Lucas
KAPITULO 12
10. Nagbababala Tungkol sa Pagkukunwari ng mga Fariseo
At ang Pagkakaila sa Taong-Tagapagligtas
12:1-12
1 1Samantalang nangagkakatipon ang 2libu-libong tao na anupa’t nagkakayapakan sila, nagpasimula Siyang magsalita muna sa Kanyang mga disipulo, Mangag-ingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo, ito ay pagkukunwari.
2 Datapuwa’t walang bagay na natatakpan na hindi mahahayag, at natatago na hindi malalaman.
3 Sa gayon, ang anumang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan, at ang sinabi ninyo nang pabulong sa mga pribadong silid ay ipagsisigawan sa ibabaw ng mga bubungan.
4 At sinasabi Ko sa inyo, Mga kaibigan Ko, huwag kayong mangatakot sa mga yaong pumapatay ng katawan, at pagkatapos niyaon ay wala nang magagawa.
5 Nguni’t 1ipakikita Ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: katakutan ninyo 2Siya, na pagkatapos na pumatay, ay may awtoridad na magbulid sa loob ng 3Gehena. Oo, sinasabi Ko sa inyo, katakutan ninyo ang Isang ito.
6 Hindi ba ang limang maya ay ipinagbibili sa dalawang 1sentimo? At ni isa sa kanila ay hindi nalilimutan sa harapan ng Diyos.
7 Subali’t maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang nabilang na. Huwag kayong mangatakot; kayo ay may higit na halaga kaysa sa maraming maya.
8 Datapuwa’t sinasabi Ko sa inyo, sa inyong lahat — ang sinumang 1nasa loob Ko na kumikilala sa Akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin din ng Anak ng Tao 2na nasa loob niya sa harap ng mga anghel ng Diyos;
9 Subali’t ang sinumang ikinakaila Ako sa harap ng mga tao ay 1ikakaila sa harap ng mga anghel ng Diyos.
10 At bawa’t magsasabi ng isang salitang laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; nguni’t ang 1lumalapastangan sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad.
11 At kung kayo ay dadalhin nila sa harap ng mga sinagoga at sa mga pinuno at sa mga may kapangyarihan, huwag kayong mangabalisa kung paano o kung ano ang dapat ninyong isagot sa pagtatanggol, o ano ang dapat ninyong sabihin;
12 Sapagka’t ang 1Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo sa oras ding yaon kung ano ang dapat na sabihin.
11. Nagbababala tungkol sa Pag-iimbot
12:13-34
13 At isang mula sa karamihan ang nagsabi sa Kanya, Guro, ituro Mo sa kapatid ko na hatian niya ako ng mana.
14 Subali’t sinabi Niya sa kanya, Lalake, sino ang humirang sa Akin bilang isang hukom o isang tagapaghati ng mana ninyo?
15 At sinabi Niya sa kanila, Magsipag-ingat kayo at ingatan ang inyong sarili sa lahat ng pag-iimbot sapagka’t ang buhay ng bawa’t tao ay wala sa kasaganaan ng mga ari-arian niya.
16 At nagsalaysay Siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang mayamang tao ay namunga nang sagana.
17 At iniisip niya sa kanyang sarili, na nagsasabi, Ano ang gagawin ko, sapagka’t wala akong lugar na maaari kong paglagyan ng aking 1mga ani?
18 At sinabi niya, Gagawin ko ito: Gigibain ko ang aking mga kamalig at magtatayo ako ng lalong malaki, at doon ko ilalagay ang lahat ng aking trigo at aking mga ari-arian.
19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, Kaluluwa, marami ka nang ari-ariang nakatago para sa maraming taon; mamahinga ka, kumain ka, uminom ka, at magpakasaya ka.
20 Datapuwa’t sinabi ng Diyos sa kanya, Ikaw ay haling, sa gabing ito, 1kanilang hinihiling sa iyo ang iyong kaluluwa. Ngayon ang mga bagay na inihanda mo, mapasasakanino kaya ang mga ito?
