Mga Gawa
KAPITULO 4
5. Ang Simula ng Pag-uusig ng mga Relihiyonistang Hudyo
4:1-31
a. Pagdakip at Pagtatanong ng Sanedrin
bb. 1-7
1 At habang sila ay nagsasalita sa mga tao, ang mga saserdote at ang 1kapitan ng templo at ang mga 2Saduceo ay lumapit sa kanila,
2 Palibhasa ay lubhang nabagabag dahilan sa kanilang pagtuturo sa mga tao at pagpapahayag 1sa loob ni Hesus ng pagkabuhay na muli mula sa mga patay.
3 At kanilang sinunggaban sila at ibinilanggo sila hanggang kinabukasan, sapagka’t gabi na noon.
4 Datapuwa’t marami sa mga nakarinig ng salita ang nanampalataya; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa humigit-kumulang na limang libo.
5 At nangyari kinabukasan na ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga eskriba ay 1nagtipun-tipon sa Herusalem,
6 At si Anas na mataas na saserdote, at si 1Caifas, at si 2Juan, at si Alejandro, at ang buong angkan ng mataas na saserdote.
7 At nang maitindig sila sa kalagitnaan, nagtanong sila, 1Sa pamamagitan ng anong kapangyarihan o sa anong pangalan ninyo ginagawa ito?
b. Ang Patotoo ni Pedro
bb. 8-12
8 Pagkatapos, si Pedro, na 1puspos ng Espiritu Santo, ay nagsabi sa kanila, Mga pinuno ng mga tao at mga matanda,
9 Kung kami ngayon ay sinisiyasat tungkol sa mabuting gawa na ginawa sa isang taong may sakit, sa kung anong paraan 1gumaling ang taong ito,
10 Talastasin ninyong lahat, at sa lahat ng mga tao ng Israel, na sa pangalan ni Hesu-Kristo na 1Nazareno, na 2inyong ipinako sa krus, na ibinangon ng 3Diyos mula sa mga patay, sa pangalang ito ang taong ito ay nakatayo sa harap ninyo nang walang sakit.
11 Ito ang 1batong 2itinakwil ninyo na mga nagtatayo ng bahay, na naging 3batong panulok.
12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan; sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na sukat nating ikaligtas.
c. Ang Pagbabawal ng Sanedrin
bb. 13-18
13 At nang makita nga nila ang katapangan nina Pedro at Juan, at pagkatalastas na sila ay mga 1walang pinag-aralan at mga 2mangmang, nagtaka sila, at napagkilala nila na sila ay nakasama ni Hesus.
14 At nang makita nila ang taong pinagaling na nakatayong kasama nila, wala silang masabi laban dito.
15 Subali’t nang sila ay mautusan na magsilabas sa 1Sanedrin, sila ay nagsanggunian sa isa’t isa,
16 Na nagsasabi, Ano ang gagawin natin sa mga lalakeng ito? Sapagka’t tunay na ginawa sa pamamagitan nila ang tandang hayag sa lahat ng nananahan sa Herusalem, at hindi natin maikakaila ito
17 Datapuwa’t upang huwag nang lalong kumalat ito sa mga tao, bantaan natin sila na huwag nang magsalita pa sa sinumang tao sa pangalang ito.
18 At nang tinawag sila, tinagubilinan nila sila na huwag magsalita ni magturo sa pangalan ni Hesus.
d. Ang Sagot nina Pedro at Juan
bb. 19-20
19 Datapuwa’t sina Pedro at Juan ay sumagot at nagsabi sa kanila, Kung tama sa paningin ng Diyos na dinggin kayo kaysa sa Diyos, inyong hatulan;
20 Sapagka’t hindi maaaring hindi namin salitain ang mga bagay na aming nakita at narinig.
e. Ang Pagpapalaya sa Kanila ng Sanedrin
bb. 21-22
21 At nang matapos na bantaan pa sila, kanilang pinalaya sila, na hindi nakasumpong ng anumang paraan kung paano nila parurusahan sila dahil sa mga tao, sapagka’t niluluwalhati nilang lahat ang Diyos dahilan sa nangyari;
22 Sapagka’t ang lalake na ginawan ng ganitong tanda ng pagpapagaling ay mahigit nang apatnapung taong gulang.
f. Ang Pagpuri at Pananalangin ng Ekklesia
bb. 23-31
23 At nang sila ay mapalaya na, sila ay pumaroon sa kanilang mga 1sariling tao at iniulat ang anumang sinabi sa kanila ng mga pangulong saserdote at mga matanda.
24 At nang kanilang marinig ito, itinaas nila ang kanilang tinig sa Diyos nang may isang puso’t kaisipan at nagsabi, O 1Panginoon, Ikaw na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at lahat ng mga bagay na nasa kanila,
25 Siya na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David na Iyong lingkod, ay nagsabi, Bakit 1nagagalit ang mga bansa, at ang mga tao ay nag-iisip ng mga bagay na walang kabuluhan?
26 Ang mga hari sa lupa ay nagsipaghanda, at ang mga pinuno ay nagtipon laban sa Panginoon at laban sa Kanyang Kristo.
27 Sapagka’t katotohanang sa lunsod na ito ay may nagtipun-tipon laban sa Iyong banal na Lingkod na si Hesus, na Siya Mong pinahiran, kapwa sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ng mga 1Hentil at ng mga tao ng Israel,
28 Na agawin ang anumang 1itinakda ng Iyong kamay at ng Iyong pasiya na mangyari.
29 At ngayon, Panginoon, tingnan Mo ang kanilang mga pananakot, at pagkalooban Mo ang Iyong mga alipin na salitain ang Iyong salita na may buong katapangan,
30 Sa pamamagitan ng pag-uunat ng Iyong kamay upang magpagaling, at upang mangyari ang mga tanda at mga kababalaghan sa pamamagitan ng pangalan ng Iyong banal na Lingkod na si Hesus.
31 At habang sila ay nagsusumamo, nauga ang dakong pinagtitipunan nila, at silang lahat ay 1napuspos ng Espiritu Santo, at nagsalita nang may katapangan ng salita ng Diyos.
6. Ang Pagpapatuloy ng Buhay-ekklesia
4:32 -5:11
a. Ang Positibong Panig
4:32-37
32 At ang karamihan sa mga nagsisampalataya ay nagkaisa ng puso at kaluluwa; at 1walang sinuman ang nagsabi na sarili niya ang anumang kanyang inaari, kundi ang lahat ng mga bagay ay 2para sa lahat.
33 At taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay nagbigay ng 1patotoo ukol sa pagkabuhay na muli ng Panginoong Hesus, at dakilang 2biyaya ang sumakanilang lahat.
34 Sapagka’t walang sinuman sa kanila ang nalagay sa pangangailangan; sapagka’t 1ipinagbili ng mga may-ari ng mga lupa o ng mga bahay ang mga yaon at dinala ang mga 2pinagbilhan ng mga bagay na ipinagbili
35 At inilagay ang mga yaon sa paanan ng mga apostol; at ito ay ipinamahagi sa bawa’t isa ayon sa pangangailangan ng sinuman.
36 At si Jose, na tinawag ng mga apostol na Bernabe, na kung isasalin ay anak ng 1pagpapalakas-loob, isang Levita, tubo sa Chipre,
37 Nagmamay-ari ng bukid, na matapos ipagbili ito, ay dinala ang salapi at inilagay sa paanan ng mga apostol.