Lucas
KAPITULO 13
15. Itinuturo ang tungkol sa Pagsisisi
13:1-9
1 1Ngayon noong panahon ding yaon ay nandoroon ang ilang nagbalita sa Kanya tungkol sa mga Galileo, na ang dugo ng mga ito ay inihalo ni Pilato sa mga hain nila.
2 At Siya ay sumagot at nagsabi sa kanila, Inaakala ba ninyo na ang Galileong ito ay mga makasalanan nang higit pa sa lahat ng Galileo sapagka’t sila ay nangagbata ng mga bagay na ito?
3 Sinasabi Ko sa inyo, Hindi; nguni’t malibang kayo ay magsipagsisi, kayong lahat ay mapapahamak sa gayon ding paraan.
4 O yaong labing-walong nabagsakan ng moog sa Siloe at nangamatay, inaakala ba ninyo na sila ay mga may utang nang higit kaysa sa lahat ng mga taong naninirahan sa Herusalem?
5 Sinasabi Ko sa inyo, Hindi; nguni’t malibang kayo ay magsipagsisi, kayong lahat ay mamamatay sa gayon ding paraan.
6 1At sinalita Niya ang 2talinghagang ito: May isang tao na may isang puno ng igos na nakatanim sa kanyang ubasan; at siya ay naparoong naghahanap ng bunga niyaon at walang makita.
7 At sinabi niya sa nag-aalaga ng ubasan, Masdan mo, tatlong taon nang pumaparito akong naghahanap ng bunga sa puno ng igos na ito, at wala akong nakikita. Putulin mo ito! Bakit pa nito 1ginagawang walang kabuluhan ang lupa?
8 Datapuwa’t siya ay sumagot at nagsasabi sa kanya, Panginoon, hayaan mo muna ngayong taon, hanggang sa humukay ako sa palibot nito at malagyan ng pataba;
9 At kung totoong mamumunga ito sa hinaharap, mabuti; kung hindi, putulin mo ito.
16. Pinagagaling at Pinalalaya sa Araw ng Sabbath
ang isang Nabaluktot na Babae
13:10-17
10 At Siya ay nagtuturo sa isa sa mga sinagoga sa araw ng Sabbath.
11 At narito, may isang babae na may isang 1espiritu ng karamdaman na may labing-walong taon na; at siya ay totoong 2baluktot at hindi na nakatatayo nang tuwid.
12 At pagkakita sa kanya, tinawag siya ni Hesus, sinabi sa kanya, Babae, ikaw ay napalaya na sa iyong karamdaman;
13 At Kanyang ipinatong ang Kanyang mga kamay sa kanya, at kapagdaka siya ay natuwid, at niluwalhati niya ang Diyos.
14 Subali’t ang pinuno ng sinagoga, na 1nagalit dahil sa nagpagaling si Hesus sa araw ng Sabbath, ay sumagot at nagsabi sa kalipunan, May banim na araw na ang tao ay dapat gumawa; kaya pumarito kayo sa mga araw na ito at kayo ay pagagalingin, at huwag sa araw ng Sabbath.
15 Nguni’t ang Panginoon ay sumagot sa kanya at nagsabi, Kayong mga 1mapagkunwari! Hindi ba kinakalagan ng bawa’t isa sa inyo sa Sabbath ang kanyang baka o kanyang asno mula sa sabsaban at ito ay inilalabas at pinaiinom?
16 At ang babaeng ito, na 1anak ni Abraham, na tinalian ni 2Satanas — isaalang-alang ninyo sa loob ng walong-taon, hindi ba dapat siyang kalagan mula sa taling ito sa araw ng 3Sabbath?
17 At nang sinabi Niya ang mga bagay na ito, ang lahat ng Kanyang mga kaalit ay nangapahiya; at ang buong kalipunan ay nangagalak sa lahat ng mga maluluwalhating bagay na Kanyang ginawa.
