Juan
KAPITULO 2
B. Ang Prinsipyo ng Buhay at Layunin ng Buhay
2:1-22
1. Ang Prinsipyo ng Buhay-Palitan ng Buhay ang Kamatayan
bb. 1-11
a. Si Kristo, Dumarating sa loob ng Pagkabuhay na muli tungo sa mga Tao sa Kanilang Pagtatamasa
bb. 1-2
1 At nang 1ikatlong araw ay nagkaroon ng isang 2kasalan sa 3Cana ng 4Galilea, at naroon ang ina ni Hesus.
2 At inanyayahan din naman si Hesus, at ang Kanyang mga disipulo, sa kasalan.
b. Ang Pantaong Buhay ng Tao ay Nauubos, at ang Kanilang Katauhan ay Napupunuan ng Kamatayan
bb. 3-7
3 At nang maubos ang 1alak, ang 2ina ni Hesus ay nagsabi sa Kanya, Wala silang alak.
4 At sinabi sa kanya ni Hesus, 1Babae, 2ano sa Akin at sa iyo? Ang Aking oras ay hindi pa dumarating.
5 Sinabi ng Kanyang ina sa mga 1alila, Gawin ninyo ang anumang sabihin Niya sa inyo.
6 Mayroon nga roong 1anim na tapayang bato na nalalagay alinsunod sa 2kaugaliang paglilinis ng mga Hudyo, na naglalaman ng 3dalawa o tatlong sukat ang bawa’t isa.
7 Sinabi sa kanila ni Hesus, Punuin ninyo ng 1tubig ang mga tapayan. At kanilang pinuno ang mga yaon hanggang sa labi.
c. Ang Kamatayan ng Tao Pinapalitan ni Kristo ng Buhay na Walang Hanggan
bb. 8-11
8 At sinabi Niya sa kanila, Kunin ninyo ngayon, at inyong dalhin sa pangulo ng kapistahan. At kanilang dinala.
9 At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang 1tubig na naging alak, na hindi niya nalalaman kung saan buhat, datapuwa’t nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig, tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake,
10 At sinabi sa kanya, Ang bawa’t tao ay unang naghahain ng mabuting alak, at kapag nangakainom na nang mabuti ang mga tao, saka naghahain ng higit na mababa ang uri; iyong itinira ang mabuting alak hanggang ngayon.
11 Ang 1pasimulang ito ng 2mga tanda ay ginawa ni Hesus sa Cana ng Galilea, at 3naghayag ng Kanyang kaluwalhatian, at nagsisampalataya 4sa Kanya ang Kanyang mga disipulo.
2. Ang Layunin ng Buhay-Itayo ang Bahay ng Diyos
bb. 12-22
a. Nililinis ni Kristo ang Templo
bb. 12-17
12 Pagkatapos nito ay bumaba Siya sa Capernaum, Siya at ang Kanyang ina, at ang Kanyang mga kapatid na lalake, at ang Kanyang mga disipulo; at sila ay 1nangatira roon nang ilang araw.
13 At malapit na ang Paskua ng mga Hudyo, at umakyat si Hesus sa Herusalem.
14 At Kanyang nasumpungan sa 1templo yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo.
15 At 1pagkagawa Niya ng isang panghampas na yari sa 2mga lubid, Kanyang itinaboy ang lahat, kapwa ang mga tupa at ang mga baka, palabas ng templo, at isinabog Niya ang salapi ng mga mamamalit at itinaob ang kanilang mga dulang;
16 At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi Niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawing bahay-kalakal ang bahay ng Aking Ama.
17 Napag-alaala ng Kanyang mga disipulo na nasusulat, 1Lalamunin Ako ng sikap ng Iyong bahay.
b. Ang Katawan ni Hesus, ang Templo, Giniba at Ibinangon sa loob ng Pagkabuhay na muli
bb. 18-22
18 Ang mga Hudyo nga ay sumagot at nagsabi sa Kanya, Anong tanda ang ipakikita Mo sa amin, yamang ginawa Mo ang mga bagay na ito?
19 Sumagot si Hesus at sa kanila ay sinabi, Gibain ninyo ang 1templong ito, at Aking itatayo ito 2sa loob ng tatlong araw.
20 Sinabi nga ng mga Hudyo, Apatnapu’t anim na taong itinayo ang templong ito, at itatayo Mo ito sa loob ng tatlong araw?
21 Datapuwa’t sinalita Niya ang tungkol sa templo ng Kanyang katawan.
22 Nang magbangon nga Siya mula sa mga patay, naalaala ng Kanyang mga disipulo na sinalita Niya ito, at nagsisampalataya sila sa Kasulatan at sa salitang sinabi ni Hesus.
C. Ang Buhay Tinutugunan ang Kinakailangan ng Bawa’t Kaso ng Tao
2:23-11:57
1. Ang Kinakailangan ng Moral-Pagsisilang na muli ng Buhay
2:23-3:36
a.Ipinagkakatiwala ng Panginoon ang Kanyang Sarili Hindi sa mga Himala Kundi sa Buhay
2:23-3:1
23 Nang Siya nga ay nasa Herusalem nang Paskua, sa loob ng panahon ng kapistahan, marami ang mga nagsisampalataya 1sa Kanyang pangalan, pagkakita nila sa mga tandang Kanyang ginawa.
24 Datapuwa’t sa Kanyang Sarili, hindi rin ipinagkatiwala ni Hesus ang Kanyang Sarili sa kanila, sapagka’t nakikilala Niya ang lahat ng mga tao,
25 Sapagka’t hindi Niya kinakailangan ang sinuman na magpatotoo tungkol sa tao; sapagka’t nalalaman Niya Mismo ang nasasaloob ng tao.