Mga Gawa
KAPITULO 6
9. Ang Paghirang sa Pitong Maglilingkod
6:1-6
1 Datapuwa’t nang mga araw na ito, nang dumarami ang bilang ng mga disipulo, nagkaroon ng pagbubulung-bulong ang mga 1Helenista laban sa mga 2Hebreo, sapagka’t ang kanilang mga babaeng balo ay napapabayaan sa pamamahagi sa araw-araw.
2 At ang labindalawa, matapos tawagin ang maraming disipulo sa kanila, ay nagsabi, Hindi 1marapat na iwan natin ang salita ng Diyos upang maglingkod sa mga hapag.
3 Ngayon mga kapatid, pumili kayo ng pitong taong subok nang mabuti sa mga kasamahan ninyo, 1puspos ng Espiritu at 2karunungan, na siya nating hihirangin sa pangangailangang ito.
4 Datapuwa’t magsipanatili tayo nang matibay sa 1pananalangin, at sa ministeryo ng salita.
5 At ang pananalitang yaon ay ikinasiya ng lahat ng karamihan, at pinili nila si Esteban, isang taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas, isang taga-Antioquia na 1naakit sa Hudaismo,
6 Na siya nilang iniharap sa mga apostol; at matapos makapanalangin, kanilang 1ipinatong ang kanilang mga kamay sa 2kanila.
10. Ang Paglago ng Salita at ang Pagdami ng mga Disipulo
6:7
7 At ang salita ng Diyos ay 1lumago, at ang bilang ng mga disipulo sa Herusalem ay lubhang dumami; at isang malaking bilang ng mga saserdote ang nagsitalima sa 2pananampalataya.
11. Ang Pagdaragdag sa Pag-uusig ng mga Relihiyonistang Hudyo
6:8—8:3
a. Ang Pagkamartir ni Esteban
6:8—7:60
(1) Sinalungat at Dinakip
6:8—7:1
8 At si Esteban, puspos ng biyaya at kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang 1kababalaghan at mga tanda sa gitna ng mga tao.
9 Datapuwa’t nagsitindig ang ilan sa mga nasa 1sinagoga na tinatawag na sinagoga ng mga 2Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga-Cilicia at taga-Asia, at nakipagtalo kay Esteban;
10 At hindi nila malabanan ang karunungan at ang Espiritu na kanyang ipinangungusap.
11 Pagkatapos ay sinulsulan nila ang mga tao, na nagsasabi, Narinig namin siyang nagsasalita ng mga salitang nanlalapastangan kay Moises at sa Diyos.
12 At kanilang inudyukan ang mga tao at ang mga matanda at ang mga eskriba, at sila ay lumapit sa kanya at sinunggaban siya at dinala siya sa 1Sanedrin.
13 At sila ay nagharap ng mga huwad na saksi, na nagsasabi, Ang taong ito ay hindi humihinto ng pagsasalita ng mga salitang laban dito sa 1dakong banal at sa kautusan;
14 Sapagka’t narinig namin na kanyang sinasabi, 1Wawasakin nitong Hesus na Nazareno ang dakong ito at babaguhin ang mga kaugaliang ibinigay sa atin ni Moises.
15 At ang lahat ng nangakaupo sa Sanedrin ay tumitig sa kanya at nakita ang kanyang mukha na katulad ng 1mukha ng isang anghel.