Hebreo
KAPITULO 8
D. Ang Bagong Tipan ni Kristo
Nakahihigit sa Lumang Tipan
8:1-10:18
1. Isang Lalong Magaling na Tipan ng Lalong Mabubuting
Pangako na may Lalong Ekselenteng Ministeryo
8:1-13
1 Ngayon ang pinakamahalagang punto nga sa mga bagay na aming sinasabi ay ito: tayo ay may gayong Mataas na Saserdote, na nakaupo sa kanan ng trono ng Kamahalan sa mga 1kalangitan,
2 Isang 1Ministro ng 2mga dakong banal, maging ng tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.
3 Sapagkat ang bawat mataas na saserdote ay itinalaga upang maghandog kapwa ng mga 1kaloob at ng mga hain; kaya kinakailangan din naman na ang Isang ito ay magkaroon ng bagay na Kanyang maihahandog.
4 Kung Siya man nga ay nasa lupa, ni hindi Siya magiging isang saserdote, dahil mayroon nang nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan;
5 Na nagsisilbing 1halimbawa at anino ng mga makalangit na bagay, gaya naman ng si Moises ay pinagsabihan ng Diyos nang malapit na niyang gawin ang tabernakulo: sapagkat sinabi Niya, Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon sa huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.
6 Datapuwa’t ngayon ay nakamtan Niya ang lalong ekselenteng 1ministeryo; yamang Siya naman ay 2Tagapamagitan ng isang 3lalong magaling na tipan, na 4isinabatas sa 5lalong mabubuting pangako.
7 Sapagkat kung ang 1unang tipang yaon ay walang kapintasan, wala nang 2pangangailangang maghanap pa ng 1ikalawa.
8 Sapagkat sa pagkakita ng kapintasan sa kanila ay sinabi Niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, at Ako ay gagawa ng isang bagong pakikipagtipan sa sambahayan ni Israel at sa sambahayan ni Juda,
9 Hindi ayon sa tipang Aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang nang araw na sila ay Aking tanganan sa kamay, upang sila ay ihatid palabas sa lupain ng Egipto; sapagkat sila ay hindi nagpatuloy sa Aking tipan, at Akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.
10 Sapagkat ito ang tipan na Aking ipakikipagtipan sa sambahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon: Ipamamahagi Ko ang Aking mga 1kautusan sa kanilang 2kaisipan, at sa kanilang mga puso ay Aking 3isusulat ang mga ito, at 4Ako ay magiging Diyos nila, at 5sila ay magiging bayan Ko.
11 At sa anumang paraan hindi na kinakailangang turuan ng bawa’t isa ang kanyang kababayan, at ng bawa’t isa ang kanyang kapatid, na sasabihing, 1Kilalanin mo ang Panginoon, sapagka’t Ako ay 1makikilala ng lahat, mula sa kaliit-liitan hanggang sa kadaki-dakilaan sa kanila.
12 Sapagka’t aAko ay magiging 1mahabagin sa kanilang mga kalikuan, at ang kanilang mga kasalanan ay hindi Ko na aalalahanin pa.
13 Sa pagsasabing bago, ginawa Niyang luma ang 1una. Datapuwa’t ang nagiging luma at tumatanda ay malapit nang lumipas.