Lucas
KAPITULO 19
36. Inililigtas si Zaqueo
19:1-10
1 At Siya ay pumasok at nagdaan sa 1Jerico.
2 At narito, may isang lalakeng tinatawag sa pangalang Zaqueo; at siya ay isang puno ng mga 1maniningil ng buwis, at siya ay mayaman.
3 At siya ay nagsisikap na makita si Hesus, kung sino Siya; at hindi niya nakita dahil sa karamihan ng mga tao, sapagka’t siya ay pandak.
4 At patakbo siyang nagpauna at umakyat sa punong 1sikomoro upang kanyang makita Siya, sapagka’t Siya ay magdaraan sa daang yaon.
5 At nang dumating Siya sa dakong yaon, tumingala si Hesus at sinabi sa kanya, Zaqueo, magmadali ka at bumaba; sapagka’t ngayon ay kinakailangang tumuloy Ako sa bahay mo.
6 At nagmadali siya at bumaba, at tinanggap Siyang nagagalak.
7 At nang makita nila ito, nangagbulung-bulong silang lahat, na nagsasabi, Siya ay pumasok upang makipanuluyan sa isang taong makasalanan.
8 At si Zaqueo ay tumayo at nagsabi sa Panginoon, Tingnan Mo, ang 1kalahati ng aking mga ari-arian, Panginoon, ay ibibigay ko sa mga dukha; at kung sakaling 2nakakuha ako ng anuman mula sa kaninuman sa maling paratang, isinasauli ko nang 3makaapat.
9 At sinabi sa kanya ni Hesus, Sa araw na ito ang kaligtasan ay dumating sa sambahayang ito, yamang siya 1rin ay anak ni Abraham.
10 Sapagka’t ang Anak ng Tao ay naparito upang 1hanapin at iligtas ang nawawala.
37. Itinuturo ang tungkol sa Katapatan
19:11-27
11 Ngayon samantalang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, nagsalita Siya ng 1karugtong na talinghaga, sapagka’t Siya ay malapit na sa Herusalem, at kanilang inakala na pagdaka ay 2lilitaw na ang kaharian ng Diyos.
12 Sinabi nga Niya, Isang 1maharlikang tao ang 2naparoon sa isang malayong bansa upang tumanggap ng isang kaharian para sa kanyang sarili at 3magbalik.
13 At pagkatawag sa 1sampu sa kanyang mga alipin, binigyan niya sila ng sampung 2mina, at sinabi sa kanila, Ipangalakal ninyo 3hanggang sa ako ay dumating.
14 Datapuwa’t kinapootan siya ng kanyang mga 1mamamayan, at nagpadala sa kanya ng isang sugo pagkaalis niya, na nagsasabi, 2Ayaw namin na ang taong ito ay maghari sa amin.
15 At nangyari na nang siya ay magbalik, pagkatanggap ng kaharian, sinabi niya na tawagin yaong mga alipin na binigyan niya ng salapi upang malaman niya kung gaano ang kanilang tinubo sa pangangalakal.
16 At ang una ay dumating, na nagsasabi, Panginoon, ang iyong mina ay tumubo ng sampung mina.
17 At sinabi niya sa kanya, Mabuting gawa, mabuting alipin; sapagka’t naging matapat ka sa kakaunti, 1magkaroon ka ng awtoridad sa sampung lunsod.
18 At ang ikalawa ay dumating, na nagsasabi, Ang iyong mina, panginoon, ay tumubo ng limang mina.
19 At sinabi rin niya sa isang ito, At ikaw, magkaroon ka ng awtoridad sa 1limang lunsod.
20 1At dumating ang isa pa, na nagsasabi, Panginoon, masdan mo ang iyong mina na 2hinawakan ko, nakatago sa isang panyo;
21 Sapagka’t ako ay natakot sa iyo, dahil sa ikaw ay isang 1mahigpit na tao; kinukuha mo ang hindi mo inilagay, at inaani mo ang hindi mo inihasik.
22 Sinasabi niya sa kanya, Mula sa iyong bibig ay hahatulan kita, masamang alipin! 1Alam mong ako ay isang mahigpit na tao, kinukuha ang hindi ko inilagay, at inaani ang hindi ko inihasik.
23 1Kung gayon bakit hindi mo inilagay ang salapi ko sa 2bangko, at nang sa aking pagbabalik ay makulekta ko yaon kasama ang tubo?
