Mga Gawa
KAPITULO 12
19. Ang Pag-uusig ng mga Pulitikong Romano
12:1-23
a. Ang Masamang Pagtrato sa Ilang Mananampalataya at ang Pagkamartir ni Santiago
bb. 1-2
1 Nang panahon ngang yaon si 1Herodes na hari ay nag-unat ng kanyang mga kamay sa ilan sa ekklesia upang pahirapan sila.
2 At pinatay niya si Santiago, ang kapatid ni Juan, sa tabak.
b. Ang Pagdakip kay Pedro
bb. 3-19a
(1) Binantayan sa Bilangguan
bb. 3-5a
3 At nang makita niya na ito ay ikinalulugod ng mga Hudyo, kanya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At noon ay mga araw ng Tinapay na Walang Lebadura.
4 At nang kanyang mahuli siya, kanyang inilagak siya sa bilangguan at siya ay ibinigay sa apat na 1tetradion upang siya ay bantayan, nilalayon na siya ay iharap sa bayan pagkatapos ng Paskua.
5 Kaya’t si Pedro ay ikinulong sa bilangguan;
(2) Iniligtas ng Panginoon
bb. 5b-19a
datapuwa’t adumadalangin nang taimtin ang bekklesia sa Diyos patungkol sa kanya.
6 At nang malapit na siyang ilabas ni Herodes, nang gabing yaon ay natulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal, na nagagapos ng dalawang tanikala, at ang mga tanod sa harap ng pintuan ay nagbabantay sa bilangguan.
7 At narito, isang anghel ng Panginoon ang tumayo sa tabi niya, at isang liwanag ang sumilay sa selda; at tinapik si Pedro sa tagiliran, kanyang ginising siya, na sinasabi, Magbangon kang madali! At ang mga tanikala ay nangalaglag mula sa kanyang mga kamay.
8 At sinabi sa kanya ng anghel, Magbigkis ka, at itali mo ang iyong mga panyapak. At ginawa niya ito. At sinabi niya sa kanya, Isuot mo ang iyong balabal at sumunod ka sa akin.
9 At siya ay lumabas at sumunod sa kanya at hindi niya nalalaman na ang nangyayari sa pamamagitan ng anghel ay totoo, kundi inakala niya na nakakikita siya ng isang pangitain.
10 At nang maraanan na ang una at ang pangalawang tanod, nakarating sila sa pintuang bakal na patungo sa lunsod, na kusang bumukas sa kanila; at sila ay nagsilabas at nagpatuloy sa lansangan; at kapagdaka ay humiwalay sa kanya ang anghel.
11 At nang si Pedro ay 1natauhan, kanyang sinabi, Ngayon ay nalalaman ko nang tiyak na isinugo ng Panginoon ang Kanyang anghel at iniligtas ako palabas mula sa kamay ni Herodes at mula sa lahat ng inaasahan ng bayan ng mga Hudyo.
12 At nang namalayan na niya ito, naparoon siya sa bahay ni Maria, na ina ni Juan na may apelyidong Marcos, kung saan ang isang malaking bilang ay nangagkakatipun-tipon at sama-samang nananalangin.
13 At nang siya ay kumatok sa pintuan ng pasukan, isang dalagang nagngangalang Roda ang dumating upang sumagot.
14 At nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa tuwa ay hindi niya nabuksan ang pinto, kundi tumakbo sa loob at pinagbigay-alam na si Pedro ay nakatayo sa harapan ng pasukan.
15 Subali’t kanilang sinabi sa kanya, Ikaw ay nasisiraan ng bait! Datapuwa’t buong tibay na pinilit niya na gayon nga. At kanilang sinabi, na yaon ay 1kanyang anghel.
16 Datapuwa’t nagpatuloy si Pedro sa pagkatok; at nang buksan nila, kanilang nakita siya, at sila ay namangha.
17 At nang hudyatan sila ng kanyang kamay na sila ay tumahimik, kanyang isinalaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay 1Santiago at sa mga kapatid. At siya ay umalis, at napasaibang dako.
18 At nang mag-umaga na ay hindi kakaunti ang kaguluhang nangyari sa mga kawal, tungkol sa kung ano ang nangyari kay Pedro.
19 At nang siya ay ipahanap ni Herodes at hindi siya masumpungan,
c. Ang Kapalaran ng mga Tagapag-usig
bb. 19b-23
kanyang siniyasat ang mga tanod, at ipinag-utos na sila ay patayin. At siya, buhat sa Judea, ay lumusong sa aCesarea at doon tumira.
20 Ngayon siya ay galit na galit sa mga taga-Tiro at taga-Sidon; at sila ay nangagkaisang pumaroon sa kanya, at nang nahimok na nila si Blasto na 1katiwala ng hari, kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka’t ang bansa nila ay pinakakain ng bansa ng hari.
21 At sa isang takdang araw, si Herodes, matapos na masuotan ang sarili ng kasuotan ng hari ay umupo sa luklukan ng paghahatol at nagtalumpati sa kanila.
22 At ang mga taong-bayan ay nagsigawan, Ang tinig ng isang diyos, at hindi ng isang tao!
23 At kapagdaka ay isang anghel ng Panginoon ang humampas sa kanya sapagka’t hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Diyos; at siya ay kinain ng mga uod at 1namatay.
20. Ang Paglago at Pagdami ng Salita
12:24
24 Datapuwa’t ang salita ng 1Diyos ay lumago at dumami.
B. Sa Lupaing Hentil sa pamamagitan ng Ministeryo ni Pablo at ng Kanyang mga Kamanggagawa
12:25- 28:31
1. Ang Pagtanggap sa Bagong Tagapagministeryo
12:25
25 At sina 1Bernabe at Saulo ay nagbalik mula sa Herusalem, matapos maganap ang pamamahagi, na isinama si Juan na may apelyidong Marcos.