17. Itinuturo ang tungkol sa Kaharian ng Diyos Bilang isang Butil ng Mustasa at Bilang Lebadura
13:18-21
18 1Kanya ngang sinabi, Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos, at saan Ko itutulad ito?
19 Ito ay katulad ng isang butil ng mustasa, na kinuha ng isang tao at inihagis sa kanyang sariling halamanan; at ito ay sumibol at naging isang punong-kahoy; at ang mga ibon ay humapon sa mga sanga nito.
20 At muli Niyang sinabi, Sa ano Ko itutulad ang kaharian ng Diyos?
21 Ito ay katulad ng lebadura, na kinuha ng isang babae at itinago sa tatlong takal na harina hanggang sa ito ay nalebadurahang lahat.
18. Itinuturo ang tungkol sa Pagpasok sa Kaharian ng Diyos
13:22-30
22 At Siya ay yumaon sa mga lunsod, at mga nayon, na nagtuturo at naglalakbay patungong Herusalem.
23 At may isang nagsabi sa Kanya, Panginoon, kakaunti ba ang mangaliligtas?
24 At sinabi Niya sa kanila, Pagsikapan ninyong pumasok sa 1pintuang makipot, sapagka’t marami, sasabihin Ko sa inyo, ang magpipilit pumasok at hindi 2makakayanan.
25 Mula sa panahon na makatindig na ang Panginoon ng sambahayan at mailapat na ang pinto, at magsimula kayong mangagsitayo sa labas at mangagsikatok sa pintuan, na magsasabi, Panginoon, pagbuksan Mo kami; at Siya ay sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi Ko kayo nakikilala. Taga saan ba kayo?
26 Pagkagayon ay sisimulan ninyong sabihin, Kami ay nagsikain at nagsiinom sa harap Mo, at nagturo Ka sa aming mga lansangan;
27 At sasabihin Niya, Sinasabi Ko sa inyo, hindi Ko alam kung taga saan kayo; magsilayo kayo sa Akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan!
28 Doroon nga ang 1pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin kung mangakita ninyo sina Abraham at Isaac at Jacob at ang lahat ng mga propeta sa 2kaharian ng Diyos, nguni’t kayo ay itatapon sa labas.
29 At sila ay magsisipanggaling sa silangan at sa kanluran, at sa hilaga at sa timog, at magsisihilig sa dulang sa kaharian ng Diyos.
30 At tingnan ninyo, may mga 1huling magiging una, at may mga 2unang magiging huli.
19. Naglalakbay nang Walang Pagkaabala
Patungong Herusalem
13:31-35
31 Nang oras ding yaon, nagsidating ang ilang Fariseo, na nagsasabi sa Kanya, Lumabas Ka at umalis Ka rito, sapagka’t ibig Kang 1patayin ni Herodes.
32 At Kanyang sinabi sa kanila, Pumaroon kayo at sabihin ninyo sa sorrang ito, Tingnan ninyo, Ako ay nagpapalayas ng mga demonyo at nagpapagaling 1ngayon at bukas, at sa aikatlong araw Ako 2ay sakdal na.
33 Gayunman, Ako ay 1dapat maglakbay ngayon at bukas at sa susunod na araw, sapagka’t hindi katanggap-tanggap para sa isang propeta na mamatay sa labas ng Herusalem.
34 Herusalem, Herusalem, na 1pumapatay sa mga propeta at bumabato sa mga isinugo sa kanya! Gaano kadalas Kong hinangad na tipunin ang iyong mga anak nang sama-sama, katulad ng pagtitipon ng isang inahing manok sa kanyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, at ayaw ninyo!
35 Tingnan ninyo, ang inyong 1bahay ay iniwan sa inyo. At sasabihin Ko sa inyo, tiyak na hindi ninyo Ako makikita hanggang sa dumating ang panahon na inyong sasabihin, Pagpalain Siya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon!