KAPITULO 1
1 1
Gr. minamahal ng Diyos, o kaibigan ng Diyos. Marahil ay isang Hentil na mananampalatayang nakakuha ng mataas na katungkulan sa Emperyong Romano.
1 2O, yamang, tulad ng nababalitaan…
1 3Ito ay nagpapakita na may higit sa apat ang sumulat ng kasaysayan tungkol sa buhay sa lupa ng Tagapagligtas.
1 4O, pagsasaayos.
1 5Mga pangyayari tungkol sa kapanganakan, ministeryo, at pagkamartir ni Juan Bautista, at sa kapanganakan, buhay, ministeryo, pagtuturo, pagkamatay, pagkabuhay na muli, at pag-akyat sa langit ni Hesus para sa pagsasakatuparan ng pagtutubos ng Diyos upang iligtas ang mga makasalanan sa pamamagitan ng biyaya.
2 1Ito ay nagpapakita na ang sumulat ng Ebanghelyong ito ay hindi kabilang sa mga disipulong nakasama ng Tagapagligtas nang Siya ay nabubuhay sa lupa.
2 2Ang unang grupo ng mga Bagong Tipang mananampalataya na nakasama ng Tagapagligtas sa Kanyang ministeryo rito sa lupa.
2 3Mga opisyal na tagapaglingkod, mga mensahero, na nag-aasikaso o naglilingkod sa isang opisyal o maykapangyarihan upang isakatuparan ang mga utos nito. Ang salitang Griyego ay ginamit sa 4:20; Mat. 5:25; Marc. 14:54; Gawa 26:16; 1 Cor. 4:1.
2 4Tumutukoy sa Salita ng ebanghelyo na itinustos at ipinahayag sa mga tao (Gawa 6:4; 8:4).
3 1Kinilala ng ekklesia noong unang panahon na ang manunulat kapwa ng Ebanghelyong ito at ng Gawa ay si Lucas. Sa estilo ng pagkatha sa dalawang aklat, kitang-kita na si Lucas ang may sulat ng mga ito. Si Lucas ay isang Hentil (Col. 4:14, cf. 11), malamang na isang Asyatikong Griyego, at isang manggagamot (Col. 4:14). Simula sa Troas, siya ay sumama kay Pablo sa ministeryo nito at sumama sa huling tatlong pangministeryong paglalakbay nito (Gawa 16:10-17; 20:5-21:18; 27:1-28:15). Siya ay isang tapat na kasamahan ni Pablo hanggang sa pagkamartir nito (Filem. 24; 2 Tim. 4:11). Kaya, ang kanyang Ebanghelyo ay dapat kumatawan sa mga pananaw ni Pablo, katulad ng kung papaano ang Ebanghelyo ni Marcos ay kumakatawan sa pananaw ni Pedro (tingnan ang tala 1 1 , tal. 1, sa Marcos 1). Yamang ang Ebanghelyo ni Lucas ay may magkatulad-na-pagtingin sa mga Ebanghelyo nina Mateo at Marcos tungkol sa pagkatao ng Tagapagligtas (tingnan ang tala 1 1 , talata 2, sa Marcos 1), ang layunin nito ay ang ipakita ang Tagapagligtas bilang isang tunay, normal, at ganap na Tao, ipinahahayag ang Diyos sa mga tao sa Kanyang nagliligtas na biyaya sa natisod na sangkatauhan. Ang Ebanghelyong ito ay nagsasalaysay ng isang kumpletong talaangkanan ng Taong si Hesus, mula sa Kanyang mga magulang pabalik kay Adam, ang unang salinlahi ng sangkatauhan, nagpapakita na Siya ay isang tunay na inapo ng tao – isang anak ng tao (tingnan ang tala 1 1 , talata 2 at 3, sa Mateo 1). Pinukaw tayo ng talaan ng buhay ng Taong ito sa kalubusan at kasakdalan ng Kanyang pagkatao. Kung kaya ang binibigyang-diin dito ay ang Taong-Tagapagligtas. Ipinakikita nito, ayon sa mga moral na prinsipyo na angkop sa lahat ng tao, ang mga mensaheng pang-ebanghelyong nasa 4:16-21; 7:41-43; 12:14-21; at 13:2-5; mga talinghagang pang-ebanghelyong nasa 10:30-37; 14:16-24; 15:3-32; at 18:9-14; at mga pangyayaring pang-ebanghelyong nasa 7:36-50; 13:10-17; 16:19- 31; 19:1-10; at 23:39-43; na hindi nakatala sa ibang Ebanghelyo. Hindi ito nagbibigay-diin sa aspekto ng kapanahunan o sa maka-Hudyong pumapaligid-na-pangyayari katulad ng ginawa sa Mateo. Ito ay ang Ebanghelyong isinulat sa sangkatauhan sa pangkalahatan, nagpapahayag ng mabuting balita sa lahat ng tao (2:10). Ang katangian nito ay tunay na hindi maka-Hudyo, kundi maka-Hentil (4:25-28). Ito ay isang Ebanghelyo sa lahat ng makasalanan kapwa sa mga Hudyo at sa mga Hentil. Ang talaang ito ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng moralidad, at hindi sa mga pangyayaring pangkasaysayan. Tingnan ang mga tala 16 1 , talata 2, sa Mateo 8 at 20 1 sa Marcos 14.
