Ang Sumulat: Batay sa malalim at mayamang nilalaman ng aklat na ito, wala ni isa ang kwalipikadong sumulat nito maliban kay Pablo. Binanggit sa 13:23 ang tungkol kay Timoteo; ang tono ng pagsasalamuha ay nagpapatibay rin na ang aklat na ito ay isinulat ni Pablo. Ang dahilan kung bakit hindi binanggit ng aklat na ito ang sumulat ay masusumpungan sa tala 11 ng kapitulo 1.
Panahon ng Pagkasulat: Malamang ay noong 67 A.D., pagkatapos mapalaya si Apostol Pablo sa kanyang unang pagkabilanggo sa Roma, at nanatili sa Mileto (II Tim. 4:20).
Lugar ng Pinagsulatan: Malamang ay sa Mileto (gaya ng binanggit sa II Tim. 4:20). Binanggit ng 13:24 ang mga nagmula sa Italya, nagpapatunay na ang aklat na ito ay hindi isinulat sa Roma.
Ang Tumanggap: Ayon sa mga nilalaman ng aklat na ito, malinaw na ito ay para sa mga mananampalatayang Hebreo.
Paksa: Si Kristo, Nakahihigit sa Hudaismo at sa Lahat ng mga Bagay Nito; ang Kanyang Isinakatuparang Bagong Tipan, Higit na Magaling kaysa Lumang Tipan
BALANGKAS
I. Pambungad—Ang Diyos Nagsasalita sa loob ng Anak (1:1-3)
II. Ang Kahigtan ni Kristo (1:4—10:39)
A. Nakahihigit sa mga Anghel (1:4 — 2:18)
1. Bilang ang Anak ng Diyos — bilang Diyos (1:4-14)
[Ang Unang Babala—Bigyang-pansin ang ipinangusap na salita tungkol sa Anak (2:1-4)]
2. Bilang ang Anak ng Tao—bilang Tao (2:5-18)
B. Nakahihigit kay Moises, Isang Apostol na Karapat-dapat sa Higit na Kaluwalhatian at Karangalan (3:1-6)
[Ang Ikalawang Babala—Huwag na hindi makaabot sa ipinangakong kapahingahan (3:7— 4:13)]
C. Nakahihigit kay Aaron (4:14—7:28)
1. Isang Mataas na Saserdote ayon sa Orden ni Melquisedec (4:14 — 5:10)
[Ang Ikatlong Babala – Magpatuloy upang Gumulang (5:11—6:20)]
2. Ang Mataas na Saserdoteng Walang Hanggan, Dakila, Buháy, at Makapagliligtas (7:1-28)
D. Ang Bagong Tipan ni Kristo Nakahihigit sa Lumang Tipan (8:1—10:18)
1. Isang Lalong Magaling na Tipan ng Lalong Mabubuting Pangako na may Lalong Ekselenteng Ministeryo (8:1-13)
2. Lalong Mabubuting Handog at Lalong Magaling na Dugo kasama ang Lalong Malaki at Lalong Sakdal na Tabernakulo (9:1-10:18)
[Ang Ikaapat na Babala—Magsilapit sa Dakong Kabanal-banalan at huwag uurong pabalik sa Hudaismo (10:19-39)]
III. Ang Pananampalataya—Ang Namumukod-tanging Daan (11:1-40)
A. Ang Kahulugan ng Pananampalataya (b. 1)
B. Ang mga Saksi ng Pananampalataya (bb. 2-40)
[Ang Ikalimang Babala — Takbuhín ang takbuhin at huwag mahulog nang palayo sa biyaya (12:1-29)]
IV. Ang mga Kagalingan para sa Buhay-ekklesia (13:1-19)
A. Ang Anim na Aytem para sa Pagsasagawa (bb. 1-7)
B. Mga Karanasan kay Kristo (bb. 8-15)
C. Ang Apat pang Bagay na Kinakailangan (bb. 16-19)
V. Konklusyon (13:20-25)