Juan
KAPITULO 1
I. Ang Walang Hanggang Salita na Naging Laman, Dumarating upang
Dalhin ang Diyos tungo sa loob ng Tao
Mga Kapitulo
1-13
A. Pambungad ukol sa Buhay at Pagtatayo
1:1-51
1. Ang Salita sa Kawalang-hanggang Lumipas na Siyang Diyos,
Dumaan sa Hakbangin ng Pagiging Nilikha, Pumarito bilang Buhay
at Liwanag upang Ibunga ang mga Anak ng Diyos
bb. 1-13
1 1Sa pasimula ay ang 2Salita, at ang Salita ay 3kasama ng Diyos, at ang 4Salita ay 5Diyos.
2 1Siya 2sa pasimula ay kasama ng Diyos.
3 Ang lahat ng bagay ay umiral sa pamamagitan Niya, at hiwalay sa Kanya, walang anumang bagay na umiral na napairal.
4 Nasa Kanya ang 1buhay, at ang buhay ay siyang 2ilaw ng mga tao.
5 At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman, at ito ay hindi nadaig ng kadiliman.
6 Naparito ang isang tao, 1isinugo mula sa Diyos, na ang pangalan ay Juan.
7 Siya ay naparito para sa isang patotoo, upang kanyang patotohanan ang hinggil sa ilaw, upang sa pamamagitan niya ay magsisampalataya ang lahat.
8 Hindi siya ang ilaw, kundi naparito siya upang magpatotoo hinggil sa ilaw.
9 Ang tunay na ilaw ay yaong dumarating sa sanlibutan na 1nililiwanagan ang bawa’t tao.
10 Siya ay nasa sanlibutan, at ang sanlibutan ay umiral sa pamamagitan Niya, subali’t hindi Siya nakilala ng sanlibutan.
11 Siya ay naparito sa mga Sariling Kanya, at Siya ay hindi tinanggap ng mga Sariling Kanya.
12 Datapuwa’t ang lahat ng sa Kanya ay 1nagsitanggap, sa kanila ay ipinagkaloob Niya ang awtoridad na maging mga 2anak ng Diyos, samakatwid ay ang mga 1nagsisisampalataya 3sa Kanyang pangalan:
13 Na mga ipinanganak, hindi 1sa 2dugo, ni 1sa 2kalooban ng laman, ni 1sa 2kalooban ng tao, kundi 1ng Diyos.
2. Ang Salita ay Naging Laman, Nananagana sa Kapuspusan ng Biyaya
At Realidad upang sa loob ng Bugtong na Anak ng Diyos
ay Maihayag ang Diyos
bb. 14-18
14 At ang 1Salita ay naging 2laman at 3nagtabernakulo sa gitna natin (at 4nakita namin ang Kanyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang gaya ng sa isang Bugtong 5mula sa isang Ama), na puspos ng 6biyaya at 6realidad.
15 Si Juan ay nagpatotoo hinggil sa Kanya at sumigaw, na nagsasabi, Ito yaong aking sinasabi, Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin, sapagka’t Siya ay una sa akin.
16 Sapagka’t 1sa Kanyang kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat, at biyaya sa biyaya.
17 Sapagka’t ang 1kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises; ang 1biyaya at ang 1realidad ay 2nagsidating sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.
18 Walang taong nakakita kailanman sa Diyos; ang 1Bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, Siya ang 2naghayag sa Kanya.
3. Si Hesus bilang ang Kordero ng Diyos, kasama ang Espiritu Santo
na Katulad ng Kalapati, Ginagawa ang mga Mananampalataya
na mga Bato para sa Pagtatayo ng Bahay ng Diyos kasama ang Anak ng Tao
bb. 19-51
a. Ang Relihiyon Naghahanap ng isang Dakilang Tagapamuno
bb. 19-28
19 At ito ang patotoo ni Juan, nang magpasugo sa kanya ang mga Hudyo mula sa Herusalem ng mga saserdote at mga Levita upang sa kanya ay itanong, Sino ka ba?
20 At siya ay nagpahayag at hindi nagkaila, at ipinahayag niya, hindi ako ang Kristo.
21 At sa kanya ay kanilang itinanong, Kung gayon ay ano nga? Ikaw ba ay si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw ba ang propeta? At siya ay sumagot, Hindi.
22 Kanila ngang sinabi sa kanya, Sino ka ba, upang makapagbigay kami ng kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili?
23 Sinabi niya, Ako ay isang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.
24 Ngayon naman yaong mga isinugo ay buhat sa mga Fariseo.
25 At sa kanya ay kanilang itinanong at sinabi, Bakit nga nagbabautismo ka kung hindi ikaw ang Kristo, ni si Elias, ni ang propeta?