5 1Ito ang pangwalo sa dalawampu’t apat na pulutong ng makasaserdoteng paglilingkod na itinalaga ni David (1 Cron. 24:10).
6 1Sila ay mga taong pinili ng Diyos na iningatan at naibunga sa ilalim ng pamamahala ng kautusan sa Lumang Tipan upang mapakinabangan ng Diyos para sa pagsisimula ng ebanghelyo sa Bagong Tipan.
6 2Ito ay hindi tumataliwas sa Roma 3:20. Dito ay nangangahulugang wasto, yaon ay, walang kapintasan sa paningin ng Diyos ayon sa mga Lumang Tipang utos at ordinansa (2:25; Fil. 3:6). Ito ay hindi nangangahulugang ang matutuwid na ito ay hindi makasalanan, walang kalikasan ng kasalanan at walang mga pagkakasala. Sila ay walang kapintasan, subalit hindi walang dungis. Kinailangan pa rin nila ang nasa sagisag na walang dungis na handog sa kasalanan at handog sa pagkakasala (Lev. 4:28; 5:15) para sa kanilang pagbabayad-pinsala dahil sa kasalanan at pagkakasala upang makaugnay ang Diyos.
6 3O, namumuhay nang ayon sa lahat ng utos at ordinansa ng Panginoon.
6 4Ang mga kautusan sa Lumang Tipan sa kabuuan ay tinatawag na kautusan na ang nilalaman ay tatlong aytem: mga utos, mga palatuntunan at mga ordinansa. Ang mga utos ay tumutukoy sa mga pangunahing utos na siyang sampung pangkalahatang kahilingang pinapaloob sa mga kautusan. Samantalang ang mga palatuntunan, mga alituntunin o mga regulasyon ay ang detalyadong pagpapaliwanag at karagdagan ng mga utos, gaya ng naitala sa mga kapitulo 20 bersikulo 22 hanggang 26 ng Exodo. Ang mga ordinansa ay mga detalyadong pagpapaliwanag at karagdagan din ng mga utos ngunit ang mga ito ay may mga paghahatol, na hindi taglay ng mga palatuntunan, gaya ng itinala sa kapitulo 21:1-23:19 ng Exodo. Ang mga ordinansa kung walang kahatulan ay nagiging ang mga regulasyon. Ang ”mga ordinansa” rito at sa Roma 2:26, gayundin ang sa Heb. 9:1 at 10, sa orihinal na teksto ay magkaparehong salita.
7 1Ito ay ayon sa kataas-taasang kapangyarihan ng Panginoon. Sa gayon, ay binigyan nila ng pagkakataon ang Diyos na simulan ang Kanyang ebanghelyo, hindi sa pamamagitan ng likas na kalakasan ng tao kundi sa pamamagitan ng Kanyang maka-Diyos na paggawa.
9 1Sa dambana ng insenso sa loob ng Dakong Banal (b. 11; Exo. 30:6-8; 1 Sam. 2:28; 1 Cron. 23:13; 2 Cron. 29:11).
10 1Ang panalangin ng mga tao ng Diyos ang nagbibigay-daan sa Kanya upang maisakatuparan ang Kanyang plano.
