Judas
KAPITULO 1
I. Pambungad-Sa mga Tinawag, mga Minamahal at mga Iniingatan
bb. 1-2
1 Si 1Judas, isang alipin ni Hesu-Kristo, at kapatid ni 1Santiago, sa mga tinawag, na mga sa Diyos Ama at mga iniingatan 2sa pamamagitan ni Hesu-Kristo:
2 Nawa ang 1kaawaan at pag-ibig ay sumagana sa inyo.
II. Nakikipaglaban para sa Pananampalataya
b. 3
3 Mga minamahal, samantalang ako ay talagang nagsisikap na sumulat sa inyo tungkol sa ating 1pangkalahatang kaligtasan, nasumpungan kong kinakailangang sumulat sa inyo, na nananawagan na kayo ay makipaglaban para sa 2pananampalataya na ibinigay nang minsan at magpakailanman sa mga banal.
III. Ang mga Erehiya ng mga Nagsitalikod—sa-wastong-pananampalataya
b. 4
4 1Sapagka’t may ilang taong 2anagsipasok nang lihim, yaong mga nakatalang itinalaga noong una pa sa 3kahatulang ito, mga taong bdi-makadiyos na 4nagpalit ng 5ckahalayan sa dbiyaya ng ating Diyos, at 4enagtatwa sa 6ating iisang Amo at Panginoong si Hesu-Kristo.
IV. Mga Pangkasaysayang Halimbawa ng Kahatulan ng Panginoon sa Taliwas at Maling Pananampalataya
bb. 5-7
5 Ninanasa ko ngang ipaalala sa inyo, bagama’t minsan hanggang magpakailanman ay nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas 1ng Panginoon ang isang bayan palabas sa lupain ng Ehipto, 2pagkatapos ay 3nilipol Niya yaong mga hindi nagsisisampalataya.
6 At ang mga anghel na hindi nangag-ingat ng kanilang sariling 1pamunuan, kundi nangag-iwan ng kanilang 2sariling tahanan, ay pinigilan Niya sa mga walang hanggan sa 3ilalim ng kadiliman para sa 4paghuhukom sa dakilang araw;
7 1Gaya rin ng Sodoma at Gomorra at ng mga lunsod na nasa palibot ng mga ito, na sa magkatulad na paraan kasama ng mga ito ay nagpakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na nagbabatà ng parusang apoy na walang hanggan.
V. Ang mga Kasamaan ng mga Nagsitalikod—sa-wastong-pananampalataya at ang Kaparusahan sa Kanila sa ilalim ng Kahatulan ng Panginoon
bb. 8-19
8 Gayunman sa ganitong paraan dinurungisan ng 1mga mapangarapin ding ito ang laman at hinahamak ang 2pagkapanginoon, at nilalait ang mga 3pinuno.
9 Datapuwa’t si 1Miguel na arkanghel, nang makipaglaban sa Diyablo, nang makipagtalo hinggil sa 2katawan ni Moises, ay 3hindi nangahas gumamit ng isang hatol na may pag-alipusta laban sa kanya, kundi nagsabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon.
10 Datapuwa’t ang 1mga ito ay nang-aalipusta sa anumang bagay na hindi nila 2nalalaman; at sa anumang bagay na 3likas nilang 2nauunawaan, gaya ng mga 4hayop na 5walang bait, 6sa mga ito sila ay 7nasisira.
11 Sa aba nila! Sapagka’t sila ay yumaon sa 1daan ni Cain, at 2nagsidaluhong nang walang pagpipigil sa 3kamalian ni Balaam dahil sa upa, at 4nangapahamak sa 5pagrerebelde ni Core.
12 Ang mga ito ay pawang mga 1batong natatago sa inyong mga 2piging ng pag-ibig, nakikipagpiging kasama ninyo nang walang takot, mga pastol na 3nagpapakain sa kanilang mga sarili, mga 4alapaap na walang tubig, na tinatangay ng mga hangin, mga 5punong-kahoy sa taglagas na walang bunga, na makalawang namatay, na nabunot pati ugat;
13 Mga 1mabangis na alon sa dagat, na pinabubula ang kanilang sariling kahihiyan, mga 2bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailanman.
14 At ang mga ito naman ang ipinropesiya ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi: Narito, 1dumating ang Panginoon na 2kasama ang Kanyang mga 3laksa-laksang banal,
15 Upang isagawa ang 1paghuhukom laban sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng di-makadiyos hinggil sa lahat ng kanilang mga gawang di-makadiyos na kanilang ginawa sa paraang di-makadiyos, at hinggil sa lahat ng mga bagay na matigas na sinalita laban sa Kanya ng mga di-makadiyos na makasalanan.
16 Ang mga ito ay mga mapagbulúng-bulóng, mga madaingin, na nagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita; at ang kanilang bibig ay nagsasalita ng mga kapalaluan, nangagpapakita-ng-galang sa mga 1tao dahil sa kapakinabangan.
17 Nguni’t kayo, mga minamahal, alalahanin ninyo ang mga salitang noong una ay sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Hesu-Kristo,
18 Na kanilang sinabi sa inyo, Sa 1huling panahon ay magkakaroon ng mga manunuya, na magsisilakad ayon sa kani-kanilang mga di-makadiyos na pita.
19 Ang mga ito ang nagsisigawa ng paghihiwalay, 1makakaluluwa, na walang taglay na 2espiritu.
VI. Ang Pag-aatas sa mga Mananampalataya
bb. 20-23
A. Itinatayo ang mga Sarili sa Pinakabanal na Pananampalataya at Namumuhay sa loob ng Tres-unong Diyos
bb. 20-21
20 Nguni’t kayo, mga minamahal, na itinatayo ang inyong mga sarili sa inyong pinakabanal na 1pananampalataya, nananalangin sa loob ng Espiritu Santo,
21 1Ingatan ninyo ang inyong sarili sa loob ng pag-ibig ng Diyos, hinihintay ang 2awa ng ating 3Panginoong Hesu-Kristo 4tungo sa buhay na walang hanggan.
B. Inaalagaan ang Iba nang may Awa sa loob ng Takot
bb. 22-23
22 At 1kaawaan ninyo ang ilan na nag-aalinlangan;
23 Iligtas sila, 1inaagaw sila mula sa 2apoy; sa iba ay maawa kayo 3sa loob ng takot, na kapootan pati ang damit na nadungisan ng laman.
VII. Konklusyon-
Ang Papuri ay para sa Kanya na may Kakayahang Mag-ingat at Magharap sa mga Mananampalataya sa Kanyang Kaluwalhatian
bb. 24-25
24 1Datapuwa’t sa Kanya na may kakayahang mag-ingat sa inyo mula sa pagkatisod, at magharap sa inyo sa Kanyang 2kaluwalhatian nang walang kapintasan 3sa loob ng 4malaking kagalakan,
25 Sa iisang 1Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni 1Hesu-Kristo na ating Panginoon, suma Kanya ang 2kaluwalhatian, ang kamahalan, ang kapangyarihan, at ang awtoridad 3bago pa ang lahat ng panahon, at ngayon, at hanggang sa kawalang-hanggan. Amen.