Hebreo
KAPITULO 1
I. Pambungad-
Ang Diyos Nagsasalita sa loob ng Anak
1:1-3
1 Ang 1Diyos, na nagsalita noong unang panahon sa ating mga magulang, sa 2iba’t ibang bahagi at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
2 Ay nagsalita sa atin sa mga 1huling araw na ito sa loob ng 2Anak, 3na Kanyang itinalagang 4Tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan din naman Niya ay Kanyang ginawa ang 5sansinukob:
3 Na Siyang 1ningning ng Kanyang kaluwalhatian at 2hayag na larawan ng Kanyang substansiya, at umaalalay sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng 3salita ng Kanyang kapangyarihan, nang Kanyang magawa na ang 4paglilinis ng mga kasalanan, ay 5lumuklok sa kanan ng 6Kamahalan sa 7kaitaasan;
II. Ang Kahigtan ni Kristo
1:4-10:39
A. Nakahihigit sa mga Anghel
1:4-2:18
1. Bilang ang Anak ng Diyos-bilang Diyos
1:4-14
4 Na naging higit na lalong mabuti kaysa sa mga anghel, yamang Siya ay nagmana ng 1higit na ekselenteng pangalan kaysa sa kanila.
5 Sapagkat kailanman ay kanino nga sa mga anghel Niya sinabi, Ikaw ay Aking Anak; sa 1araw na ito ay ipinanganak Kita? At muli, Ako ay magiging Kanyang Ama, at Siya ay magiging Aking Anak?
6 At sa muli Niyang pagdala sa 1Panganay sa pinananahanang lupa, Kanyang sinasabi, At sambahin Siya ng lahat ng mga anghel ng Diyos.
7 At sinasabi Niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga 1hangin ang Kanyang mga anghel, at ang Kanyang mga 2tagapaglingkod na ningas ng apoy;
8 Ngunit tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang Iyong trono, 1O Diyos, ay magpakailanpaman, at ang setro ng pagkamatuwid ay ang setro ng Iyong kaharian.
9 Inibig Mo ang katuwiran, at kinapootan Mo ang katiwalian; kaya’t ang Diyos, ang 1Iyong Diyos, ay nagpahid sa Iyo ng langis ng masidhing kagalakan nang higit sa Iyong mga 2kasama.
10 At, Ikaw 1Panginoon, nang pasimula, ang naglagay ng kinasasaligan ng lupa, at ang mga langit ay ang mga gawa ng Iyong mga kamay;
11 Sila ay mapaparam, datapuwa’t Ikaw ay nananatili; at silang lahat ay malulumang gaya ng isang kasuotan,
12 At gaya ng isang balabal sila ay Iyong babalumbunin, at sila ay mapapalitang gaya ng kasuotan; subalit Ikaw ay mananatiling Ikaw, at ang Iyong mga taon ay hindi matatapos.
13 Subalit kailanman ay kanino sa mga anghel Niya sinabi, Lumuklok Ka sa Aking kanan, 1hanggang sa ang Iyong mga kaaway ay gawin Kong tuntungan ng Iyong mga paa?
14 Hindi ba silang lahat ay mga naglilingkod na espiritu, na mga isinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng 1mga magmamana ng kaligtasan?