Lucas
KAPITULO 3
F. Ang Kanyang Inagurasyon
3:1-4:13
1. Ipinakilala
3:1-20
1 Ngayon sa ikalabinlimang taon ng pamahalaan ni Tiberio Cesar, sa panahong pinamamahalaan ni Poncio Pilato ang Judea, at si Herodes ay tetrarka ng Galilea, at ang kanyang kapatid na si Felipe ay tetrarka sa lupain ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka ng Abilinia,
2 Sa loob ng mataas na pagkasaserdote nina Anas at Caifas, dumating ang salita ng Diyos kay Juan, ang anak ni Zacarias, sa 1ilang.
3 At siya ay napasabuong lupain sa palibut-libot ng Jordan, na ipinangangaral ang 1bautismo ng pagsisisi 2para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;
4 Kagaya ng nasusulat sa aklat ng mga salita ni Isaias na propeta, 1Isang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon; tuwirin ninyo ang Kanyang mga landas.
5 Bawa’t 1bangin ay tatabunan, at bawa’t bundok at burol ay pabababain; at ang mga likong lugar ay matutuwid, at ang mga baku-bakong lugar ay magiging mga patag na daan;
6 At makikita ng lahat ng 1laman ang 2pagliligtas ng Diyos.
7 Anupa’t kanyang sinabi sa maraming tao na nagsisilabas upang mabautismuhan niya, 1Supling ng mga ulupong! Sino ang nag-udyok sa inyo upang tumakas mula sa darating na galit?
8 Mamunga sa gayon ng mga bungang karapat-dapat sa inyong pagsisisi, at huwag magpasimulang magsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama, sapagka’t sinasabi ko sa inyo na ang Diyos ay may kakayahang 1makapagbangon mula sa mga batong ito ng mga anak kay Abraham.
9 At ang palakol ay nakalagay na rin sa ugat ng mga punongkahoy; samakatuwid bawa’t punong-kahoy na hindi nagbubunga ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa 1apoy.
10 At tinatanong siya ng maraming tao, na nagsasabi, Ano sa gayon ang dapat naming gawin?
11 At siya ay sumagot at sinabi sa kanila, Siya na may dalawang tunika, hayaan siyang magbahagi sa sinumang wala; at siya na may pagkain, hayaan siyang gawin din ang gayon.
12 At ang mga maniningil ng buwis ay dumating din upang magpabautismo, at kanilang sinabi sa kanya, Guro, ano ang dapat naming gawin?
13 At sinabi niya sa kanila, Huwag na kayong sumingil pa nang higit kaysa sa iniutos sa inyo.
14 At tinanong din siya ng ilang naglilingkod sa militar na nagsasabi, At kami, ano ang dapat naming gawin? At sa kanila ay sinabi niya, Huwag kayong 1kumuha ng anuman sa kaninuman sa pamamagitan ng karahasan, ni 2kumuha ng anumang bagay sa kanino pa man sa pamamagitan ng huwad na paratang, at masiyahan kayo sa mga sahod ninyo.
15 Ngayon samantalang ang mga tao ay nasa 1paghihintay at ang lahat ay nagbubulay-bulay sa kanilang mga puso tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Kristo,
16 Sumagot si Juan at sinabi sa lahat, 1Binabautismuhan ko kayo sa tubig, datapuwa’t dumarating ang lalong makapangyarihan kaysa sa akin, hindi ako karapat-dapat magkalag ng panali ng Kanyang mga panyapak; babautismuhan Niya kayo sa Espiritu Santo at sa apoy;
17 Nasa Kanyang kamay ang Kanyang kalaykay upang linising lubos ang Kanyang giikan, at upang tipunin ang trigo sa Kanyang kamalig, datapuwa’t susunugin Niya ang dayami ng 1apoy na hindi mapapatay.
18 Kaya, sa iba pang maraming bagay siya ay nag-udyok at 1nagdala ng mabuting balita sa mga tao.
19 Datapuwa’t si Herodes na tetrarka, palibhasa ay pinagwikaan niya dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid, at tungkol sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,
20 Ay idinagdag naman ito sa lahat kinulong niya si Juan sa bilangguan.
2. Binautismuhan
3:21
21 Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, at nang si Hesus ay 1mabautismuhan at nananalangin, ang langit ay nabuksan,
3. Pinahiran
3:22
22 At bumaba sa Kanya ang 1Espiritu Santo na may anyong tulad ng isang kalapati; at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta Kong Anak, sa Iyo Ako ay nalulugod.
4. Ang Kanyang Katayuan
3:23-38
23 At si Hesus Mismo, nang anagsimula sa Kanyang ministeryo, ay may gulang na mga 1tatlumpung taon, na 2anak ni (3ayon sa sinasapantaha) 4Jose, na anak ni Eli,
24 Na anak ni Matat, na anak ni Levi, na anak ni Melqui, na anak ni Jane, na anak ni Jose,
25 Na anak ni Matatias, na anak ni Amos, na anak ni Nahum, na anak ni Esli, na anak ni Nage,
26 Na anak ni Maat, na anak ni Matatias, na anak ni Semei, na anak ni Jose, na anak ni Juda,
27 Na anak ni Joana, na anak ni Resa, na anak ni 1Zorobabel, na anak ni Seatiel, na anak ni Neri,
28 Na anak ni Melqui, na anak ni Adi, na anak ni Cosam, na anak ni Elmodam, na anak ni Er,
29 Na anak ni Josue, na anak ni Eliezer, na anak ni Jorim, na anak ni Matat, na anak ni Levi,
30 Na anak ni Simeon, na anak ni Juda, na anak ni Jose, na anak ni Jonan, na anak ni Eliaquim,
31 Na anak ni Melea, na anak ni Mena, na anak ni Matata, na anak ni 1Natan, na anak ni David,
32 Na anak ni Jesse, na anak ni Obed, na anak ni Booz, na anak ni Salmon, na anak ni Naason,
33 Na anak ni Aminadab, na anak ni Aram, na anak ni Esrom, na anak ni Fares, na anak ni Juda,
34 Na anak ni Jacob, na anak ni Isaac, na anak ni Abraham, na anak ni Tare, na anak ni Nacor,
35 Na anak ni Serug, na anak ni Regan, na anak ni Paleg, na anak ni Heber, na anak ni Selah,
36 Na anak ni Cainán, na anak ni Arfaxjad, na anak ni Sem, na anak ni Noe, na anak ni Lamec,
37 Na anak ni Matusalem, na anak ni Enoc, na anak ni Jared, na anak ni Mahalaleel, na anak ni Cainan,
38 Na anak ni Enos, na anak ni Set, na anak ni 1Adam, na 2anak ng 3Diyos.