Mga Gawa
KAPITULO 8
b. Ang Pamumuksa sa Ekklesia sa Herusalem
8:1-3
1 At nangyari roon nang araw na yaon ang isang malaking pag-uusig laban sa 1ekklesia sa Herusalem; at lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga lupain ng Judea at Samaria, maliban sa mga apostol.
2 At si Esteban ay inilibing ng mga kalalakihang masipag sa kabanalan at nagsipanangis nang matindi para sa kanya.
3 Datapuwa’t pinupuksa ni Saulo ang ekklesia, pumapasok sa bahay-bahay; at kinakaladkad ang mga lalake at babae, kanyang ipinapasok sila sa bilangguan.
12. Ang Pagpapahayag ni Felipe
8:4-40
a. Sa Samaria
bb. 4-25
(1) Ipinahahayag si Kristo at ang Kaharian ng Diyos
bb. 4-13
4 Yaon ngang nangagsikalat ay nangagsiparoon sa lupain na 1nagdadala ng mabuting balita ng salita.
5 At si 1Felipe ay 2bumaba sa lunsod ng Samaria at ipinahayag sa kanila si Kristo.
6 At ang mga kalipunan ng mga tao ay may isang puso’t kaisipang nakinig sa mga bagay na sinabi ni Felipe, pagkarinig nila at pagkakita sa mga tanda na kanyang ginagawa.
7 Sapagka’t mula sa maraming may mga karumaldumal na espiritu, ang mga espiritu ay nagsilabas, na nangagsisisigaw na may malakas na tinig; at maraming paralitiko at pilay ang napagaling.
8 At nagkaroon ng malaking kagalakan sa lunsod na yaon.
9 At may isang tao na nagngangalang Simon na noong una ay nagsasagawa ng salamangka sa lunsod at pinanggigilalas ang 1bansang Samaria, na sinasabi na siya mismo ay isang dakila;
10 Na siyang pinakikinggan nilang lahat, mula sa maliit hanggang sa malaki, na nagsasabi, Ang taong ito ang siyang kapangyarihan ng Diyos na tinatawag na Dakila.
11 At sila ay nangakinig sa kanya sapagka’t sa isang panahon ay pinamangha niya sila sa pamamagitan ng kanyang salamangka.
12 Datapuwa’t nang sila ay naniwala kay Felipe, na nagdadala ng mabuting balita hinggil sa 1kaharian ng Diyos at sa pangalan ni Hesu-Kristo, sila ay nabautismuhan, kapwa ang mga kalalakihan at kababaihan.
13 At maging si Simon mismo ay sumampalataya, at pagkabautismo ay nagpatuloy nang may katatagan na kasama ni Felipe; at sa pagkakita sa mga 1tanda at mga dakilang gawain ng kapangyarihan na nangyayari, siya ay namangha.
(2) Pinatotohanan ng mga Apostol
bb. 14-25
14 Ngayon nang mabalitaan ng mga apostol na nangasa Herusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Diyos, isinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan,
15 Na nangagsilusong at nanalangin para sa kanila upang kanilang 1matanggap ang Espiritu Santo.
16 Sapagka’t Siya ay 1hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila, kundi sila ay nangabautismuhan lamang 2tungo sa loob ng 3pangalan ng Panginoong Hesus.
17 Nang magkagayon ay kanilang 1ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang 2Espiritu Santo.
18 Datapuwa’t nang makita ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang 1Espiritu, siya ay nag-alok sa kanila ng 2salapi, na nagsasabi,
19 Bigyan din naman ninyo ako ng awtoridad na ito, upang ang sinumang patungan ko ng aking mga kamay ay makatanggap ng Espiritu Santo.
20 Datapuwa’t sinabi sa kanya ni Pedro, Mapasama nawa ang iyong pilak sa iyong 1kapahamakan, sapagka’t inakala mo na ang kaloob ng Diyos ay maaaring matamo sa pamamagitan ng salapi.
