Mga Gawa
KAPITULO 1
I. Pambungad
1:1-2
1 Ang 1unang kasaysayan na ginawa ko, O 2Teofilo, tungkol sa lahat ng mga 3bagay na kapwa sinimulang gawin at ituro ni Hesus,
2 Hanggang sa araw na kinuha Siyang paitaas, pagkatapos makapagbigay ng utos sa pamamagitan ng 1Espiritu Santo sa mga apostol na Kanyang hinirang;
II. Ang Paghahanda
1:3-26
A. Ang Paghahanda ni Kristo sa mga Disipulo
sa Kanyang Pagkabuhay na muli
bb. 3-8
1. Sinasalita sa Kanila ang mga Bagay
tungkol sa Kaharian ng Diyos
b. 3
3 Na sa kanila ay Kanyang 1ipinakita ang Kanyang Sarili na buhay pagkatapos ng Kanyang paghihirap sa pamamagitan ng maraming kapani-paniwalang katunayan, sa loob ng 2apatnapung araw, 3nagpapakita sa kanila at nagpapahayag ng mga bagay tungkol sa 4kaharian ng Diyos.
2. Inaatasan Sila na Maghintay sa Pagbabautismo ng Espiritu Santo
bb. 4-8
4 At 1nakikipagpulong sa kanila, inatasan Niya sila na huwag magsialis sa Herusalem, kundi maghintay sa 2pangako ng Ama, na, sinabi Niya, Inyong narinig mula sa Akin;
5 Sapagka’t si Juan ay tunay na nagbautismo sa 1tubig, datapuwa’t hindi na magtatagal at kayo ay 2babautismuhan sa Espiritu Santo.
6 Kaya nang sila ay nangagkatipun-tipon, kanilang tinanong Siya, na nangagsasabi, Panginoon, itatatag Mo bang muli sa panahong ito ang 1kaharian sa Israel?
7 Datapuwa’t sinabi Niya sa kanila, Hindi para sa inyo ang malaman ang mga panahon o mga bahagi ng panahon, na inilagay ng Ama sa Kanyang Sariling awtoridad.
8 Datapuwa’t inyong 1tatanggapin ang kapangyarihan kapag ang Espiritu Santo ay 2dumapo sa inyo, at kayo ay magiging mga 3saksi Ko sa Herusalem, at sa buong Judea at Samaria, at 4hanggang sa kadulu-duluhang hangganan ng lupa.
B. Ang Pag-akyat sa langit ni Kristo
bb. 9-11
9 At pagkasabi Niya ng mga bagay na ito, habang sila ay nakatingin, Siya ay itinaas, at kinuha Siya ng isang alapaap paitaas mula sa kanilang paningin.
10 At samantalang kanilang tinititigan ang langit habang Siya ay papalayo, narito, dalawang lalake na may puting damit ang nakatayo sa tabi nila,
11 Na nangagsabi rin, Kayong mga ginoong taga-Galilea, bakit kayo nangakatayong tumitingin sa langit? Itong Hesus na kinuha mula sa inyo patungo sa 1langit, ay 2pariritong 3gaya rin ng inyong 4nakitang pagparoon Niya sa langit.
C. Ang Paghahanda ng mga Disipulo
bb. 12-26
1. Nagtitiyaga sa Pananalangin
bb. 12-14
12 Nang magkagayon sila ay nangagsibalik sa 1Herusalem buhat sa tinatawag na bundok ng Olivo, na malapit sa Herusalem, isang araw ng 2Sabbath na lakbayin.
13 At nang sila ay magsipasok, nagsiakyat sila sa silid sa itaas kung saan sila naninirahan, sina Pedro at Juan at Santiago at Andres, sina Felipe at Tomas, sina Bartolome at Mateo, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Simon na 1Masikap, at si Judas na 2anak ni Santiago.
14 Lahat sila ay 1nagtitiyaga na may isang puso’t kaisipan sa 2pananalangin, kasama ang mga babae, at si 3Maria na ina ni Hesus, at ang Kanyang mga kapatid na lalake.
2. Hinihirang si Matias
bb. 15-26
15 At sa mga araw na yaon, si Pedro ay tumayo sa gitna ng mga kapatid, (at doon ay nangagkatipon ang kalipunan ng mga 1tao, na may isang daan at dalawampu) at 2nagsabi,
16 1Mga ginoo, mga kapatid, ang Kasulatan ay kinakailangang matupad, na sinalita nang una ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang naging isang gabay sa mga nagsihuli kay Hesus.
17 Sapagka’t siya ay ibinilang sa atin, at siya ay binahaginan ng kanyang bahagi sa 1ministeryong ito.
18 (Ngayon ang taong ito ay nagkamit ng isang pirasong lupa 1na may kabayaran ng di-pagiging makatuwiran; at sa pagpapatihulog nang patiwarik, pumutok siya sa gitna, at ang lahat ng kanyang bituka ay sumambulat.
19 At ito ay nahayag sa lahat ng mga naninirahan sa Herusalem, sa gayon ang piraso ng lupang yaon ay tinawag sa kanilang sariling diyalekto na, 1Akeldama, yaon ay, ang Parang ng 2Dugo.)
20 Sapagka’t nasusulat sa aklat ng Mga Awit, Hayaang maging liblib ang kanyang tahanan, at huwag hayaang manahan doon ang sinuman; at, Hayaang kunin ng iba ang kanyang katungkulan bilang 1episkopo.
21 Kinakailangan kung gayon na sa mga taong nangakisama sa atin sa buong panahon nang ang Panginoong Hesus ay pumasok at lumabas 1sa gitna natin,
22 Magmula sa pagbautismo ni Juan hanggang sa araw nang Siya ay kinuhang paitaas mula sa atin, isa sa mga ito ay nararapat maging isang saksi ng Kanyang 1pagkabuhay na muli kasama natin.
23 At sila ay nagmungkahi ng dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas na may apelyidong Justo, at si Matias.
24 At sila ay nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw Panginoon, Siyang nakatatalos sa mga puso ng lahat, ipakita Mo kung sino sa dalawang ito ang hinirang
25 Upang halinhan ang ministeryong ito at pagka-apostol na binalewala ni Judas upang makaparoon sa kanyang sariling kinalalagyan.
26 At sila ay nagbigay ng 1palabunutan para sa kanila, at pinalad si Matias; at siya ay ibinilang kasama ng labing-isang apostol.