13 1Tinutukoy nito na si Zacarias ay nanalangin para sa kanyang asawa na magkaroon ng isang anak na lalake. Tinutukoy rin nito na ang ating panalangin ay nagsasakatuparan ng pagkilos ng Diyos, nagpapahiwatig na ang ating likas na kalakasan ay dapat magkaroon ng wakas upang ang pagkilos ng Diyos ay magkaroon ng panimula sa pamamagitan ng Kanyang maka-Diyos na paggawa. Ito ay ipinahayag sa nangyari kina Abraham at Sara (Gen. 17:15-19) at sa nangyari kay Ana (1 Sam. 1:5-20).
13 2Gr. Ioannes, nangangahulugang si Jehovah ay may biyaya, si Jehovah ay nagbibigay ng biyaya, o si Jehovah ang Tagapagbigay ng biyaya; ito ay buhat sa Hebreo, ang Jochanan na pinaiksi sa Johanan (2 Hari 25:23; 1 Cron. 3:24; 2 Cron. 28:12).
15 1Tinutukoy nito na si Juan ay magiging isang Nazareo (Blg. 6:1-4). Siya ay hindi iinom ng alak kundi mapupuspos ng Espiritu Santo; ang Espiritu Santo ay humahalili sa alak (Efe. 5:18).
15 2Ito ang kauna-unahang maka-Diyos na titulo na iniukol sa Espiritu ng Diyos sa loob ng Bagong Tipan. Ang gayong titulo ay hindi ginamit sa loob ng Lumang Tipan. (Sa Awit 51:11 at Isa. 63:10-11 “ang Espiritu Santo” ay dapat na isinaling “ang Espiritu ng kabanalan.”) Sa panahong ito, para sa pagsisimula ng ebanghelyo ng Diyos, upang ihanda ang daan para sa pagdating ng Tagapagligtas at upang ihanda ang isang pantaong katawan para sa Kanya, ginamit ang maka-Diyos na titulong ito ng Espiritu ng Diyos. Ang paghahanda ng daan para sa pagdating ng Tagapagligtas ay nangailangan na ang Kanyang tagapagpáuná ay mapuspos ng Espiritu Santo mula pa sa sinapupunan ng kanyang ina, nang sa gayon ay maibubukod niya ang mga tao para sa Diyos mula sa lahat ng bagay maliban sa Diyos, ginagawa silang banal tungo sa Kanya para sa Kanyang layunin. Ang paghahanda ng isang pantaong katawan para sa Tagapagligtas ay nangangailangan na ipamahagi ng Espiritu Santo ang maka-Diyos na kalikasan sa pagkatao, ginagawang banal ang tao para sa pagsasagawa ng plano ng Diyos sa pagtutubos.
17 1Ito ang kaganapan ng Mal. 4:5 (Mat. 11:14 at tala 2; Marc. 9:11-13).
17 2Lit. ibaling sa loob (kinasasaklawan) ng maingat-na-katalinuhan ng taong matuwid.
17 3O, payo. Ang katalinuhan ay ang panloob na paningin; ang maingat-na-katalinuhan ay ang katalinuhang praktikal na ginagamit sa labas. Sa gayon, maaari ring isaling “payo.”
20 1Ang pagsampalataya ay nagbubukas sa nagpupuri at nagpapahayag na bibig (2 Cor. 4:13) ; ang hindi pagsampalataya ay nakapagpapapipi.
26 1Ang Galilea ay isang rehiyong walang katanyagan, at ang Nazaret ay isang lunsod na hinamak ng mga tao (Juan 7:52; 1:46).
27 1Ang dalagang si Maria ay nanirahan sa isang hinamak na lunsod ng isang rehiyong walang katanyagan, ngunit siya ay isang inapo ng maharlikang angkan ni Haring David (bb. 31-32; Mat. 1:16 mga tala 1 at 2).
28 1Ang ilang manuskrito ay nagdaragdag ng, Pinagpala ka sa lahat ng kababaihan.
30 1Biyaya.
31 1Tingnan ang 21 1 sa Mateo 1.
32 1Isang dibinong titulo, sa Hebreo Elyon (Gen. 14:18), tumutukoy sa Kataas-taasan (Diyos); kaya ito ay walang pantukoy. Si Hesus ay magiging dakila, sapagkat Siya ay Anak ng Kataas-taasan, Anak ng Supremong Diyos.
32 2Si Hesus, na ipinaglihi ng Espiritu Santo at ipinanganak ng isang taong birhen, ay magiging Anak ng Kataas-taasang Diyos, at gayundin Siya ay magiging Anak ng isang taong may mataas na katungkulan, ni David, ang Hari (Mat. 1:1; 22:45). Ang Kanyang katayuan ay kapwa dibino at pantao.
