Lucas
KAPITULO 16
25. Itinuturo ang tungkol sa Maingat-na-katalinuhan ng isang Katiwala
16:1-13
1 1At sinabi rin naman Niya sa mga disipulo, May isang mayaman na may isang 2katiwala, at isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang mga ari-arian.
2 At kanyang tinawag siya at sa kanya ay sinabi, Ano itong nababalitaan ko tungkol sa iyo? Magbigay-sulit ka sa pagiging katiwala, sapagka’t hindi ka na maaaring maging katiwala pa.
3 At sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, Anong gagawin ko, yamang inaalis sa akin ng panginoon ko ang pagiging katiwala? Wala akong sapat na lakas upang 1magbungkal. Ako ay nahihiyang 2magpalimos.
4 Alam ko na ang gagawin ko, upang kung mapaalis ako sa pagiging katiwala, ako ay 1matanggap nila sa kanilang mga tahanan.
5 At tinawag niya ang bawa’t isa sa mga may utang sa kanyang panginoon, at sinabi sa una, Gaano ang utang mo sa aking panginoon?
6 At sinabi niya, Isang daang 1takal ng langis. At sinabi niya sa kanya, Abutin mo ang iyong kasulatan, at maupo kang madali at isulat mong limampu.
7 At sinabi naman niya sa isa, At ikaw, gaano ang utang mo? At sinabi niya, Isang daang 1takal ng trigo. Sinabi niya sa kanya, Abutin mo ang iyong kasulatan, at isulat mong walumpu.
8 At pinuri ng panginoon ang likong katiwala sapagka’t siya ay gumawang may 1maingat-na-katalinuhan. Sapagka’t ang mga 2anak ng bkapanahunang ito ay higit na may maingat-na-katalinuhan kaysa sa mga 3anak ng liwanag 4sa kanilang sariling henerasyon.
9 At sinasabi Ko sa inyo, 1makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng mammon ng 2kalikuan, upang sa 3pagkawala ng kabuluhan nito, kanilang tanggapin kayo sa mga 4walang hanggang tabernakulo.
10 Ang tapat sa 1pinakakaunti ay tapat din naman sa 1marami; at ang di-matuwid sa pinakakaunti ay hindi rin naman matuwid sa marami.
11 Kung kayo nga ay hindi naging tapat sa di-matuwid na mammon, sino nga ang magtitiwala sa inyo ng mga 1tunay na kayamanan?
12 At kung hindi kayo naging tapat sa kayamanan ng 1iba, sino ang sa inyo ay magbibigay ng talagang para sa 2inyong sarili?
13 Walang alipin ang makapaglilingkod sa dalawang panginoon; sapagka’t kapopootan niya ang isa at 1iibigin ang ikalawa, o di kaya ay 2kakapit sa isa at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Diyos at sa mammon.
26. Itinuturo ang tungkol sa Pagpasok sa Kaharian ng Diyos
16:14-18
14 At napakinggan ng mga Fariseo, na pawang mangingibig ng salapi, ang lahat ng bagay na ito, at Siya ay 1tinuya nila.
15 At sinabi Niya sa kanila, Kayo yaong mga nangag-aaring-matuwid sa inyong sarili sa paningin ng mga tao, datapuwa’t nakikilala ng Diyos ang inyong mga puso; sapagka’t ang dinadakila ng mga tao ay 1kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
16 Ang 1kautusan at ang mga propeta ay 2hanggang kay Juan; mula noon, ang 3kaharian ng Diyos ay ipinahahayag bilang 4ebanghelyo at ang bawa’t isa ay 5nagpipilit na makapasok dito.
17 Subali’t higit na madali pa para sa langit at lupa ang mangawala kaysa sa 1mahulog ang isang 2kudlit ng kautusan.
18 Ang bawa’t isa na 1humihiwalay sa kanyang asawang babae at nag-aasawa sa iba ay nagkakasala ng pangangalunya; at ang mag-asawa sa babaeng hiniwalayan ng kanyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.
27. Binabalaan ang Mayaman
16:19-31
19 Mayroon ngang 1isang mayaman, at siya ay nagdaramit ng kulay ube at pinong lino, sa araw-araw ay marangyang nagsasaya.
20 At isang pulubing nagngangalang Lazaro ang itinapon sa kanyang pintuan, na lipos ng mga sugat,
21 At naghahangad na mabusog ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; at hindi lamang ito, ang mga aso ay dumating at hinimod ang kanyang mga sugat.
22 Ngayon ay nangyari nga na namatay ang pulubi, at siya ay dinala ng mga anghel sa 1sinapupunan ni Abraham; at ang mayaman ay namatay rin at inilibing.
23 At sa gitna ng mga pagdurusa sa 1Hades, tumingala siya at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro na nasa sinapupunan niya.
24 At siya ay tumawag at nagsabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking bdila; sapagka’t naghihirap ako sa alab na ito.
25 Datapuwa’t sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay; datapuwa’t ngayon siya ay inaaliw rito, at ikaw ay nasa kahirapan.
26 At bukod sa lahat ng ito, sa pagitan natin ay may isang malaking 1bangin na matibay na nakapirmi, upang ang mga gustong tumawid buhat dito hanggang sa inyo ay hindi makatatawid, at gayundin walang makatatawid mula diyan hanggang sa amin.
27 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, Ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama
28 Sapagka’t ako ay may limang kapatid na lalake upang siya ay tapat na magbabala sa kanila, baka pati sila ay mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa.
29 Datapuwa’t sinabi ni Abraham, Nasa kanila si 1Moises at ang mga Propeta; bayaan silang makinig sa kanila.
30 Subali’t sinabi niya, Hindi, Amang Abraham, nguni’t kung may isang mula sa mga patay ang pupunta sa kanila, sila ay magsisipagsisi.
31 Subali’t sinabi niya sa kanya, Kung hindi nila pinakikinggan si 1Moises at ang mga Propeta, hindi rin sila mahihikayat kung may isang magbabangon mula sa mga patay.