21 Gayon nga siyang nag-iimpok ng kayamanan para sa kanyang sarili at hindi 1mayaman sa Diyos.
22 At sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo, 1Dahil dito sinasabi Ko sa inyo, huwag kayong mangabalisa para sa inyong 2buhay, kung ano ang dapat ninyong kainin; ni para sa inyong katawan, kung ano ang dapat ninyong isuot;
23 Sapagka’t ang buhay ay higit kaysa sa pagkain, at ang katawan kaysa sa pananamit.
24 Inyong isaalang-alang ang mga uwak, na hindi sila naghahasik ni gumagapas, para sa kanila ay walang kamalig o bangan; at sila ay pinakakain ng Diyos. Gaano kahigit ang kahalagahan ninyo kaysa sa mga ibon!
25 At sino sa inyo na sa pag-aalala ay makapagdaragdag ng isang siko sa kanyang taas?
26 Kung gayon na hindi ninyo magawa ang kahit na pinakamaliit, bakit kayo nag-aalala pa tungkol sa iba?
27 Inyong isaalang-alang ang mga lirio, kung paano sila nagsisilaki; hindi sila nangagpapagal o nangagsusulid man; datapuwa’t sinasabi Ko sa inyo, maging si Salomon man sa kanyang buong kaluwalhatian ay hindi nakapaggayak ng gaya ng isa sa mga ito.
28 Ngayon kung dinaramtan nang gayon ng Diyos ang damo sa parang, na ngayon ay buháy at kinabukasan ay itatapon sa pugon, gaano pang higit na daramtan Niya kayo, kayong may kakaunting pananampalataya!
29 At kayo, huwag pakahanapin kung ano ang inyong kakainin at kung ano ang inyong iinumin, at huwag kayong 1maging pabagu-bago;
30 Sapagka’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga bansa ng sanlibutan; datapuwa’t nalalaman ng inyong Ama na kinakailangan ninyo ang mga bagay na ito.
31 Gayunpaman, hanapin ninyo ang Kanyang kaharian, at ang mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.
32 Huwag kayong mangatakot, munting kawan, sapagka’t ang inyong Ama ay nalulugod na ibigay sa inyo ang 1kaharian.
33 Ipagbili ninyo ang inyong mga ari-arian at magbigay ng mga limos; gumawa kayo para sa inyong sarili ng mga supot na hindi nangaluluma, isang hindi nagkukulang na 1kayamanan sa kalangitan, kung saan ang isang magnanakaw ay hindi lumalapit, maging ang isang gamu-gamo ay hindi naninira;
34 Sapagka’t kung saan naroroon ang inyong kayamanan, naroroon din ang inyong 1puso.
12. Nagtuturo na maging Mapagbantay at Tapat
12:35-48
35 Bigkisan ninyo ang inyong mga baywang at paningasin ang inyong mga ilawan;
36 At kayo ay tulad ng mga lalakeng naghahanap sa kanilang sariling panginoon nang siya ay lumisan mula sa piging ng kasalan, na kapag siya ay dumating at kumatok, kapagdaka ay makapagbubukas sila sa kanya.
37 Pinagpala ang mga aliping yaon na kung dumating ang panginoon ay matatagpuang nagbabantay. Katotohanan, sinasabi Ko sa inyo, na siya ay magbibigkis sa sarili at sila ay pahihiligin niya sa dulang, at siya ay 1lalapit at maglilingkod sa kanila.
38 At kung siya ay dumating sa ikalawang pagbabantay, at kung sa pangatlo, at matagpuan sila nang gayon, pinagpala ang mga aliping yaon.
39 1Datapuwa’ t 2alamin ninyo ito, na kung 2nalaman ng panginoon ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, 3hindi niya pababayaan na ang bahay niya ay 4mapasok.