33 1Ang sinundang bersikulo ay naghahayag ng angkan ni Hesus, at ang bersikulong ito ay naghahayag ng Kanyang kaharian.
33 2Maaangkin ni Hesus ang angkan ni Jacob-ang bansa ng Israel-na siyang sentro ng Kanyang pamamahala (Gawa 1:6; 15:16), kung saan Siya ay maghahari sa buong daigdig bilang Kanyang kaharian (Apoc. 11:15), unang- una sa isang libong taon (Apoc. 20:4, 6) at pagkatapos ay sa bagong langit at bagong lupa hanggang sa kawalang-hanggan (Apoc. 22:3, 5).
34 1Ang salitang ito ay higit na magandang pakinggan. Ito ay nangangahulugang pinapag-asawa.
35 1Tingnan ang tala 15 2 .
35 2Katulad ng paglilim ng ulap sa Bundok ng Pagbabagong-anyo (Mat. 17:5) at sa ibabaw ng tabernakulo (Exo. 40:34, 38). Ayon sa bersikulong ito, tila ang Espiritu Santo ay mapapasa kay Maria lamang bilang kapangyarihan upang siya ay maglihi ng Banal na Anak. Gayon pa man, sinasabi sa atin ng Mat. 1:18 at 20 na si Maria ay “nasumpungang may taglay sa kanyang sinapupunan na nanggaling sa Espiritu Santo” (lit.), at “ang bagay na isinilang (ipinanganak) sa loob niya ay mula sa Espiritu Santo” (lit.). Tinutukoy nito na ang maka-Diyos na esensiyang mula sa Espiritu Santo ay ipinanganak sa sinapupunan ni Maria bago niya iniluwal ang Batang si Hesus. Ang ganitong pagpapalihi ng Espiritu Santo sa loob ng taong birhen, naisagawa na may kapwa dibino at pantaong esensiya, ay binubuo ng paghahalo ng dibinong kalikasan na kasama ang pantaong kalikasan, nagbubunga ng isang Diyos-tao, yaong isa na kapwa ganap na Diyos at sakdal na Tao, nagtataglay ng napagkikilanlang dibinong kalikasan at pantaong kalikasan, na hindi nagbunga ng ikatlong kalikasan. Ito ang kamangha-mangha at pinakamagaling na Persona ni Hesus — si Jehovah na Tagapagligtas. Ang paglilihi kay Juan Bautista at kay Hesus na Tagapagligtas ay kapansin-pansing magkaiba sa esensiya. Ang paglilihi sa Tagapagbautismo ay isang himala ng Diyos, naisagawa sa pamamagitan ng isang lampas na sa gulang na pantaong esensiya, sa pamamagitan lamang ng dibinong kapangyarihan na walang dibinong esensiya na nakapaloob, sa ganito ay nailuwal ang isang tao lamang na pinuspusan lamang ng Espiritu ng Diyos (b.15) ngunit may kakulangan sa kalikasan ng Diyos. Ang paglilihi sa Tagapagligtas ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos (Juan 1:14), na hindi lamang binubuo ng dibinong kapangyarihan, bagkus ng dibinong esensiya rin na idinagdag sa pantaong esensiya, sa gayon, ay ibinubunga ang Diyos-Tao na may dalawang kalikasan — pagka-Diyos at pagkatao. Sa pamamagitan nito, iniugpong ng Diyos ang Kanyang Sarili sa sangkatauhan upang Siya ay maihayag sa laman (1 Tim. 3:16) at upang maging Taong-Tagapagligtas (2:11).
35 3Yamang ang paglilihi ay sa Espiritu Santo, kaya ang ipinanganak sa ganitong paglilihi ay isang banal na bagay, sa panloob na elemento ay banal. Ito ay si Hesus na ating Tagapagligtas.
37 1O, walang kapangyarihan.
41 1Ang tagapagpáuná ay nagalak (b. 44) nang masalubong ang Tagapagligtas, nang sila ay kapwa pa nasa sinapupunan ng kanilang mga ina.
42 1Ang pagpapala ni Elisabet sa pamamagitan ng Espiritu Santo (b. 41) ay naghahayag ng pagkatao ng Tagapagligtas bilang “bunga” at ng Kanyang pagka-Diyos bilang “Panginoon” (b. 43), at nagpapatunay ng pananampalataya ni Maria sa salita ng Panginoon (b. 45). Ang ganitong pagpapala ay naghahayag na si Elisabet ay isa ring babaeng maka-Diyos, karapat-dapat para sa paggamit ng Diyos sa pagsasagawa ng Kanyang layunin.
