KAPITULO 27
1 1
Kasama ang manunulat na si Lucas.
1 2Maaaring isang imperyal na pangkat ng mga sundalong pinangalanan ni Cesar Augusto (cf. Luc. 2:1).
1 3Tingnan ang tala 1 2 sa kap. 10.
2 1Ito ang simula ng ikaapat na pangministeryong paglalakbay ng apostol na nagwakas sa 28:31.
9 1Yaon ay, ang araw ng Pagbabayad-pinsala (Lev. 16:29-31; 23:27-29; Blg. 29:7).
12 1Lit. sumusunod sa timog-kanlurang hangin at sa hilagang-kanlurang hangin.
14 1Lit. dito, yaon ay, sa Creta.
16 1Yaon ay, upang mailagay sa palapag ng daong ang maliit na bangka, na sa tahimik na panahon, ay nakakabit sa pamamagitan ng isang lubid sa hulihan ng daong (Vincent).
17 1Yaon ay, mga lubid, mga tanikala, at iba pa.
17 2Naglagay ng kable sa palibot ng katawan ng daong.
17 3Pangalan ng isang lugar na mababaw ang dagat, nasa timog-kanluran ng pulo ng Creta.
17 4Yaon ay, alinman sa dalawa, ibinaba ang layag o inihulog ang pandagat na angkla.
19 1O, kasangkapan, muebles.
21 1Lit. nang may labis na silang pag-aayuno.
21 2Bagama’t si Pablo ay isang bilanggong nakagapos, ang kanyang pagkilos ay nagpakita ng labis na kataasan na may karangalan. Ang pagsasalaysay ni Lucas, bilang isang salaysay ng pagkilos ng Panginoon sa lupa, ay hindi nagbibigay-diin sa doktrina kundi sa patotoo ng mga saksi ng Panginoon (1:8). Kaya, sa kanyang pagsasalaysay ay walang mga detalye ng doktrina kundi ng mga pangyayaring naganap sa Kanyang mga saksi, upang maisalarawan ang kanilang mga patotoo sa kanilang mga buhay, lalung-lalo na ang pagsasalaysay tungkol sa paglalayag ni Pablo sa huling dalawang kapitulo.
23 1Pinaglilingkuran bilang isang saserdote.
24 1sIto ay ang isakatuparan ang pangako ng Panginoon sa 23:11 at ang hangarin ng apostol sa 19:21.
28 1Ang maghulog ng isang tingga sa dagat upang matarok ang lalim.
28 2Ang bawa’t dipa (Gr. orquia ) ay humigit-kumulang sa 1.85 piye.
29 1Lit. baku-bako.
41 1Lit. lugar.
43 1Ito, muli, ang kapangyarihan ng Panginoon upang maligtas ang buhay ng Kanyang tagapaglingkod.