Lucas
KAPITULO 15
24. Ipinahahayag ang Nagliligtas na Pag-ibig ng Tres-unong Diyos Sa mga Makasalanan
15:1-32
a. Sa Pamamagitan ng Talinghaga ng isang Pastol na Naghahanap ng Tupa
bb. 1-7
1 Ngayon ay nagsilapit nga sa Kanya ang lahat ng maniningil ng buwis at makasalanan upang makinig sa Kanya.
2 At kapwa ang mga Fariseo at ang mga eskriba ay nangagbulung-bulong, na nangagsasabi, Tinatanggap ng Taong ito ang mga makasalanan at sumasalo sa kanila.
3 At sinalita Niya sa kanila ang 1talinghagang ito, na nagsasabi,
4 Aling tao sa inyo, na kung may isang daang tupa at mawala ang isa sa mga yaon, ang hindi mag-iiwan sa siyamnapu’t siyam sa 1bilang at maghahanap sa nawawala hanggang sa ito ay kanyang masumpungan?
5 At kapag nasumpungan niya ay 1pinapasan niya sa kanyang mga balikat, na nagagalak.
6 At pag-uwi niya sa tahanan, titipunin niya ang kanyang mga kaibigan at kanyang mga kapitbahay, na sinasabi sa kanila, Makipaggalak kayo sa akin, sapagka’t nasumpungan ko ang aking tupa, ang isang nawala!
7 Sinasabi Ko sa inyong gayon din, magkakaroon ng kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.
b. Sa pamamagitan ng Talinghaga
ng isang Babaeng Naghahanap ng Salapi
bb. 8-10
8 O aling babae na may sampung 1salaping pilak, na kung mawalan siya ng isang salapi, ang hindi magpapaningas ng isang 2ilawan, at 3magwawalis ng bahay, at 4maghahanap nang maingat hanggang sa ito ay masumpungan niya?
9 At pagkasumpong niya nito, titipunin niya ang kanyang mga 1kaibigan at mga 1kapitbahay, na sinasabi, Makipaggalak kayo sa akin, sapagka’t nasumpungan ko ang salaping pilak na nawala sa akin!
10 Gayundin, sinasabi ko sa inyo, na may kagalakan sa harapan ng mga aanghel ng Diyos, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.
c. Sa Pamamagitan ng Talinghaga ng isang Ama na Tumatanggap sa Kanyang Anak
bb. 11-32
11 At sinabi Niya, May isang tao na may dalawang anak na lalake:
12 At sinabi ng bunso sa kanyang ama, Ama, ibigay mo sa akin ang 1bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kanyang 2kabuhayan.
13 At hindi nakaraan ang maraming araw, tinipon ng bunsong anak ang lahat ng ganang kanya, at naglakbay sa isang 1malayong lupain; at doon ay nilustay ang kanyang kabuhayan sa 2napakasamang pamumuhay.
14 At nang magugol na niyang lahat, nagkaroon ng isang malaking taggutom sa lupaing yaon, at siya ay nagsimulang mangailangan.
15 At pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan ng lupaing yaon; at siya ay isinugo nito sa kanyang mga parang upang 1magpakain ng mga baboy.
16 At ibig sana niyang mabusog ang kanyang tiyan ng mga balat ng 1carob na kinakain ng mga baboy, at walang taong magbigay sa kanya ng kahit na ano.
17 Datapuwa’t nang siya ay matauhan ay sinabi niya, 1Ilang alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na 2pagkain, at ako rito ay namamatay sa gutom?
18 1Titindig ako at paroroon sa aking ama, at aking sasabihin sa kanya, Ama, nagkasala ako 2laban sa langit at sa iyong paningin;
19 1Hindi na ako karapat-dapat na tawagin mong anak. Ibilang mo na lamang akong isa sa iyong mga alilang 2upahan.
20 At siya ay tumindig at pumaroon sa kanyang ama. Nguni’t samantalang malayo pa siya, ay 1natanawan na siya ng kanyang ama at nagdalang-habag; at 2tumakbo at 3niyakap siya sa leeg, at siya ay magiliw na hinagkan.
21 At sinabi ng anak sa kanya, Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin; hindi na ako karapat-dapat na tawagin mong anak.
22 1Subali’ t sinabi ng ama sa kanyang mga alipin, Dalhin ninyo ritong 2madali 3ang 4pinakamabuting 5balabal at isuot ninyo sa kanya, at lagyan ninyo ng 6singsing ang kanyang kamay, at ng mga 7panyapak ang kanyang mga paa;
23 At dalhin ang 1pinatabang guya; 2patayin ito, at tayo ay magsikain at mangagsayá.
24 Sapagka’t 1patay na ang anak kong ito at muling nabuhay, siya ay 1nawala at nasumpungan! At sila ay nagsimulang mangagsayá.
25 Nguni’t ang anak niyang 1panganay ay nasa bukid; at nang siya ay dumating at malapit na sa bahay, nakarinig siya ng tugtugan at sayawan;
26 At pinalapit niya sa kanya ang isa sa mga alipin, itinanong niya kung ano ang mga bagay na yaon.
27 At sinabi niya sa kanya, Dumating ang kapatid mo, at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya, dahil sa siya ay tinanggap niya na 1ligtas at maayos.
28 Datapuwa’t nagalit siya at ayaw pumasok; at lumabas ang kanyang ama at namanhik sa kanya.
29 Datapuwa’t siya ay sumagot at sinabi sa kanyang ama, Tingnan mo, maraming taon nang ako ay 1nagpapaalipin sa iyo, at kailanman ay hindi ako 2nagpabaya sa iyong utos; at hindi mo ako binigyan kailanman ng isang 3kambing upang magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan;
30 Datapuwa’t nang dumating ang anak mong ito, na umubos ng iyong 1kabuhayan sa mga patutot, ay ipinagpatay mo siya ng pinatabang guya.
31 At sinabi niya sa kanya, Anak, ikaw ay palaging nasa akin, at lahat ng akin ay sa iyo.
32 Nguni’t dapat tayong mangagsayá at mangagalak, sapagka’t 1namatay ang kapatid mong ito at nabuhay, at nawala at nasumpungan.