Mga Gawa
KAPITULO 3
4. Ang Pangalawang Mensahe ni Pedro sa mga Hudyo
3:1-26
a. Ang Pagpapagaling sa isang Taong Pilay
bb. 1-10
1 Sina Pedro at Juan nga ay nagsisipanhik sa 1templo nang oras ng panalangin, ang ikasiyam na oras.
2 At isang lalake na pilay buhat sa sinapupunan ng kanyang ina ay dinadala roon, na inilalagay nila araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda upang manghingi ng limos sa nagsisipasok sa templo;
3 Na siya, pagkakita kina Pedro at Juan na papasok sa templo, ay namanhik upang tumanggap ng limos.
4 At pagtitig sa kanya ni Pedro, na kasama si Juan, ay nagsabi, Tingnan mo kami!
5 At siya ay nagbigay-pansin sa kanila, umaasang tatanggap ng anumang bagay mula sa kanila.
6 Datapuwa’t sinabi ni Pedro, 1Pilak at ginto ay wala ako, datapuwa’t ang nasa akin, ito ang siya kong ibibigay sa iyo: Sa pangalan ni Hesu-Kristo na 2Nazareno 3lumakad ka!
7 At kanyang hinawakan siya sa kanang kamay, at itinindig; at kapagdaka ay lumakas ang kanyang mga paa at mga bukung-bukong;
8 At paglukso, siya ay tumayo at lumakad at pumasok na kasama nila sa loob ng templo, lumalakad at lumulukso at nagpupuri sa Diyos.
9 At nakita siya ng lahat ng mga tao na lumalakad at nagpupuri sa Diyos;
10 At nangakilala nila siya, na ito ang isang nauupo upang mamalimos sa Pintuang Maganda ng templo; at sila ay napuspusan ng panggigilalas at pagkamangha sa nangyari sa kanya.
b. Ang Mensahe
bb. 11-26
(1) Pinatototohanan si Hesus sa Kanyang Kamatayan
at Pagkabuhay na muli
bb. 11-18
11 At samantalang siya ay nakahawak kina Pedro at Juan, lahat ng mga tao ay nagsitakbong sama-sama sa kanila sa tinatawag na portiko ni Salomon, na lubhang nanggigilalas.
12 At nang makita ito ni Pedro, siya ay sumagot sa mga tao, Mga ginoo, mga Israelita, bakit kayo nagsisipanggilalas sa taong ito? O bakit kayo tumitingin sa amin, na para bang sa pamamagitan ng aming sariling kapangyarihan o pagkamakadiyos ay napalakad namin siya?
13 Ang 1Diyos nina Abraham at 2Isaac at Jacob, ang Diyos ng ating mga magulang, ang 3nagluwalhati sa Kanyang Lingkod na si Hesus, na inyong ibinigay at tinanggihan sa harapan ni Pilato, nang siya ay nagpasiyang palayain Siya.
14 Datapuwa’t inyong ikinaila ang Banal at Matuwid na Isa at hiningi ang mamamatay-tao na ipagkaloob sa inyo;
15 At ang 1Maykatha ng buhay ay inyong pinatay, na 2ibinangon ng Diyos mula sa mga patay, na sa mga 3bagay na ito kami ay mga saksi.
16 At 1sa pananalig sa Kanyang pangalan, ginawang malakas ng Kanyang 2pangalan ang taong ito, na inyong nakikita at nakikilala; at ang pananalig na sa pamamagitan Niya ay nagbigay sa kanya nitong sakdal na kagalingan sa harapan ninyong lahat.
17 At ngayon, mga kapatid, nalalaman ko na inyong ginawa yaon sa di-pagkakaalam, tulad din ng ginawa ng inyong mga pinuno;
18 Datapuwa’t ang mga bagay na ipinagpaunang 1inihayag ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta, na ang Kanyang Kristo ay magdurusa, ang gayon ay Kanyang tinupad.
(2) Masidhing Hinihikayat ang mga Tao upang Magsisi
at Bumaling nang sa gayon Sila ay Makabahagi at Makatamasa
sa Umakyat sa langit at Darating na muling Kristo
bb. 19-26
19 Kaya nga magsisi kayo at bumaling, upang mapawi ang inyong mga kasalanan, upang magsidating ang mga panahon ng 1kaginhawahan mula sa presensiya ng 2Panginoon,
20 At maisusugo Niya Siyang itinalaga para sa inyo, si Kristo Hesus.
21 Na Siyang kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga 1panahon ng pagpapanumbalik ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng Kanyang mga banal na propeta 2mula pa noong una.
22 Tunay na sinabi ni Moises, Isang 1Propeta ang ititindig ng Panginoon ninyong Diyos para sa inyo, mula sa inyong mga kapatid, tulad ko; Siya ang inyong pakikinggan sa lahat ng mga bagay, anuman ang sasalitain Niya sa inyo.
23 At mangyayari na ang bawa’t kaluluwa, na hindi nakikinig sa Propetang yaon, ay pupuksaing lubos sa gitna ng mga tao.
24 At gayundin lahat ng mga propeta mula kay Samuel at yaong mga nagsisunod sa kanya, sa rami ng nagsipagsalita, ay nagpahayag din tungkol sa mga araw na ito.
25 Kayo ang mga anak ng mga propeta at ng tipan na siyang pinagtipan ng Diyos sa inyong mga magulang, na sinasabi kay Abraham, At sa iyong 1binhi ang lahat ng mga angkan sa lupa ay pagpapalain.
26 Sa inyo muna, ang Diyos, na nagtindig ng Kanyang Lingkod, ay nagsugo sa 1Kanya upang pagpalain kayo sa pagtalikod ng bawa’t isa sa inyo mula sa inyong kasamaan.