Mga Gawa
KAPITULO 26
(5) Ipinagsasanggalang ang Kanyang Sarili sa harap ni Agripa
26:1-29
1 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Ikaw ay pinahihintulutang magsalita para sa iyong sarili. Nang magkagayon ay iniunat ni Pablo ang kanyang kamay at ginawa ang kanyang pagsasanggalang:
2 Tungkol sa lahat ng mga bagay na sa akin ay ipinararatang ng mga Hudyo, Haring Agripa, itinuturing kong mapalad ang aking sarili na gagawin ko ngayon sa harapan mo ang aking 1pagsasanggalang;
3 1Lalo na dahil 2bihasa ka sa lahat ng mga kaugalian at mga katanungan sa gitna ng mga Hudyo; kaya nga nakikiusap ako sa iyo na makinig sa akin nang buong tiyaga.
4 Kaya nga, ang paraan ng pamumuhay ko mula sa aking pagkabata, kung saan mula sa simula ay sa gitna ng aking bayan at sa Herusalem, lahat ng mga Hudyo ay nakaaalam,
5 Na nang nakaraan ay napagkikilala na ako simula pa noong una, kung sila ay pumapayag na magpatotoo, na ayon sa pinakamahigpit na sekta ng aming 1relihiyon ay nabuhay akong isang Fariseo.
6 At ngayon ako ay nakatayo rito hinahatulan dahil sa pag-asa ng pangako na isinagawa ng Diyos sa aming mga magulang,
7 At dahil dito ang aming labindalawang lipi ay buong tiyagang naglilingkod gabi at araw, umaasang makamtan ito; tungkol sa ganitong pag-asa ako ay pinararatangan ng mga Hudyo, O hari.
8 Bakit ninyo hinahatulan na hindi kapani-paniwala kung ibinabangon ng Diyos ang patay?
9 Noon inakala ko rin na ako ay dapat gumawa ng maraming bagay laban sa pangalan ni Hesus na Nazareno;
10 Na siya ko ring ginawa sa Herusalem; at marami sa mga banal ang aking ipinabilanggo, matapos makatanggap ng awtoridad mula sa mga pangulong saserdote; at nang sila ay pinagpapatay, aking ibinigay ang pagsang-ayon laban sa kanila.
11 At sa lahat ng mga sinagoga, pinarurusahan silang madalas, aking pinipilit silang magsipaglapastangan sa Diyos; at sa pagiging sukdulang napasiklab ang galit laban sa kanila ay pinag-uusig ko sila hanggang sa mga lunsod na nasa 1ibang lupain.
12 Hinggil dito, ako ay naglakbay patungo sa Damasco na taglay ang awtoridad at utos mula sa mga pangulong saserdote.
13 At nang katanghalian, sa daan, ay aking nakita, O hari, ang isang liwanag mula sa kalangitan na humihigit sa kaliwanagan ng araw, nagniningning sa palibot ko at sa kanila na mga nagsisipaglakbay na kasama ko.
14 At nang kaming lahat ay napasubasob sa lupa, ako ay nakarinig ng tinig na nagsasabi sa akin sa diyalektong Hebreo, Saulo, Saulo, bakit mo 1Ako pinag-uusig? Mahirap para sa iyo ang sumikad laban sa mga 2matutulis.
15 At aking sinabi, Sino Ka, 1Panginoon? At ang Panginoon ay nagsabi, Ako ay si Hesus na Siya mong pinag-uusig.
16 Nguni’t tumindig ka sa iyong mga paa; sapagka’t Ako ay nagpakita sa iyo sa ganitong layunin, upang hirangin ka bilang isang 1lingkod at isang 2saksi kapwa ng mga bagay na kung saan Ako ay iyong nakita, at ng mga bagay na kung saan Ako ay magpapakita sa iyo;
17 1Inilalabas ka mula sa mga tao at mula sa mga Hentil, kung kanino kita isusugo,
18 Upang 1buksan ang kanilang mga mata, upang ibaling sila mula sa 2kadiliman patungo sa liwanag at mula sa 3awtoridad ni Satanas 4patungo sa Diyos, upang sila ay makatanggap ng 5kapatawaran ng mga kasalanan at ng isang 6pamana sa gitna nila na 7napaging-banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa Akin.
19 Dahil nga rito, Haring Agripa, ako ay hindi naging suwail sa makalangit na 1pangitain,
20 Kundi ipinahayag, una sa kanila na nasa Damasco at gayon din sa Herusalem at sa buong lupain ng Judea, at sa mga Hentil, na sila ay dapat magsipagsisi at magsibaling sa Diyos, na nagsisigawa ng mga gawaing karapat-dapat sa pagsisisi.
21 Dahil sa mga bagay na ito hinuli ako ng mga Hudyo sa loob ng templo at pinagsikapan akong patayin.
22 Kaya nga, sa pagkatamo ng 1tulong na nanggaling sa Diyos, ako ay nakatatayo pa hanggang sa araw na ito, nagpapatotoo kapwa sa maliliit at sa malalaki, na walang sinasabi maliban sa mga bagay na kapwa sinabi ng mga propeta at ni Moises na malapit nang mangyari,
23 Na ang Kristo ay kailangang 1maghirap at 2kailangang unahin Niya, mula sa pagkabuhay na muli sa mga patay, na ipahayag ang 3liwanag kapwa sa mga kababayan at sa mga Hentil.
24 At habang sinasabi niya ang mga bagay na ito para sa pagtatanggol sa sarili, si Festo ay nagsabi nang may malakas na tinig, Ikaw ay isang 1baliw, Pablo! Ang iyong malaking kaalaman ay 2nagdadala sa iyo sa 1kabaliwan!
25 Subali’t si Pablo ay nagsabi, Ako ay hindi baliw, kagalang-galang na Festo, kundi bumibigkas ako ng mga salita ng katotohanan at ng kaliwanagan ng pag-iisip.
26 Sapagka’t 1nalalaman ng hari ang tungkol sa mga bagay na ito, na kung kanino ako rin ay 2malayang nagsasalita, sapagka’t ako ay naniniwala na wala sa mga bagay na ito ang nalilingid sa kanya; sapagka’t ito ay hindi isinagawa sa isang sulok.
27 Haring Agripa, ikaw ba ay nananampalataya sa mga propeta? Nalalaman ko na ikaw ay nananampalataya.
28 At si Agripa ay tumugon kay Pablo, Sa pamamagitan ng kaunting 1salita ako ay hinihikayat mo na maging isang Kristiyano?
29 At si Pablo ay nagsabi, Loobin nawa ng Diyos na maging sa kakaunti o sa marami, hindi lamang ikaw, kundi maging lahat sila na nakikinig sa akin sa araw na ito ay maging ganito nga na katulad ko, maliban sa mga gapos na ito.
(6) Ang Hatol ni Agripa
26:30-32
30 At ang hari ay tumindig at ang gobernador at si Bernice at yaong mga nangakaupo na kasama nila,
31 At nang sila ay makaalis, sila ay nangagsalitaan sa isa’t isa, na nagsisipagsabi, Ang taong ito ay walang ginagawang anuman na marapat sa kamatayan o sa mga gapos.
32 At si Agripa ay nagsabi kay Festo, Mapalalaya sana ang 1taong ito kung siya ay 2hindi umapela kay Cesar.