40 Kayo rin, maging handa kayo; sapagka’t ang Anak ng Tao ay darating sa isang oras na hindi ninyo inaasahan.
41 At sinabi ni Pedro, Panginoon, sinasabi Mo ba ang talinghagang ito sa amin, o sa lahat na rin?
42 At sinabi ng Panginoon, Sino kung gayon ang katiwalang tapat at may-maingat-na-katalinuhan, na hihirangin ng panginoong pagkatiwalaan sa kanyang mga alipin sa sambahayan upang bigyan sila ng kanilang bahagi sa pagkain sa wastong panahon?
43 Pinagpala ang aliping yaon na kung dumating ang kanyang panginoon ay matatagpuang gumagawa ng gayon.
44 Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, na hihirangin niya siyang katiwala sa lahat ng kanyang mga ari-arian.
45 Nguni’t kung sinasabi ng aliping yaon sa kanyang puso, Ang aking panginoon ay matatagalan sa kanyang pagdating, at nagsimulang bugbugin ang mga aliping lalake at mga aliping babae, at kumain at uminom at maglasing;
46 Ang panginoon ng aliping yaon ay darating sa araw na hindi niya siya inaasahan, at sa oras na hindi niya nalalaman, at hahatiin siya sa dalawa, at itatalaga ang kanyang bahagi kasama ng mga hindi tapat.
47 At yaong alipin na nalalaman ang kalooban ng kanyang panginoon, at hindi naghanda o gumawa ng alinsunod sa kanyang kalooban, ay tatanggap ng maraming latay;
48 Nguni’t ang hindi nakaalam, subali’t gumawa ng mga bagay na karapat-dapat sa mga palo, ay tatanggap ng kaunting latay. Nguni’t sa sinumang binigyan ng marami, marami ang hihingin sa kanya; at sa kanya na marami ang 1ipinagkatiwala, higit ang hihingin nila sa kanya.
13. Umaasam na Mapalaya
Sa pamamagitan ng Kanyang Kamatayan
12:49-53
49 Ako ay naparito upang maghagis ng 1apoy sa lupa, at 2ano pa ang nanaisin Ko kung ito ay nagningas na?
50 Nguni’t Ako ay may isang 1bautismong ibabautismo sa Akin, at gaano Akong 2nagigipit hanggang sa ito ay matupad!
51 Inaakala ba ninyo na Ako ay naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa? Hindi, sinasabi Ko sa inyo, bagkus ay 1pagkakabaha-bahagi.
52 Sapagka’t mula ngayon ay magkakabaha-bahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.
53 Sila ay magkakabaha-bahagi, ama laban sa anak na lalake, at anak na lalake laban sa ama; ina laban sa anak na babae, at anak na babae laban sa ina; biyenang babae laban sa kanyang manugang na babae, at manugang na babae laban sa biyenang babae.
14. Itinuturo ang Tungkol sa Pag-aninaw ng Panahon
12:54-59
54 At sinabi rin naman Niya sa mga kalipunan, Kapag nakita ninyo ang alapaap na bumabangon sa kanluran, agad ninyong sinasabi na uulan, at gayon ang nangyayari;
55 At kung ang hanging timugan ay umiihip, sinasabi ninyo na iinit na maigi, at ito ay nangyayari.
56 Mga 1mapagpaimbabaw! Alam ninyo kung paano 2aninawin ang 3anyo ng lupa at ng langit; 4bakit hindi ninyo 5maaninaw ang panahong ito?
57 At bakit naman hindi ninyo pagpasiyahan sa inyong 1sarili kung ano ang matuwid?
58 1Sapagka’ t samantalang pumaparoon ka sa mahistrado kasama ang iyong kaalit, 2sikapin mong makalaya mula sa kanya habang daan, baka kaladkarin ka niya sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at itapon ka ng punong kawal sa bilangguan.
59 Sinasabi Ko sa inyo, hindi ka makalalabas sa anumang paraan mula roon hanggang sa mabayaran mo ang kahuli-hulihang 1baryang tanso.