, Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa diborsiyo at ihiwalay siya.
5 Datapuwa’t sinabi sa kanila ni Hesus, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito para sa inyo.
6 Nguni’t buhat nang pasimula ng paglalang, Kanyang ginawa silang lalake at babae.
7 Dahil dito ay iiwan ng lalake ang kanyang ama at ina, 1at makikisama sa kanyang asawa.
8 At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman.
9 Ang ipinamatok na magkasama ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng tao.
10 At sa bahay ay muling tinanong Siya ng mga disipulo tungkol sa bagay na ito.
11 At sinabi Niya sa kanila, Ang sinumang lalake na humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa kanya;
12 At kung hiwalayan ng babae ang kanyang asawa at mag-asawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.
25. Pagpapala sa Mumunting Bata
10:13-16
13 At dinala nila sa Kanya ang mumunting bata, upang sila ay Kanyang hipuin, subali’t sinaway sila ng mga disipulo.
14 Datapuwa’t nang ito ay makita ni Hesus ay 1nagalit Siya at sinabi sa kanila, 2Pabayaan ninyong magsilapit sa Akin ang mumunting bata; huwag ninyo silang pagbawalan, sapagka’t sa mga 3ganyan nauukol ang kaharian ng Diyos.
15 Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang sinumang hindi tumanggap ng kaharian ng Diyos na tulad sa isang munting bata ay hindi makapapasok doon sa anumang paraan.
16 At pagkalong Niya sa kanila, sila ay Kanyang pinagpala, na ipinapatong ang Kanyang mga kamay sa kanila.
26. Pagtuturo tungkol sa Mayaman at tungkol sa Pagpasok sa Kaharian ng Diyos
10:17-31
17 1At nang palabas na Siya patungo sa daan, may isang tumakbong papalapit sa Kanya at lumuhod sa harap Niya at Siya ay tinanong, Mabuting Guro, ano ang gagawin ko upang ako ay magmana ng buhay na walang hanggan?
18 At sinabi sa kanya ni Hesus, Bakit tinatawag mo Akong mabuti? Walang mabuti kundi Isa lamang ang Diyos.
19 Nalalaman mo ang mga utos: Huwag kang pumatay, huwag kang mangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang sumaksi sa hindi katotohanan, huwag kang mandaya, igalang mo ang iyong ama at ina.
20 At sinabi niya sa Kanya, Guro, ang lahat ng mga bagay na ito ay aking ginanap mula pa sa aking pagkabata.
21 At pagtitig sa kanya ni Hesus, siya ay 1giniliw at sinabi sa kanya, Isang bagay ang kulang sa iyo: yumaon ka, ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ibigay mo sa mga dukha; at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa Akin2.
22 Datapuwa’t siya ay nahapis sa salitang ito, at siya ay yumaong namamanglaw, sapagka’t siya ay nagtataglay ng maraming ari-arian.
23 At lumingap si Hesus sa palibut-libot, sinasabi sa Kanyang mga disipulo, Kay hirap para sa mga yaong nagsisipanangan sa kayamanan na magsipasok sa kaharian ng Diyos!
24 At nangagtaka ang mga disipulo sa Kanyang mga salita. Datapuwa’t si Hesus ay muling sumagot at nagsabi sa kanila, Mga anak, kay hirap na pumasok sa kaharian ng Diyos1!
25 Higit pang madali para sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kaysa sa isang mayaman ang pumasok sa kaharian ng Diyos.
26 Datapuwa’t nagtataka silang lubha at sinasabi 1sa isa’t isa, Sa gayon, sino kaya ang maaaring maligtas?
27 Pagtingin sa kanila ay sinasabi ni Hesus, Imposible ito sa mga tao, datapuwa’t hindi gayon sa Diyos; sapagka’t ang lahat ng bagay ay posible sa Diyos.
28 Nagpasimulang magsabi si Pedro sa Kanya, Narito, iniwan namin ang lahat at nagsisunod sa Iyo.
29 Sinabi ni Hesus, Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Walang taong nag-iwan ng bahay o mga kapatid na lalake o mga kapatid na babae o ina o ama o mga anak o mga lupa dahil sa Akin at dahil sa ebanghelyo,
30 Na hindi siya tatanggap ng isang daang ulit ngayon sa panahong ito, ng mga bahay at mga kapatid na lalake at mga kapatid na babae at mga ina at mga anak at mga lupa, kalakip ng mga pag-uusig, at sa darating na kapanahunan, walang hanggang 1buhay.