24 At sa mga yaong nangakatayo sa tabi ay sinabi niya, Kunin ninyo ang mina sa kanya, at ibigay ito sa may sampung mina.
25 At sinabi nila sa kanya, Panginoon, mayroon siyang sampung mina!
26 Sinasabi ko sa inyo, ang bawa’t mayroon ay bibigyan, nguni’t siyang wala, maging ang nasa kanya ay aalisin sa kanya.
27 Gayunpaman, itong mga kaaway ko, na ayaw akong maghari sa kanila, dalhin ninyo sila rito at 1patayin sila sa harapan ko.
IV. Ang Pagbibigay ng Taong-Tagapagligtas ng Kanyang Sarili
Sa Kamatayan para sa Pagtutubos
19:28-22:46
A. Pumapasok sa Herusalem nang Matagumpay
19:28-40
28 At pagkasabi ng mga bagay na ito, Siya ay nagpaunang 1umakyat sa Herusalem.
29 1At nangyari, habang Siya ay papalapit sa Betfage at Betania, patungo sa bundok na tinatawag na Bundok ng mga Olivo, isinugo Niya ang dalawa sa mga disipulo, na nagsasabi,
30 Pumasok kayo sa nayong katapat ninyo, na kung saan, habang kayo ay pumapasok, inyong matatagpuan ang isang nakataling batang asno, na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo ito at dalhin ninyo ito.
31 At kung sinuman ang magtanong sa inyo, Bakit ninyo ito kinakalagan? sasabihin ninyo 1ito, Sapagka’t kailangan ito ng Panginoon.
32 At ang mga yaong isinugo ay nagsialis at natagpuan ito gaya ng Kanyang sinabi sa kanila.
33 At habang kanilang kinakalagan ang batang asno, ang mga may-ari nito ay nagwika sa kanila, Bakit ninyo kinakalagan ang batang asno?
34 At sinabi nila, Sapagka’t kailangan ito ng Panginoon.
35 At kanilang dinala ito kay Hesus; at pagkahagis ng kanilang mga damit sa ibabaw ng batang asno, isinakay nila si Hesus sa ibabaw nito.
36 At sa Kanyang pagpapatuloy, 1inilalatag nila ang kanilang mga sariling damit sa daan.
37 At habang Siya ay papalapit na sa libis ng Bundok ng mga Olivo, ang buong karamihan ng mga disipulo, habang nangagagalak, ay nangagsimulang magpuri sa Diyos, sa pamamagitan ng isang malakas na tinig dahil sa lahat ng mga gawa ng kapangyarihang nakita nila,
38 Na nagsasabi, Pinagpala ang Haring pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataas-taasan!
39 At ang ilan sa mga Fariseong mula sa kalipunan ay nagsabi sa Kanya, Guro, sawayin mo ang iyong mga disipulo!
40 At Siya ay sumagot at nagsabi, Sinasabi Ko sa inyo, kung ang mga ito ay tatahimik, ang mga bato ay sisigaw!
B. Nananangis para sa Herusalem
19:41-44
41 At nang Siya ay malapit na, pagkakita sa lunsod, tinangisan Niya ito,
42 Na nagsasabi, Kung sa araw na ito ay nakilala mo sana, sa iyong sarili, ang mga bagay na nauukol sa iyong 1kapayapaan! Datapuwa’t ngayon ay pawang natatago sa iyong mga mata.
43 Sapagka’t ang mga araw ay darating sa iyo na paliligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabi-kabila,
44 At 1papatagin ka sa lupa, at ang iyong mga anak na nasa loob mo, at hindi sila mag-iiwan ng bato sa ibabaw ng kapwa bato sa loob mo, sapagka’t hindi mo nalaman ang panahon ng 2pagdalaw sa iyo.
C. Nililinis ang Templo at Nagtuturo sa Loob Nito
19:45-48
45 At pagkapasok sa templo, sinimulan Niyang itaboy sa labas ang mga nangagbibili,
46 Na sinasabi sa kanila, Nasusulat nga, Ang Aking bahay ay magiging bahay ng panalangin, nguni’t ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.
47 At Siya ay nagtuturo araw-araw sa templo; subali’t ang mga pangulong saserdote at ang mga eskriba at ang mga pangunahin ng bayan ay nangagsisikap na Siya ay patayin;
48 At wala silang masumpungang bagay na magagawa, sapagka’t ang lahat ng tao ay umaali-aligid sa Kanya, na nakikinig.