42 2Gr. karpos, ginamit para kay Kristo sa pangangahulugan lamang ng supling, dito at sa Gawa 2:30. Ito ay ginamit para sa bunga ng puno ng buhay sa Apoc. 22:2. Si Kristo ang sanga ni Jehovah (Isa. 4:2) at ni David (Jer. 23:5), at ang bunga ni Maria at ni David (Gawa 2:30), upang makain natin Siya bilang puno ng buhay (Apoc. 2:7).
43 1Nakilala ni Elisabet, na puspos ng Espiritu Santo (b. 41), ang bunga ng sinapupunan ni Maria bilang kanyang Panginoon, kinikilala ang pagka-Diyos ng isisilang na Anak ni Maria (Awit 110:1; Mat. 22:43-45).
44 1O, sa loob.
45 1Kabaligtaran sa di-sumasampalatayang Zacarias (b. 20).
45 2Ito ay isang propesiya ng Espiritu Santo (b. 41) na nagpapatunay sa salita ng Panginoon sa bb. 30-37 na sinabi kay Maria ng anghel na si Gabriel.
46 1Ang papuri ni Maria ay upang dakilain ang Panginoon, batay sa kanyang karanasan sa Diyos bilang kanyang Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang walang-hanggang awa (bb. 47-50), at sa kanyang pagmamasid sa karanasan ng ibang tao sa mga may-pagkahabag at tapat na gawain ng Diyos (bb. 51-55). Ang kanyang papuri, sa nilalaman at pamantayan ay katulad ng mga Awit sa Lumang Tipan. Gayon pa man, hindi siya nagsasabi ng anumang bagay na nauukol kay Kristo na gaya ni Elisabet sa kanyang pagpapala (bb. 41-43) at ni Zacarias sa kanyang propesiya (bb. 67-71, 76-79) sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
46 2Ang patulang papuri ni Maria ay binubuo ng maraming sipi mula sa Lumang Tipan, nagpapakita na siya ay isang banal na babae, na kwalipikadong maging isang daluyan ng pagkakatawang-tao ng Tagapagligtas, at yaong si Hesus ay lalaki sa isang pamilyang napupuno ng karunungan at pag-ibig sa banal na Salita ng Diyos.
47 1Unang-una, ang espiritu ni Maria ay nagagalak sa Diyos; pagkatapos ang kanyang kaluluwa ay dumadakila sa Panginoon. Ang papuri niya sa Diyos ay nagsimula sa kanyang espiritu at naihayag sa pamamagitan ng kanyang kaluluwa. Ang kanyang espiritu ay napuno ng kagalakan sa Diyos na kanyang Tagapagligtas, kaya naipakita ito ng kanyang kaluluwa para sa pagdakila sa Panginoon. Siya ay nabubuhay at gumagawa sa kanyang espiritu, na nag-uutos sa kanyang kaluluwa. Ang kanyang kagalakan sa Diyos sa kanyang espiritu ay sanhi ng kanyang pagtatamasa sa Diyos bilang kanyang Tagapagligtas, at ang kanyang pagdakila sa Panginoon sa kanyang kaluluwa ay dahil sa kanyang pagluwalhati sa Panginoon – kay Jehovah, ang Dakilang Ako Nga.
49 1O, Malakas na Isa.
50 1Sina Maria at Zacarias ay kapwa nagbibigay-diin sa awa ng Diyos (bb. 54, 58, 72, 78; tingnan ang mga tala 16 2 sa Hebreo 4 at 5 1 sa Tito 3), nakauunawa sa kanilang mga mababang kalagayan (b.48) at mapagkumbabang (b. 52) umaamin na sila ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng pabor ng Diyos.
55 1Tumutukoy sa katapatan ng Diyos sa pagtupad ng Kanyang salita. Sina Maria at Zacarias ay kapwa hindi lamang nagbibigay-diin sa awa ng Diyos (tingnan ang tala 50 1 ) bagkus maging sa Kanyang katapatan din (bb. 70, 72 at tala 3). Ang awa ng Diyos ang nag-aalaga sa kanilang kalagayan, at ang Kanyang katapatan ang nag-aalaga sa Kanyang katayuan upang sila ay mapaboran Niya ng mga mapagbiyayang gawa.
