Mga Gawa
KAPITULO 23
1 At si Pablo, na tumititig nang mabuti sa 1Sanedrin, ay nagsabi, Mga ginoo, mga kapatid, 2ikinilos ko ang aking sarili sa harapan ng Diyos sa buong kabutihan ng 3budhi hanggang sa mga araw na ito.
2 At ipinag-utos ng mataas na saserdoteng si Ananias sa mga nakatayo sa tabi niya na siya ay hampasin sa bibig.
3 Nang magkagayon ay 1sinabi sa kanya ni Pablo, Hahampasin ka ng Diyos, ikaw na pinaputing pader! At ikaw ay nakaupo, hinahatulan ako ayon sa kautusan, at laban sa kautusan ay nag-utos ka na hampasin ako?
4 At yaong mga nakatayo ay nagsabi, Nilalait mo ba ang mataas na saserdote ng Diyos?
5 At sinabi ni Pablo, Hindi ko nalalaman, mga kapatid, na siya ang mataas na saserdote; sapagka’t nasusulat, Hindi ka maaaring magsalita ng masama tungkol sa isang pinuno ng iyong bayan.
6 At si Pablo, nalalaman na ang isang bahagi ay mga 1Saduceo, nguni’t ang kabilang bahagi ay mga 2Fariseo, ay 3sumigaw sa Sanedrin, Mga ginoo, mga kapatid, ako ay isang Fariseo, isang anak ng mga Fariseo; tungkol sa pag-asa at pagkabuhay na muli ng mga patay, ako ay hinahatulan!
7 At nang masabi na niya ang ganito, nangyari ang isang pagtatalo sa mga Fariseo at Saduceo; at nagkabaha-bahagi ang kalipunan.
8 Sapagka’t sinasabi ng mga Saduceo na walang pagkabuhay na muli, ni anghel, ni espiritu; datapuwa’t ang kapwa ay kinikilala ng mga Fariseo.
9 At doon ay nagkaroon ng malaking sigawan; at nagsitindig ang ilan sa mga eskriba na kakampi ng mga Fariseo at nakipagtalo, na nagsisipagsabi, Wala kaming makitang anumang kasamaan sa taong ito; at kung may isang espiritu na nagsalita sa kanya, o isang anghel.
10 At nang magkaroon ng malaking pagtatalo, sa takot ng 1pangulong kapitan na baka paggutay-gutayin nila si Pablo, 2ipinag-utos niya sa mga kawal na manaog at agawin siya sa gitna nila, at siya ay ipinasok sa kuwartel.
(6) Pinalakas ng Panginoon ang Loob
23:11
11 At nang sumunod na gabi ang Panginoon ay 1tumayo sa tabi niya at nagsabi, Magkaroon ka ng katapangan, dahil sa 2taimtim ang iyong pagpapatotoo tungkol sa Akin sa Herusalem, kaya ikaw ay dapat ding 3magpatotoo sa 4Roma.
(7) Ang Pakana ng mga Hudyo
23:12-15
12 At nang araw na, ang mga Hudyo ay gumawa ng isang 1pakana at inilagay ang kanilang mga sarili sa ilalim ng isang sumpa, na nagsisipagsabi na hindi sila kakain ni iinom hanggang sa kanilang mapatay si Pablo.
13 Ngayon ay may higit sa apatnapu ang nagsipaggawa ng sabwatang ito.
14 Sila ay nagsidating sa mga pangulong saserdote at sa mga matanda, at nangagsabi, 1Kami ay nangagpanata sa ilalim ng sumpa, na hindi titikim ng anuman hanggang sa mapatay namin si Pablo.
15 Kaya ngayon, inyong ipagbigay-alam sa pangulong kapitan kasama ng Sanedrin upang siya ay maipanaog sa inyo, sa waring nilalayon ninyong 1mapasiyahan nang lalong wasto ang mga bagay tungkol sa kanya; at kami, bago siya makalapit, ay handa upang siya ay patayin.
b. Inilipat kay Felix, ang Gobernador na Romano sa Cesarea
23:16 – 24:27
(1) Ang Pagiging Lihim ng Paglipat
23:16-35
16 Datapuwa’t 1narinig ng anak na lalake ng kapatid na babae ni Pablo ang tungkol sa kanilang pagbabakay, at siya ay naparoon at pumasok sa kuwartel at isinalaysay kay Pablo.
