Mga Gawa
KAPITULO 2
III. Ang Pagpapalaganap
2:1 – 28:31
A. Sa Lupain ng Judea sa pamamagitan ng Ministeryo
ni Pedro at ng Kanyang mga Kamanggagawa
2:1 – 12:24
1. Ang Pagbabautismo sa mga Mananampalatayang Hudyo
sa Espiritu Santo
2:1-13
a. Ang Pang-ekonomiyang Pagpupuspos ng Espiritu Santo
bb. 1-4
1 At nang ang araw ng 1Pentecostes ay ginaganap na, silang lahat ay magkakasama sa isang lugar.
2 At biglang dumating ang isang ugong mula sa langit katulad ng isang humahagibis na malakas na 1hangin, at 2pinuno nito ang buong bahay kung saan sila ay nangakaupo.
3 At sa kanila ay may nagpakitang mga 1dilang tulad ng 2apoy na nagkabaha-bahagi at 3dumapo sa bawa’t isa sa kanila;
4 At silang 1lahat ay 2nangapuspos ng Espiritu Santo, at sila ay nangagsimulang magsalita ng iba’t ibang 3wika, maging ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu na kanilang 4salitain.
b. Ang Pagtataka ng mga Tao
bb. 5-13
5 May mga 1Hudyo ngang naninirahan sa Herusalem, mga lalakeng masipag sa kabanalan buhat sa bawa’t bansa sa ilalim ng langit.
6 At nang mangyari ang ugong na ito, ang maraming lipon ng mga tao ay nangagkatipon at nangamangha, sapagka’t narinig sila ng bawa’t isa na nagsasalita ng kanyang sariling diyalekto.
7 At silang lahat ay nagtaka at nanggilalas, na nagsasabi, Tingnan ninyo, hindi ba mga Galileo lahat ang mga nagsisipagsalitang ito?
8 At papaano ngang sila ay naririnig ng bawa’t isa sa atin sa ating sariling diyalektong kinamulatan natin.
9 Tayong mga Parto, at mga Medo, at mga Elamita, at mga nangananahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia,
10 Kapwa sa Frigia at Pamfilia, sa Ehipto at sa mga bahagi ng Libya na karatig ng Cirene, at mga nakikipanirahang galing sa Roma, kapwa Hudyo at mga 1kumbertido,
11 Mga Cretense at mga Arabe nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga 1wika ng mga dakilang bagay ng Diyos?
12 At silang lahat ay nangagtaka at nangalito, na nagsasabi sa isa’t isa, Ano ang kahulugan nito?
13 Datapuwa’t ang mga iba ay nangaglilibak na nangagsabi, Sila ay puno ng 1matamis na alak!
2. Ang Unang Mensahe ni Pedro sa mga Hudyo
2:14-41
a. Ipinaliliwanag ang Pang-ekonomiyang Pagpupuspos
ng Espiritu Santo
bb. 14-21
14 Datapuwa’t si Pedro, nakatayong kasama ng 1labing-isa, ay nagtaas ng kanyang tinig at sa kanila ay nagsaysay na nagsasabing: Mga ginoo, mga Hudyo, at yaong lahat na nananahan sa Herusalem, hayaang malaman ninyo ito, at inyong pakinggan ang aking mga salita,
15 Sapagka’t ang mga taong ito ay hindi mga lasing katulad ng inyong inaakala, dahil ngayon ay 1ikatlong oras lamang ng araw;
16 Datapuwa’t ito ay yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel:
17 At mangyayari sa mga 1huling araw, sabi ng Diyos, na 2ibubuhos Ko 3ang Aking Espiritu 4sa 5lahat ng laman, at ang inyong mga anak na lalake at babae ay 6mangagpopropesiya, at ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, at ang inyong matatandang lalake ay magsisipanaginip ng mga panaginip;
18 At sa Aking mga lingkod, kapwa lalake at babae, Aking ibubuhos ang Aking Espiritu sa mga araw na yaon, at sila ay mangagpopropesiya.
19 At Ako ay 1magpapakita ng mga kababalaghan sa langit sa itaas, at mga tanda sa lupa sa ibaba dugo at apoy at singaw ng usok.
20 Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang 1kaarawan ng Panginoon, ang dakila at natatanging araw.
21 At mangyayari na ang bawa’t isa, sinumang 1tumatawag sa 2pangalan ng Panginoon, ay 3maliligtas.
b. Pinatototohanan ang Taong si Hesus sa Kanyang Gawa,
Kamatayan, Pagkabuhay na muli, at Pag-akyat sa langit
bb. 22-36
22 Mga ginoo, mga Israelita, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: si Hesus na Nazareno, isang 1Taong 2pinatunayan ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda, na ginawa ng Diyos sa pamamagitan Niya sa inyong gitna, gaya rin naman ng nalalaman ninyo—
23 Ang Taong ito, na ibinigay sa 1takdang pasiya at 2paunang-kaalaman ng Diyos, kayo, sa pamamagitan ng mga kamay ng mga 3tampalasan, ay inyong ipinako sa 4krus at pinatay;
24 Ang Siyang 1ibinangon ng Diyos, pinalaya sa mga hirap ng kamatayan, yamang 2hindi Siya maaaring mapigilan nito.
25 Sapagka’t sinasabi ni David tungkol sa Kanya, Nakita 1kong lagi ang 2Panginoon sa aking harapan, sapagka’t 3Siya ay nasa aking kanan, upang ako ay huwag mauga.
