Lucas
KAPITULO 14
20. Pinagagaling sa Araw ng Sabbath ang Lalakeng Minamanas
14:1-6
1 At nangyari, sa Kanyang pagpasok sa loob ng bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo sa isang Sabbath upang kumain ng tinapay, na kanilang 1binabantayan Siyang mabuti.
2 At tingnan, isang lalakeng nagdurusa sa 1pamamanas ang nasa harapan Niya.
3 At si Hesus ay sumagot at nagsalita sa mga tagapagtanggol ng kautusan at sa mga Fariseo, na naaayon ba sa kautusan na magpagaling sa Sabbath, o hindi?
4 Subali’t sila ay tahimik. At Kanyang tinanganan siya at pinagaling siya at pinaalis siya.
5 At Kanyang sinabi sa kanila, Sino sa inyo na may isang 1asno o isang bakang lalake na mahuhulog sa loob ng isang balon, na hindi pa kaagad kukunin ito sa araw ng Sabbath?
6 At sila ay hindi nakasagot sa mga bagay na ito.
21. Tinuturuan ang mga Inanyayahan at ang Nag-aanyaya
14:7-14
7 At Siya ay nagsalita ng isang talinghaga sa mga inanyayahan, nang Kanyang napansin kung gaano nila pinipili ang mga lugar na pandangal, na sinasabi sa kanila,
8 Kapag inanyayahan ka ng sinuman sa isang piging ng kasalan, huwag kang hihilig sa lugar na pandangal, baka may isang taong higit na marangal kaysa sa iyo ang inanyayahan niya;
9 At siya na nag-anyaya sa iyo at sa kanya ay lalapit at sasabihin sa iyo, Ibigay sa isang ito ang lugar na yaon, at kung gayon ikaw ay magsisimula sa kahihiyan na okupahan ang huling lugar.
10 Subali’t kapag ikaw ay inanyayahan, pumaroon at umupo sa huling lugar, na kapag ang siyang nag-anyaya sa iyo ay dumating, kanyang sasabihin sa iyo, Kaibigan, pumarito ka sa lalong mataas; kung gayon ikaw ay magkakaroon ng kaluwalhatian sa harap ng lahat ng mga kasama mong nakahilig sa dulang;
11 Sapagka’t ang bawa’t nagmamataas ay mabababa, at ang nagpapakababa ay matataas.
12 At Kanya ring sinabi sa nag-anyaya sa Kanya, Kapag ikaw ay naghanda ng isang tanghalian o isang hapunan, huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan, ni ang iyong mga kapatid, ni ang iyong mga kamag-anak, ni ang iyong mayayamang kapitbahay, baka anyayahan ka rin nila bilang kapalit, at ito ay magiging pagganti sa iyo.
13 Datapuwa’t kung ikaw ay magdaraos ng isang handaan, anyayahan ang 1dukha, ang pingkaw, ang pilay, ang bulag.
14 At magiging pinagpala ka, sapagka’t wala silang sukat ikaganti sa iyo; dahil sa ito ay gagantihin sa iyo sa 1pagkabuhay na muling mga matuwid.
22. Itinuturo ang tungkol sa Pagtanggap sa Paanyaya ng Diyos
14:15-24
15 At nang marinig ang mga ito ng isa sa nangakahilig kasalo Niya sa dulang ay sinabi sa Kanya, Pinagpala ang kakain ng tinapay sa kaharian ng Diyos!
16 At sinabi Niya sa kanya, May isang taong naghanda ng isang 1malaking hapunan at marami siyang inanyayahan;
17 At isinugo niya ang kanyang alipin sa panahon ng hapunan upang sabihin sa mga inanyayahan, Magsiparito kayo, sapagka’t ang lahat ng mga bagay ay nakahanda na.
18 At silang lahat na parang iisa ay nasimulang mangagdahilan. Sa kanya ay sinabi ng una, Bumili ako ng isang bukid, at kailangan kong umalis at tingnan ito; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako.
19 At sinabi ng isa, Bumili ako ng limang magkatuwang na bakang lalake, at paroroon ako upang sila ay subukin; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako.
20 At sinabi ng isa pa, Bagong kasal ako, at dahil dito hindi ako makaparirito.
21 At dumating ang alipin at isinaysay ang mga bagay na ito sa kanyang panginoon. Nang magkagayon ang panginoon ng sambahayan ay nagalit at sinabi sa kanyang alipin, Pumaroon kang madali sa mga lansangan at sa mga daang makipot ng lunsod, at dalhin mo rito ang mga dukha at ang mga pingkaw at ang mga bulag at ang mga pilay.
22 At sinabi ng alipin, Panginoon, nagawa na ang ipinag-utos mo, at mayroon pang lugar.
23 At sinabi ng panginoon sa alipin, Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay.
24 Sapagka’t sinasabi ko sa inyo na sinuman sa mga taong inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking hapunan.
23. Itinuturo kung Papaano ang Pagsunod sa Taong-Tagapagligtas
14:25-35
25 Nagsisama nga sa Kanya ang lubhang maraming tao; at Siya ay lumingon at sa kanila ay sinabi,
26 1Kung ang sinumang tao ay pumaparito sa Akin at hindi napopoot sa kanyang sariling ama at ina at asawang babae at mga anak at mga kapatid na lalake at babae, at higit pa, maging sa kanyang sariling pangkaluluwang buhay, hindi siya maaaring maging disipulo Ko.
27 Sinumang hindi nagpapasan ng kanyang sariling 1krus at sumusunod sa Akin ay hindi maaaring maging disipulo Ko.
28 Sapagka’t alin sa inyo, na ibig magtayo ng isang tore, ang hindi muna uupo at tatantiyahin ang halaga, kung may 1sapat siyang maipagtatapos?
29 Kung hindi, kapag nailagay na niya ang pundasyon at hindi natapos, ang lahat ng mga nakakita ay magsisimulang libakin siya,
30 Na sinasabi, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin.
31 O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ang hindi muna uupo at sasangguni kung makakaya niyang harapin ang darating na dalawampung libo ng kanyang sampung libo?
32 Kung hindi, habang malayo pa ang isa, ay magpapadala siya ng isang sugo, at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo.
33 Kaya nga, ang sinuman sa inyo na hindi tatalikod sa lahat ng kanyang ari-arian ay hindi maaaring maging disipulo Ko.
34 1Kaya, mabuti ang 2asin; datapuwa’t kung maging ang asin ay tumabang, sa papaanong paraan mo mapanunumbalik ang alat nito?
35 Ito ay hindi angkop para sa lupa ni sa tambakan ng dumi; itatapon ito sa labas. Ang may mga pakinig upang ipakinig ay makinig.