KAPITULO 2
1 1
Ang araw ng pagkabuhay na muli (1 Cor. 15:4).
1 2Ang pag-aasawa ay sumasagisag sa pagpapatuloy ng pantaong buhay, at ang isang kasalan (piging) ay sumasagisag sa kasiyahan at pagtatamasa sa pantaong buhay.
1 3Ang Cana ay nangangahulugang isang lupain ng mga tambo, at ang mga tambo ay sumasagisag sa mahihina at marurupok na tao (Isa. 42:3a; Mat. 12:20a; 11:7).
1 4Ang Galilea ay isang pook na hinamak ng mga tao (Juan 7:52).
3 1Ang alak, ang katas ng buhay ng ubas, ay sumasagisag sa buhay. Kaya, ang alak na nauubos ay sumasagisag sa nauubos na buhay ng tao.
3 2Ang ina ni Hesus ay sumasagisag sa natural na tao, na walang kinalaman sa buhay (b. 4) na dapat na masupil ng buhay (b. 5).
4 1Sa Griyego, isang magalang at magiliw na kataga.
4 2Isang kawikaang Hebreo na nangangahulugang “ano ang pakialam Ko sa iyo?”
5 1Gr. Diakono . Gayundin sa b. 9; isinaling “lingkod” sa 12:26.
6 1Ang anim na tapayang bato ay sumasagisag sa nilikhang tao, sapagkat ang tao ay nilikha sa ikaanim na araw (Gen. 1:27, 31).
6 2Ang kaugaliang paglilinis ng mga Hudyo na ginagamitan ng tubig ay sumasagisag sa pagtatangka ng relihiyon na linisin ang mga tao sa pamamagitan ng mga patay na gawi. Subalit pinapalitan ng Panginoon ng buhay ang kamatayan.
6 3Ang dalawa o tatlong sukat ay katumbas ng dalawampu o tatlumpung galon.
7 1Ang tubig dito ay sumasagisag sa kamatayan, katulad ng nasa Gen. 1:2, 6; Exo. 14:21, at Mat. 3:16a.
9 1Ang pagbago sa tubig tungo sa pagiging alak ay sumasagisag sa pagpapalit sa kamatayan tungo sa pagiging buhay.
11 1Ang unang pagbanggit ng anuman sa mga Kasulatan ay nagtatalaga ng prinsipyo ng bagay na yaon. Samakatwid, ang unang tanda rito ay nagtatalaga ng prinsipyo ng lahat ng sumusunod na tanda, yaon ay, ang palitan ng buhay ang kamatayan.
Sa mga Kasulatan, sa matalinghagang pananalita, ang puno ng buhay ay ang pinagmumulan ng buhay, at ang puno ng kaalaman ay ang pinagmumulan ng kamatayan, tulad ng inihayag sa Gen. 2:9, 17. Sa lahat ng mga pangyayaring naitala sa Ebanghelyo ni Juan, ang kahulugan ay palaging tumutugon, sa prinsipyo, sa puno ng buhay na nagreresulta sa buhay, at sa puno ng kaalaman na nagreresulta sa kamatayan.
11 2Sa aklat na ito lahat ng himala na ginawa ng Panginoon ay tinawag na mga tanda (b. 23; 3:2; 4:54; 6:2, 14, 26, 30; 7:31; 9:16; 10:41; 11:47; 12:18, 37; 20:30). Ang mga ito ay mga himala, subalit ang mga ito ay ginamit bilang mga tanda upang sumagisag sa mga bagay ng buhay.
11 3Ang pagka-Diyos ng Panginoon ay naihayag dito.
11 4Lit., tungo sa loob Niya.
12 1Ganito ring salitang Griyego ang ginamit para sa “tumatahan” sa 14:17 at para sa “manatili” sa 15:4, 5, 6, 7, 9, 10.
14 1Gr. hieron, ang buong looban ng templo.
15 1Ang kasong ito ng paglilinis ng templo ay naghahayag ng layunin ng buhay, yaon ay, ang buhay ay para sa pagtatayo ng bahay ng Diyos.
15 2Lit., lubid na gawa sa isang uri ng halaman na katulad ng “straw.”
17 1O, kakainin Ako, uubusin Ako.
19 1Gr. naos, ang panloob na templo. Katulad ng nasa bb. 20, 21.
19 2Ang “sa loob ng tatlong araw” ay sumasagisag sa pagkabuhay na muli.
23 1Lit. Tungo sa loob ng.