Hebreo
KAPITULO 12
(Ang Ikalimang Babala-Takbuhín ang takbuhin
at huwag mahulog nang palayo sa biyaya
12:1-29)
1 Kaya nga, yamang may isang napakalaking 1ulap ng mga 2saksing kumukubkob sa atin, isinasa-isantabi ang bawa’t 3pasan, at ang 4kasalanang madaling sumalabid sa atin, atin din namang takbuhing may pagtitiis ang 5takbuhing inilagay sa harapan natin,
2 Tumitinging 1palayo 2tungo kay Hesus na 3May-katha at 4Tagapagpasakdal ng ating pananampalataya, na dahil sa kagalakang inilagay sa harapan Niya, tiniis Niya ang krus, winalang-bahala ang kahihiyan, at 5umupo sa kanan ng trono ng Diyos.
3 Sapagka’t isaalang-alang ninyo Yaong nagtiis ng gayong pagsalansang ng mga makasalanan laban sa Kanyang Sarili, upang kayo ay huwag magsihina, na nanlulupaypay sa inyong mga kaluluwa.
4 Hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa dumanak ang dugo, nakikipagtunggali laban sa 1kasalanan,
5 At inyong lubusang nilimot ang iniaral na nakikipagmatuwiran sa inyong tulad sa mga anak, Anak Ko, huwag mong ipagwalang-bahala ang 1pagdidisiplina ng Panginoon, ni manlupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan Niya;
6 Sapagka’t 1dinidisiplina ng Panginoon ang Kanyang iniibig, at hinahampas ang bawa’t anak na Kanyang tinatanggap.
7 Kayo ay nagtitiis para sa 1disiplina; pinakikitunguhan kayo ng Diyos na tulad sa mga anak; sapagka’t alin ngang anak ang hindi dinidisiplina ng kanyang ama?
8 Datapuwa’t kung wala kayong natanggap na disiplinang nabahagi ng lahat ng anak, sa gayon ay mga anak sa labas, at hindi mga tunay na anak.
9 Bukod dito, tayo ay nagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo ay disiplinahin at sila ay ating iginagalang; hindi ba lalong dapat tayong pasakop sa 1Ama ng mga espiritu, at sa gayon >ay mabuhay?
10 Sapagka’t tunay ngang dinisiplina nila tayo ng ilang araw ayon sa kanilang minagaling; nguni’t Siya ay sa kapakinabangan natin, upang tayo ay makabahagi ng Kanyang 1kabanalan.
11 Tunay ngang lahat ng disiplina sa ngayon ay tila isang bagay na hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayunman, pagkatapos, ito ay namumunga ng 1mapayapang bunga ng katuwiran sa mga sinanay sa pamamagitan nito.
12 Kaya’t 1itaas ninyo ang mga kamay na nangalay, at ang mga tuhod na naparalisado,
13 At magsigawa kayo ng matutuwid na 1landas para sa inyong mga paa, upang huwag 2malinsad ang pilay, kundi gumaling.
14 Habulin ninyo ang kapayapaan patungkol sa lahat ng mga tao, at ang 1kabanalang kung wala nito ay walang sinumang makakikita sa Panginoon;
15 Na nag-iingat nang mabuti baka ang sinuman ay 1mahulog palayo sa biyaya ng Diyos, baka kayo ay bagabagin ng anumang 2ugat ng kapaitang sumisibol, at sa pamamagitan nito ay mahawa ang marami;
16 Baka magkaroon ng sinumang mapakiapid o mapaglapastangang gaya ni Esau, na para sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kanyang 1pagkapanganay.
17 Sapagka’t nalalaman din naman ninyo na pagkatapos, nang ninasa niyang manahin ang pagpapala, siya ay itinakwil, sapagka’t 1wala na siyang masumpungang lugar para sa pagsisisi, bagama’t pinagsikapan niyang makamtan ito nang may pagluha.
18 Sapagka’t hindi kayo nagsilapit sa 1bundok na nahihipo at nagliliyab sa apoy, at sa kapusikitan at sa kadiliman at sa ipu-ipo,
19 At sa tunog ng trumpeta at sa tinig ng mga salita, na ang mga nakarinig ng tinig na ito ay nagsipamanhik na huwag nang salitain pa sa kanila ang anumang salita;
20 Sapagka’t hindi nila mabata ang iniuutos: Kahit ang isang hayop kung tumuntong sa bundok ay babatuhin.
21 At talagang kakila-kilabot ang tanawin, anupa’t sinabi ni Moises, Ako ay totoong nasisindak at nanginginig.
22 Datapuwa’t kayo ay nakalapit na sa 1Bundok ng Sion, at sa 2lunsod ng buháy na Diyos, ang makalangit na Herusalem, at sa di-mabilang na mga anghel, ang 3pangkalahatang pagkakatipon,
23 At sa ekklesia ng mga 1panganay na 2nangakatala sa mga kalangitan, at sa Diyos na Hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong matuwid na pinasakdal,
24 At kay Hesus na Tagapamagitan ng 1bagong tipan, at sa 2dugong pangwisik na 3nagsasalita ng lalong mabuti kaysa sa dugo ni Abel.
25 Pag-ingatan ninyong huwag kayong tumanggi sa Kanya na nagsasalita, sapagka’t kung hindi nakatakas ang mga nagsitanggi sa Kanya na nagbabala sa kanila sa ibabaw ng lupa, ay lalo pa tayong hindi makatatakas na nagsihiwalay sa Kanya na nagbababala buhat sa langit,
26 Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa; datapuwa’t ngayon ay nangako Siya, na nagsasabi, Minsan pang yayanigin Ko, hindi lamang ang lupa, bagkus maging ang langit.
27 At itong salitang, Minsan pa, ay pinakakahulugan ang pag-aalis niyaong mga bagay na nayanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang manatili ang mga hindi nayanig.
28 Kaya’t pagkatanggap ng isang 1kahariang hindi nayayanig, 2magkaroon tayo ng biyaya, na sa pamamagitan nito ay makapaglilingkod tayo nang nakalulugod sa Diyos na may makadiyos na pagkatakot at 3pitagan;
29 Sapagka’t ang Diyos natin ay isa ring 1apoy na namumugnaw.