31 At maraming nangauuna ang mangahuhuli; at ang nangahuhuli na mangauuna.
27. Paghahayag ng Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay na muli sa Ikatlong Pagkakataon
10:32-34
32 At sila ay nangasadaan na nagsisiakyat sa Herusalem, at si Hesus ay nangunguna sa kanila; at sila ay nangagtaka, at ang nangagsisisunod ay nangatakot. At muling kinuha niya ang labindalawa, at nagsimulang sabihin sa kanila ang mga bagay na sa Kanya ay mangyayari:
33 Na sinasabi, Narito, nagsisiakyat tayo sa Herusalem, at 1ibibigay ang Anak ng Tao sa mga pangulong saserdote at sa 2mga eskriba; at Siya ay kanilang kokondenahing 3patayin, at ibibigay Siya sa mga Hentil;
34 At Siya ay kanilang aalimurahin, at Siya ay luluraan, at Siya ay hahampasin, at Siya ay papatayin; at pagkaraan ng tatlong araw Siya ay magbabangon.
28. Pagtuturo tungkol sa Daan tungo sa Trono ng Kaharian ng Diyos
10:35-45
35 1At nagsilapit sa Kanya sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na nagsisipagsabi sa Kanya, Guro, ibig naming Iyong gawin sa amin ang anumang aming hingin sa Iyo.
36 At sinabi Niya sa kanila, Ano ang ibig ninyong gawin Ko para sa inyo?
37 At sinabi nila sa Kanya, Ipagkaloob Mo sa amin na makaupo kami, ang isa ay sa Iyong kanan, at ang isa ay sa Iyong kaliwa, sa Iyong kaluwalhatian.
38 Datapuwa’t sinabi sa kanila ni Hesus, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Kaya ba ninyong inumin ang 1sarong Aking iinumin, o mabautismuhan ng 1bautismong ibabautismo sa Akin?
39 At sinabi sa Kanya, Kaya namin. At sinabi sa kanila ni Hesus, Ang sarong Aking iinumin ay inyong iinumin at sa bautismong ibabautismo sa Akin ay pababautismo kayo.
40 Datapuwa’t ang maupo sa Aking kanan o sa Aking kaliwa ay hindi Ako ang magbibigay, datapuwa’t yaon ay para sa kanila na mga pinaghahandaan.
41 At nang marinig ito ng sampu, nangagsimula silang magalit kina Santiago at Juan.
42 At sila ay pinalapit ni Hesus sa Kanya, at sa kanila ay sinasabi, Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring pinuno ng mga Hentil ay nangagpapanginoon sa kanila, at ang mga dakila sa kanila ay nagsisigamit ng awtoridad sa kanila.
43 Datapuwa’t sa inyo ay hindi gayon, kundi ang sinumang ibig na maging dakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.
44 At ang sinuman sa inyo na may ibig manguna ay magiging alipin ng lahat.
45 Sapagka’t maging ang 1Anak ng Tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang Kanyang 2buhay para maging 3pantubos sa marami.
29. Pagpapagaling sa Bulag na si Bartimeo
10:46-52
46 At nagsidating sila sa Jerico. At habang nililisan Niya at ng Kanyang mga disipulo at ng lubhang maraming tao ang Jerico, ang anak ni Timeo, si Bartimeo, na isang pulubing 1bulag, ay nakaupo sa tabi ng daan.
47 At nang marinig niya na yaon ay si Hesus na Nazareno, siya ay nagsimulang magsisigaw at nagsabi, Hesus, Ikaw na 1Anak ni David, mahabag Ka sa akin!
48 At siya ay pinagwikaan ng marami upang siya ay tumahimik; datapuwa’t siya ay lalong nagsisigaw, Ikaw na Anak ni David, mahabag Ka sa akin!
49 At tumigil si Hesus at sinabi, 1Tawagin ninyo siya. At tinawag nila ang lalakeng bulag na sinasabi sa kanya, Lakasan mo ang iyong loob! Ikaw ay tumindig, tinatawag ka Niya.
50 At pagkatapon ng kanyang balabal, nagmadali siyang tumindig, at lumapit kay Hesus.
51 At sumagot sa kanya si Hesus, at sinabi, 1Ano ang ibig mong gawin Ko sa iyo? At sinabi ng lalakeng bulag, Raboni, na mapanumbalik ang aking paningin!
52 At sinabi sa kanya ni Hesus, Humayo ka, 1pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At kapagdaka ay napanumbalik ang kanyang paningin, at siya ay sumunod sa Kanya sa daan.