Hebreo
KAPITULO 13
IV. Ang mga Kagalingan para sa Buhay-ekklesia
13:1-19
A. Ang Anim na Aytem para sa Pagsasagawa
bb. 1-7
1 Hayaang magpatuloy ang 1pag-ibig sa mga kapatid.
2 Huwag ninyong kaligtaan ang pagpapatuloy sa mga bisitang-manlalakbay, sapagka’t sa pamamagitan nito ang iba ay nakapag-asikaso ng mga anghel nang hindi nalalaman ito.
3 1Alalahanin ninyo ang mga bilanggo, gaya ng kayo ay nagagapos na kasama nila, at ang mga pinagmamalupitan na gaya ng kayo naman ay pinagmamalupitan sa katawan.
4 Maging marangal nawa 1sa lahat ang 2pag-aasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan; sapagka’t ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang 3hahatulan ng Diyos.
5 Nawa ang inyong paraan ng pamumuhay ay walang 1pag-ibig sa salapi, na nasisiyahan kayo sa inyong mga kalagayan; sapagka’t sinabi Niya, Sa anumang paraan ay hindi kita iiwanan, ni sa anumang paraan kita ay Aking pababayaan;
6 Kaya’t, ating masasabi nang buong tapang, Ang Panginoon ang aking Katulong; hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?
7 1Alalahanin ninyo ang mga nangunguna sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Diyos, at sa pagsasaalang-alang sa kinalabasan ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.
B. Mga Karanasan kay Kristo
bb. 8-15
8 Si 1Hesu-Kristo ay Siya ring kahapon, at ngayon, at magpakailanman.
9 Huwag kayong patangay sa mga 1sari-sari at mga kakaibang pagtuturo, sapagka’t mabuti para sa puso ang 2mapagtibay ng biyaya, hindi ng mga 3pagkain, na di-pinakikinabangan ng mga 4nag-abala sa mga ito.
10 Tayo ay may isang 1dambana kung saan walang karapatang kumain ang mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo.
11 Sapagka’t ang mga 1katawan ng mga hayop, na ang mga dugo ay dinadala ng mataas na saserdote tungo sa Dakong Kabanal-banalan na handog na patungkol sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampamento.
12 Kaya naman si Hesus, upang 1mapaging-banal ang bayan sa pamamagitan ng Kanyang Sariling 2dugo, ay nagbata sa 2labas ng 3pintuang-bayan.
13 Atin ngang labasin Siya sa 1labas ng 2kampamento na dinadala ang Kanyang pagkadusta.
14 Sapagka’t dito ay wala tayong 1namamalaging lunsod, nguni’t 2hinahanap natin ang lunsod na darating.
15 1Sa pamamagitan nga Niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng papuri sa Diyos, yaon ay, ang bunga ng mga labi na nagpapahayag ng Kanyang pangalan.
C. Ang Apat pang Bagay na Kinakailangan
bb. 16-19
16 Datapuwa’t ang 1paggawa ng mabuti at ang 2pagbabahagi sa iba ay huwag ninyong kalimutan, sapagka’t sa mga gayong hain ang Diyos ay totoong nalulugod.
17 1Magsitalima kayo sa mga nangunguna sa inyo at pasakop kayo sa kanila, sapagka’t pawang nangagpupuyat sila dahil sa inyong mga kaluluwa, bilang yaong mga magbibigay-sulit, upang ito ay gawin nilang may kagalakan, at hindi ng may hapis, sapagka’t ito ay magiging di-kapaki-pakinabang sa inyo.
18 1Ipanalangin ninyo kami, sapagka’t kami ay naniniwalang kami ay may mabuting budhi, nagnanasang sa lahat ng mga bagay ay igawi namin nang naaangkop ang aming mga sarili.
19 At lalong ipinamamanhik ko sa inyo na gawin ito, upang ako ay maibalik nang lalong madali sa inyo.
V. Konklusyon
13:20-25
20 Ngayon ang Diyos ng kapayapaan na nag-akyat mula sa mga patay sa ating Panginoong Hesus, ang dakilang Pastol ng mga 1tupa, 2sa pamamagitan ng dugo ng 3walang hanggang tipan,
21 Ay 1sangkapan kayo sa bawa’t mabuting gawa para sa pagsasagawa ng Kanyang kalooban, na 2gumagawa sa loob natin ng lubhang nakalulugod sa Kanyang paningin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, na mapasa Kanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman, Amen.
22 Datapuwa’t ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na inyong 1pagtiisan ang salita ng pangaral, sapagka’t tunay ngang kayo ay sinulatan ko sa iilang salita.
23 Inyong talastasin na ang ating kapatid na si 1Timoteo ay pinalaya na, na kung makararating siya nang madali, kayo ay makikita kong kasama siya.
24 1Batiin ninyo ang lahat ng mga nangunguna sa inyo, at ang lahat ng mga banal. Kayo ay binabati ng mga nagmula sa Italya.
25 Sumainyo nawang lahat ang 1biyaya. Amen.