64 1Tingnan ang tala 20.
65 1Gr. rhema. Lit. mga salita.
68 1Ang propesiya ni Zacarias ay tungkol sa nagtutubos na pagkilos ng Diyos para sa Kanyang bayan tungo sa kanilang kaligtasan, sa pamamagitan ng pagtataas kay Kristo bilang isang sungay ng kaligtasan sa angkan ni David sa Kanyang pagkatao, at bilang sumisikat na araw mula sa kaitaasan sa Kanyang pagka-Diyos, sa pamamagitan ng mayamang awa ng Diyos na ayon sa Kanyang banal na tipan (bb. 68-73, 76-79). Ang kanyang propesiya ay naghahatid ng higit na liwanag ukol sa dibino at pantaong persona at nagliligtas na gawain ng Taong-Tagapagligtas kaysa sa pagpapala ni Elisabet, ganoon pa man, ito ay mayroon pa ring kulay ng Lumang Tipan sa pamamaraan at lasa ng Lumang Tipan, katulad ng papuri ni Maria at pagpapala ni Elisabet.
69 1Tumutukoy kay Hesus na Tagapagligtas, na nanggaling sa angkan ni David (Jer. 23:5-6).
70 1Tingnan ang tala 55 1 .
70 2O, buhat nang itatag ang sanlibutan.
72 1Tingnan ang tala 50 1 .
72 2Tumutukoy sa katapatan ng Diyos sa pagtupad ng Kanyang salita na ginawang Kanyang tipan sa pamamagitan ng Kanyang sumpa (b. 73).
73 1Ang tipan ng Diyos ay pinagtibay sa pamamagitan ng Kanyang pangako (Heb. 8:6). Ang isang pangako ay isang pangkaraniwan, ordinaryong salita, walang pagpapatibay. Sa Lumang Tipan, pagkatapos mangako ng Diyos, tinatakan Niya ito ng isang sumpa. Nanumpa Siya sa pamamagitan ng Kanyang pamunuang-Diyos upang pagtibayin ang Kanyang pangako, sa pamamagitan ng Kanyang sumpa, ginagawang Kanyang tipan ang pangako.
74 1Lit. paglingkuran Siya bilang mga saserdote.
75 1Ang kabanalan higit sa lahat ay patungkol sa Diyos, at ang katuwiran higit sa lahat ay patungkol sa tao. Binibigyang-diin ng aklat na ito ang pagkatao ni Hesus; kaya, ibinubukod nito ang kabanalan at katuwiran dito bilang mga nangungunang katangian ng pagkilos ng tao sa harapan ng Diyos; sa pamamagitan ng mga ito napaglilingkuran ang Diyos.
76 1Tumutukoy kay Hesus, ang Tagapagligtas (b. 17; Mal. 3:1).
76 2Tingnan ang tala 33 sa Marcos 1.
77 1O, sa pamamagitan ng.
78 1Gr. panloob na bahagi.
78 2Si Hesus na Tagapagligtas ang araw na nagbubukang-liwayway sa panahon ng kadiliman. Ang Kanyang pagdating ang nagwawakas ng gabi ng Lumang Tipan at nag-uumpisa ng araw ng Bagong Tipan. Bilang bunga sa pagpapala ni Elisabet (b. 42 at tala 2), Siya ay buhay sa atin (Juan 14:6); bilang ang araw sa propesiya ni Zacarias, Siya ay liwanag sa atin (Juan 9:5; Mat. 4:16). Bilang Isang gayon, Siya ang Tagapagganap at ang sentro ng pagtutubos ng Diyos para sa kaligtasan ng Kanyang bayan.
80 1Ang ina at ama ng tagapagpáuná ay kapwa napuspos ng Espiritu Santo (bb. 41, 67). Madali para sa kanilang sanggol ang lumaki at maging malakas sa kanyang espiritu, na nagreresulta sa kanyang pamumuhay sa ilang. Ang siya ay lumaki at maging malakas sa espiritu ay nangangahulugang siya ay kasama ng Diyos at para sa Diyos, at ang mamuhay sa ilang ay ang maging malayo sa kultura at relihiyon upang ang Diyos ay magkaroon ng isang malaya at malinaw na daan upang siya ay gamitin bilang tagapagpáuná ng Tagapagligtas.