Lucas
KAPITULO 10
3. Humihirang ng Pitumpung Disipulo Upang Ipalaganap ang Kanyang Ministeryo
10:1-24
1 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, humirang ang Panginoon ng 1pitumpu pa, at sila ay sinugo ng 2dala-dalawa sa unahan ng Kanyang mukha, sa bawa’t lunsod at dako na Kanya Mismong paroroonan.
2 At sinabi Niya sa kanila, Sa katotohanan ay marami ang aanihin, datapuwa’t kakaunti ang mga manggagawa; kaya’t 1magsumamo kayo sa Panginoon ng aanihin na magpalabas Siya ng mga manggagawa sa Kanyang aanihin2.
3 Magsiyaon kayo sa inyong lakad; tingnan ninyo, isinusugo Ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo.
4 1Huwag kayong magdala ng supot ng salapi, ni ng supot ng pagkain, ni ng mga panyapak man; at huwag bumati sa kaninuman sa daan.
5 At sa alinmang bahay na inyong pasukan ay sabihin muna ninyo, 1Kapayapaan sa bahay na ito.
6 At kung mayroon doong 1anak ng kapayapaan, ang inyong kapayapaan ay mananatili 2sa kanya; datapuwa’t kung wala, babalik ito sa inyo.
7 At magsipanatili kayo sa bahay ring yaon, kainin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay; sapagka’t ang manggagawa ay marapat sa kanyang kaupahan. Huwag kayong magpalipat-lipat sa bahay-bahay.
8 At sa alinmang lunsod na inyong pasukan, at kayo ay kanilang tanggapin, kainin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo.
9 At pagalingin ninyo ang mga maysakit na nangaroroon, at sabihin ninyo sa kanila, Ang 1kaharian ng Diyos ay malapit na sa inyo.
10 Datapuwa’t sa alinmang lunsod na inyong pasukan at hindi kayo tanggapin, magsilabas kayo sa kanilang mga lansangan at inyong sabihin,
11 Pati ang alabok ng inyong lunsod na kumakapit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin laban sa inyo; gayon man ay inyong talastasin ito, na ang kaharian ng Diyos ay malapit na.
12 Sinasabi Ko sa inyo na sa araw na yaon ay 1higit na mapagpapaumanhinan ang Sodoma kaysa sa lunsod na yaon.
13 Sa aba mo, Corazin! Sa aba mo, Betsaida! Sapagka’t kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo ay maluwat na rin silang nangakapagsisi, na nangauupo sa kayong magaspang at abo.
14 Datapuwa’t sa paghuhukom, higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon kaysa sa inyo.
15 At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka ba hanggang sa langit? Ikaw ay ibababa hanggang sa 1Hades!
16 Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa Akin at ang nagtatakwil sa inyo ay nagtatakwil sa Akin; at ang nagtatakwil sa Akin ay nagtatakwil sa kanya na nagsugo sa Akin.
17 At nagsibalik ang pitumpu na may kagalakan, na nangagsasabi, Panginoon, pati ang mga demonyo ay nagsisuko sa amin sa Iyong pangalan.
18 At sinabi Niya sa kanila, Tinitingnan Ko si Satanas nang siya ay 1nahulog na gaya ng kidlat mula sa langit.
19 Tingnan ninyo, binigyan Ko kayo ng 1awtoridad na inyong yurakan ang 2mga ahas at ang 2mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng 1kapangyarihan ng kaaway; at sa anumang paraan ay hindi kayo maaano.
20 Gayunman ay huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo, kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa mga kalangitan.
21 1Nang oras ding yaon Siya ay lubhang nagalak sa Espiritu Santo, at sinabi, Ako ay nagpupuri sa Iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sa dahilang Iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag Mo sa mga sanggol; gayon nga Ama, sapagka’t gayon ang nakalulugod sa Iyong paningin.
22 Ang lahat ng bagay ay ibinigay sa Akin ng Aking Ama, at walang nakakikilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.