26 Dahil dito ang aking puso ay nagalak at ang aking 1dila ay natuwa; pati naman ang aking laman ay 2nahihimlay sa pag-asa,
27 Sapagka’t hindi Mo iiwan ang aking kaluluwa sa 1Hades, ni 2papayagan Mo ang iyong 3Banal na Isa na makita ang 4kabulukan.
28 Ipinaalam Mo sa akin ang mga 1daan ng buhay; gagawin Mo akong puspos ng kagalakan sa Iyong 2presensiya.
29 Mga ginoo, mga kapatid na lalake, hayaan ninyong magsalita ako sa inyo ng tungkol sa patriarkang si David, na siya ay kapwa namatay at inilibing, at ang kanyang puntod ay nasa atin hanggang sa araw na ito.
30 Kaya nga, palibhasa ay isang propeta at nakaaalam na ang Diyos ay may isinumpang panunumpa sa kanya na sa 1bunga ng kanyang baywang ay iluluklok Niya ang Isa sa kanyang 2trono,
31 Siya, palibhasa ay nakikita na niya ito bago pa man, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na muli ni Kristo, na Siya ay hindi pinabayaan sa Hades, ni nakita ng Kanyang laman ang kabulukan.
32 Ang Hesus na ito ay 1ibinangon ng Diyos, at tungkol 2dito ay mga saksi kaming lahat.
33 Palibhasa ay naparangalan sa kanan ng Diyos, at natanggap ang 1pangako ng Espiritu Santo mula sa Ama, ibinuhos Niya ito na inyong kapwa nakikita at naririnig.
34 Sapagka’t 1hindi umakyat si David sa mga kalangitan, datapuwa’t siya rin mismo ang nagsasabi, Sinabi ng 2Panginoon sa aking Panginoon, Maupo Ka sa 3kanan Ko,
35 Hanggang sa 1gawin Ko ang mga kaaway Mo na tuntungan ng Iyong mga paa.
36 Kaya hayaan ang buong sambahayan ni Israel na malaman nang may katiyakan na ginawa Siya ng Diyos na kapwa 1Panginoon at Kristo—itong si Hesus na 2inyong ipinako sa krus.
c. Itinuturo at Ipinamamanhik sa mga Nahipo ng Espiritu
na Magsisi, Mabautismuhan, at Maligtas
bb. 37-41
37 At nang marinig nila ito, sila ay 1tinablan sa puso, at sinabi kay Pedro at sa iba pang mga apostol, Ano ang gagawin namin, mga ginoo, mga kapatid na lalake?
38 At sinabi sa kanila ni Pedro, 1Magsisi at 2magpabautismo, ang bawa’t isa sa inyo, 3sa 4pangalan ni Hesu-Kristo para sa 5ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan, at inyong matatanggap ang 6kaloob ng 7Espiritu Santo.
39 Sapagka’t sa 1inyo ang 2pangako at sa inyong mga anak, at sa lahat noong 3nangasa malayo, 4maging ilan man ang tawagin ng Panginoon na ating Diyos sa Kanyang Sarili.
40 At sa iba pang maraming salita siya ay matapat na 1nagpatotoo at namanhik sa kanila na nagsasabi, 2Magpaligtas kayo mula sa likong 3henerasyong ito!
41 Yaon ngang nagsitanggap ng kanyang salita ay 1nangabautismuhan, at naidagdag nang araw na yaon ang may tatlong libong 2kaluluwa.
3. Ang Simula ng Buhay-ekklesia
bb. 42-47
42 At sila ay nagsipanatiling matibay sa 1pagtuturo at pagsasalamuha ng mga apostol, sa pagpipira-piraso ng tinapay at sa mga pananalangin.
43 At ang takot ay dumating sa bawa’t kaluluwa; at maraming 1kababalaghan at mga tanda ang napangyayari sa pamamagitan ng mga apostol.
44 At yaong lahat ng mga nagsisampalataya ay nangagkatipon at lahat ng mga bagay na kanilang pag-aari ay 1para sa lahat;
45 At 1ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at mga ari-arian at ipinamahagi sa kanilang lahat ayon sa pangangailangan ng bawa’t isa.
46 At araw-araw, nagsisipanatili silang matibay ng may isang puso’t kaisipan sa 1templo, at sa 2pagpipira-piraso ng tinapay sa 3bahay-bahay, kanilang kinakain ang kanilang pagkain na may galak at 4katapatan ng puso,
47 Nagpupuri sa Diyos at 1nagtatamo ng pagtangkilik ng buong bayan. At idinagdag nang 2magkasama sa kanila ng Panginoon yaong mga naliligtas araw-araw.