26 Sila ay sinagot ni Juan, na nagsasabi, Ako ay nagbabautismo sa tubig; datapuwa’t sa gitna ninyo ay may Isang nakatayo na hindi ninyo nakikilala.
27 Siya nga ang pumaparitong nasa hulihan ko, na kung kaninong panali ng panyapak ay hindi ako karapat-dapat na magkalag.
28 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa 1Betania, sa dako pa roon ng Jordan, na pinagbabautismuhan ni Juan.
b. Si Hesus ipinakilala bilang isang Kordero na may kasamang isang kalapati
bb. 29-34
29 Kinabukasan ay nakita ni Juan si Hesus na lumalapit sa kanya, at nagsabi, Tingnan ninyo, ang 1Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!
30 Ito yaong aking sinasabi, Sa hulihan ko ay dumarating ang isang Lalake na magiging una sa akin, sapagka’t Siya ay una sa akin.
31 At Siya ay hindi ko nakilala, datapuwa’t upang Siya ay mahayag sa Israel, naparito ako na nagbabautismo sa tubig.
32 At nagpatotoo si Juan na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang 1kalapati na buhat sa langit, at Siya ay nanahan 2sa Kanya.
33 At Siya ay hindi ko nakilala, datapuwa’t Siya na nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ang Siyang nagsabi sa akin, Siya na makita mong babaan ng Espiritu, at manahan Ito sa Kanya, Siya na nga ang nagbabautismo sa Espiritu Santo.
34 At aking nakita, at napatotohanan na ito ang Anak ng Diyos.
c. Namumunga ng mga Bato para sa Pagtatayo ng Diyos
bb. 35-51
35 Muli, kinabukasan, si Juan at ang dalawa sa kanyang mga disipulo ay nakatayo.
36 At sa pagkakita kay Hesus samantalang Siya ay naglalakad, kanyang sinabi, masdan ninyo, ang Kordero ng Diyos!
37 At narinig siyang magsalita ng dalawang disipulo, at sila ay nagsisunod kay Hesus.
38 At lumingon si Hesus, at nakita silang nagsisunod, at sinabi sa kanila, Ano ang inyong hinahanap? At sinabi nila sa Kanya, Rabi (na kung isasalin ay nangangahulugang Guro), saan Ka nakatira?
39 Sinabi Niya sa kanila, Magsiparito kayo, at inyong makikita. Nagsiparoon nga sila at nakita kung saan Siya nakatira, at sila ay nagsitirang kasama Niya nang araw na yaon. Noon ay 1mag-iikasampu na ang oras.
40 Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan at sumunod sa Kanya ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.
41 Una niyang nasumpungan ang kanyang sariling kapatid na si Simon, at sa kanya ay sinabi, Nasumpungan namin ang 1Mesiyas (na kung isasalin ay nangangahulugang 1Kristo).
42 Siya ay kanyang dinala kay Hesus. Tiningnan siya ni Hesus at nagsabi, Ikaw ba si Simon na anak ni Juan; tatawagin kang Cefas (na kung isasalin ay nangangahulugang isang 1bato).
43 Kinabukasan ay nagpasiya Siyang pumaroon sa Galilea, at Kanyang nasumpungan si Felipe; at sa kanya ay sinabi ni Hesus, Sumunod ka sa Akin.
44 Si Felipe nga ay taga-Betsaida, sa lunsod ni Andres at ni Pedro.
45 Nasumpungan ni Felipe si Natanael, at sinabi sa kanya, Nasumpungan namin Yaong isinulat ni Moises sa kasulatan at gayon din ng mga propeta, si Hesus 1taga-Nazaret, ang anak ni Jose.
46 At sinabi sa kanya ni Natanael, Mangyayari bang lumitaw ang anumang magaling na bagay sa Nazaret? Sinabi sa kanya ni Felipe, Pumarito ka at tingnan mo.
47 Nakita ni Hesus si Natanael na lumalapit sa Kanya at nagsabi tungkol sa kanya, Tingnan ninyo, isang tunay na Israelita, na sa kanya ay walang daya!
48 Sinabi sa kanya ni Natanael, Paano mo ako nakilala? Si Hesus ay sumagot at nagsabi sa kanya, Bago ka tinawag ni Felipe, nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos, ay nakita kita.
49 Sumagot si Natanael sa Kanya, Rabi, Ikaw ang Anak ng Diyos; Ikaw ang 1Hari ng Israel.
50 Si Hesus ay sumagot at nagsabi sa kanya, Dahil ba sa sinabi Ko sa iyo na nakita kita sa ilalim ng puno ng igos kaya ka sumasampalataya? Makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kaysa rito.
51 At sinabi Niya sa kanya, 1Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, makikita ninyong 2bukas ang langit at ang mga anghel ng Diyos na nagmamanhik-manaog sa 3Anak ng Tao.