23 At paglingon sa mga disipulo, sinabi Niya nang bukod, Pinagpala ang mga matang nangakakikita ng mga bagay na inyong nakikita.
24 Sapagka’t sinasabi Ko sa inyo na maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng mga bagay na inyong nakikita, at hindi nila nakita, at makarinig ng mga bagay na inyong naririnig, at hindi nila narinig.
4. Inilalarawan ang Kanyang Sarili bilang Mabuting Samaritano na may Pinakamataas na Moralidad
10:25-37
25 At tingnan, isang tagapagtanggol ng kautusan ang tumindig at Siya ay sinubukan, na sinasabi, Guro, 1ano ang aking gagawin upang 2magmana ng walang hanggang buhay?
26 At sinabi Niya sa kanya, Ano ang nakasulat sa kautusan? Ano ang nababasa mo?
27 At sumagot siya at nagsabi, Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng iyong 1buong puso, at ng iyong 2buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas, at ng iyong buong pag-iisip, at ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.
28 At sinabi Niya sa kanya, Matuwid ang sagot mo; gawin mo ito, at mabubuhay ka.
29 Datapuwa’t siya, na ibig magmatuwid sa 1kanyang sarili, ay nagsabi kay Hesus, At sino naman ang aking kapwa?
30 Sumagot si Hesus at sinabi, May 1isang tao na 2bumababa mula sa 3Herusalem patungo sa 3Jerico, at siya ay nahulog sa kamay ng mga 4tulisan, na matapos siyang 5samsaman at 6hampasin, ay nagsialis, 7iniwanan siyang halos patay na.
31 At nagkataon, ang isang 1saserdote ay bumababa sa daang yaon, at nang matingnan siya, siya ay dumaan sa kabilang tabi.
32 At sa gayon ding paraan ang isang 1Levita naman, nang pababa siya sa dakong yaon at nang matingnan siya, ay dumaan sa kabilang tabi.
33 Datapuwa’t ang isang 1Samaritano, sa kanyang paglalakbay, ay sumapit sa kinaroroonan niya, at pagkakita sa kanya ay nagdalang-habag;
34 At sa paglapit sa kanya, 1tinalian niya ang kanyang mga sugat, binuhusan ang mga ito ng langis at alak. At siya ay isinakay sa kanyang sariling hayop, dinala siya sa isang bahay-tuluyan at siya ay inalagaan.
35 At kinabukasan, dumukot siya ng dalawang 1denario, ibinigay ang mga ito sa katiwala ng bahay-tuluyan at sinabi sa kanya, Alagaan mo siya; at anumang magugol mo nang higit, sa aking pagbabalik ay babayaran kita.
36 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang 1nagpakilala bilang isang kapwa-tao sa kanya na nahulog sa kamay ng mga tulisan?
37 At sinabi niya, 1Ang nagpakita ng awa sa kanya. At sinabi sa kanya ni Hesus, Humayo ka at gayundin ang gawin mo.
5. Tinanggap ni Marta sa Bitania
10:38-42
38 Ngayon sa pagyaon nila, Siya ay pumasok sa isang 1nayon; at isang babaeng nagngangalang 2Marta ang tumanggap sa Kanya bilang isang panauhin sa kanyang tahanan.
39 At siya ay may isang kapatid na tinatawag na 1Maria, na naupo rin naman sa paanan ng Panginoon at nakikinig sa Kanyang salita.
40 Nguni’t si Marta ay 1naligalig sa maraming paglilingkod; at siya ay lumapit sa Kanya, at sinabi, Panginoon, wala bang anuman sa Iyo na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na mag-isa? Iutos Mo nga sa kanya na ako ay tulungan niya.
41 Datapuwa’t sumagot ang Panginoon at sinabi sa kanya, Marta, Marta, nababalisa ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay;
42 Datapuwa’t isang bagay ang kinakailangan; sapagka’t pinili ni Maria ang 1mabuting bahagi, na hindi aalisin sa kanya.