17 At tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturyon sa kanya, at sinabi, Dalhin mo ang binatang ito sa pangulong kapitan, sapagka’t siya ay may isang bagay na iuulat sa kanya.
18 Kaya’t kanyang kinuha siya at dinala siya sa pangulong kapitan, at sinabi, Tinawag ako ng bilanggong si Pablo at ipinamanhik sa aking dalhin ko sa iyo ang binatang ito, na may isang bagay na sasabihin sa iyo.
19 At tinanganan siya ng pangulong kapitan sa kamay, at pagtabi ay lihim na tinanong siya, Ano yaong iuulat mo sa akin?
20 At sinabi niya, Napagkasunduan ng mga Hudyo na ipamanhik sa iyo na iyong ipapanaog bukas si Pablo sa Sanedrin, na sa wari sila ay naglalayon na siyasatin nang lalong wasto ang tungkol sa kanya.
21 Kaya huwag kang pahikayat sa kanila; sapagka’t binabakayan siya ng mahigit sa apatnapung katao sa kanila, na nangagsipanata sa ilalim ng sumpa na hindi kakain ni iinom man hanggang sa siya ay kanilang mapatay; at ngayon nangahahanda sila, na nangaghihintay ng pangako mo.
22 Kaya’t pinaalis ng pangulong kapitan ang binata, na ipinagbilin sa kanya, Huwag mong sasabihin sa kanino man na ipinagbigay-alam mo sa akin ang mga bagay na ito.
23 At kanyang tinawag sa kanya ang dalawa sa mga senturyon at sinabi, Ihanda ninyo ang dalawang daang kawal upang magsiparoon hanggang sa Cesarea, at pitumpung kabayuhan, at dalawang daang 1maninibat 2sa ikatlong oras ng gabi,
24 At magsipaghanda kayo ng mga hayop upang masakyan ni Pablo, at siya ay maihatid nang walang panganib kay 1Felix na gobernador.
25 At siya ay sumulat ng isang liham, na ganito:
26 Si Claudio Lisias, sa Kagalang-galang na Gobernador Felix, bumabati.
27 Nang ang taong ito ay hinuli ng mga Hudyo at papatayin na lamang sana nila, dumating ako sa kanila na may kasamang mga kawal, at siya ay iniligtas ko, nang mapag-alamang siya ay isang Romano.
28 At sa paglalayon kong matiyak ang dahilan kung bakit siya ay kanilang isinakdal, ipinanaog ko siya sa kanilang Sanedrin.
29 Nasumpungan ko na siya ay kanilang isinakdal tungkol sa mga katanungan ukol sa kanilang kautusan, datapuwa’t walang anumang sakdal laban sa kanya na marapat sa kamatayan o sa tanikala.
30 At nang maipabatid sa akin na may pakana laban sa taong iyan, agad ko siyang ipinadala sa inyo, na aking ipinagbilin din sa mga nangagsasakdal sa kanya na mangagsalita sa harapan mo laban sa kanya.
31 Kaya’t si Pablo ay kinuha ng mga kawal alinsunod sa iniutos sa kanila, at kinagabihan ay dinala siya sa 1Antipatris.
32 At kinabukasan ay pinabayaan nilang samahan siya ng mga kabayuhan, at sila ay nangagbalik sa kuwartel.
33 At nang sila ay makapasok na sa Cesarea at naibigay na ang liham sa gobernador, iniharap din nila si Pablo sa kanya.
34 At nang mabasa niya ito, itinanong niya kung tagasaang lalawigan siya; at nang maalamang siya ay taga-Cilicia,
35 Kanyang sinabi, Pakikinggan kitang lubos pagdating naman ng mga nangagsasakdal sa iyo; at ipinag-utos na siya ay ingatan sa 1praetorio ni Herodes.