KAPITULO 22
1 1
Hinarap ni Pablo ang kanyang mga kalaban sa isang paraang iba sa ginawa ni Kristo. Si Kristo ay katulad ng isang korderong dinala sa patayan, at katulad ng isang tupang umid sa harap ng kanyang tagagupit para sa katuparan ng Kanyang pagtutubos, hindi Niya binuksan ang Kanyang bibig nang hinatulan ng mga tao (Isa. 53:7; Mat. 26:62-63; 27:12, 14). Subali’t si Pablo, bilang isang tapat at matapang na apostol na ipinadala ng Panginoon, ay nangailangang gumawa ng pagtatanggol at gumamit ng kanyang karunungan upang iligtas ang kanyang buhay mula sa kanyang mga tagapag-usig para maisakatuparan niya ang hakbang ng kanyang ministeryo. Bagama’t siya ay may kusang-loob at nahahandang maghain ng kanyang buhay sa Panginoon (20:24; 21:13, at tala 12 1 sa kap. 21), nais pa rin niyang mabuhay nang mas matagal hangga’t maaari upang isakatuparan ang ministeryo ng Panginoon. Tingnan ang mga tala 25 2 sa kapitulong ito, at 3 1 at 6 3 sa kapitulo 23.
2 1Tingnan ang tala 40 1 sa kap. 21.
4 1Tingnan ang tala 2 1 sa kap. 9.
5 1Gr. presbuterion , presbiteryo, pagka-matanda (ng Sanedrin), kaya, ang Sanedrin. Tingnan ang 22 6 sa Mateo 5.
6 1Lit. malaking.
7 1Tingnan ang tala 4 1 sa kap. 9.
8 1Tingnan ang tala 5 1 sa kap. 9.
9 1Yaon ay, sa kahulugang naunawaan gaya sa Mar. 4:33; 1 Cor. 14:2. Narinig nila ang tinig (9:7) nguni’t hindi nila naunawaan ito, gaya ng pagkakita nila ng liwanag, subali’t wala silang nakitang sinuman (9:7).
10 1Tingnan ang tala 6 1 sa kap. 9.
11 1Tingnan ang tala 8 1 sa kap. 9.
12 1Tingnan ang tala 11 1 sa kap. 9.
13 1O, tumingala ka. Tingnan ang tala 12 1 sa kapitulo 9.
16 1Tingnan ang mga tala 36 1 sa kapitulo 8 at 16 1 sa Marcos 16.
16 2Tingnan ang tala 21 1 sa kapitulo 2. Ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon dito ay isang paraan para kay Pablo upang mahugasan ang kanyang mga kasalanan sa pagdarakip ng napakaraming mananampalatayang nagsitawag sa pangalan ng Panginoon. Alam ng lahat ng mga mananampalataya na itinuring niya ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon na isang tanda sa kanyang mga darakpin (9:14, 21). Ngayon, siya ay bumaling sa Panginoon. Upang mahugasan ang kanyang mga kasalanan sa ginawa niyang pag-uusig at pagdarakip sa mga tumatawag sa Panginoon, sa panahon ng kanyang pagbabautismo, inutusan siya ni Ananias na gawin din ang gayong pagtawag, na kanyang kinondena, hindi lamang sa harapan ng Diyos bagkus maging sa harapan din ng mga mananampalataya, bilang isang pangmadlang pag-amin sa Panginoon na kanyang inusig.
16 3Ang “Kanyang” ay makahulugan dito, ipinakikita ang bukod-tanging pangalan ng Isa na kinapootan at inusig ni Pablo (b.8).
17 1O, masidhing kagalakan. Tingnan ang tala 10 3 sa kapitulo 10.
24 1Tingnan ang tala 31 1 sa kap. 21.
25 1O, para sa mga latigo.
25 2Ito ay karunungan ni Pablo, ginagamit ang kanyang pagkamamamayang Romano upang iligtas ang sarili mula sa pagdurusa ng pag-uusig. Tingnan ang tala 1 1 .
30 1Tingnan ang tala 5 1 .