21 Wala kang bahagi ni kapalaran sa 1bagay na ito, sapagka’t ang puso mo ay hindi matuwid sa harap ng Diyos.
22 Magsisi ka nga 1sa kasamaan mong ito, at magsumamo sa Panginoon baka sakaling ang layon ng iyong puso ay maipatawad sa iyo;
23 Sapagka’t nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at tali ng kalikuan.
24 At sumagot si Simon at nagsabi, Ipagsumamo ninyo ako sa Panginoon, upang huwag mangyari sa akin ang alinmang bagay na sinasabi ninyo.
25 Sila nga, na mataimtim na 1nagpatotoo at nagsabi ng salita ng Panginoon, ay nangagbalik sa Herusalem; at sila ay nagdala ng mabuting balita sa maraming nayon ng mga Samaritano.
b. Sa isang Taga-Etiopia
bb. 26-39
26 Datapuwa’t nagsalita kay Felipe ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Tumindig ka at pumaroon sa dakong timugan sa daang palusong mula sa Herusalem hanggang sa Gaza. Ito ang patungong disyerto.
27 At siya ay tumindig at yumaon. At narito, isang lalakeng 1taga-Etiopia, isang bating, isang lalakeng may kapangyarihan sa ilalim ni Candace, reyna ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat ng kanyang kayamanan, ay dumating sa Herusalem upang 2sumamba,
28 At siya ay pabalik at nakaupo sa kanyang karo, at nagbabasa ng propeta Isaias.
29 At ang 1Espiritu ay nagsabi kay Felipe, Lumapit ka at sumama sa karong ito.
30 At nang siya ay tumakbo, narinig siya ni Felipe na binabasa ang propeta Isaias at sinabi, Tunay bang nauunawaan mo ang iyong binabasa?
31 At sinabi niya, Paano kong mauunawaan, malibang may isang pumatnubay sa akin? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya.
32 Ngayon nga, ang dako ng kasulatan na binabasa niya ay ito: 1Siya ay gaya ng tupa na dinala sa patayan; at gaya ng isang kordero sa harap ng kanyang manggugupit na hindi umiimik, gayundin naman Siya ay hindi nagbukas ng Kanyang bibig.
33 Sa pagpapakababa, ang Kanyang kahatulan ay inalis. Sino ang maglalahad ng Kanyang henerasyon? Sapagka’t ang Kanyang buhay ay inalis mula sa lupa.
34 At ang bating ay sumagot kay Felipe at nagsabi, Ipinamamanhik ko sa iyo, patungkol ba kanino sinasabi ng propeta ito? Patungkol ba sa kanyang sarili, o sa alinmang iba?
35 At ibinuka ni Felipe ang kanyang bibig, at magmula sa kasulatang ito, ay kanyang dinala sa kanya ang mabuting balita ni Hesus.
36 At sa kanilang pagpapatuloy sa daan, sila ay dumating sa dakong may tubig, at sinabi ng bating, Tingnan mo, may 1tubig! Ano ang nakapipigil upang ako ay mabautismuhan?
37 1At sinabi ni Felipe, Kung ikaw ay mananampalataya ng buong puso mo, ikaw ay maaari na. At siya ay sumagot at nagsabi, Ako ay nananampalataya na si Hesu-Kristo ay ang Anak ng Diyos.
38 At ipinag-utos niyang itigil ang karo, at sila ay kapwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating, at siya ay binautismuhan niya.
39 At nang magsiahon sila mula sa tubig, inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe, at hindi na siya nakita ng bating, sapagka’t ipinagpatuloy niya ang kanyang lakad na nagagalak.
c. Hanggang sa Cesarea
b. 40
40 Nguni’t nasumpungan si Felipe sa Azoto, at sa pagdaraan kanyang dinala ang mabuting balita sa lahat ng mga lunsod hanggang siya ay dumating sa Cesarea.