Ang Sumulat: Apostol Pablo (1:1).
Panahon ng Pagkasulat: Humigit-kumulang sa 54 A.D., sa ikalawang pangministeryong paglalakbay ni Pablo nang siya ay pumunta sa Corinto (Gawa 18:1, 11) matapos dumaan sa Galacia (Gawa 16:6).
Lugar ng Pinagsulatan: Malamang na sa Corinto nang si Pablo ay pumunta sa Corinto sa unang pagkakataon at nanatili roon ng isang taon at anim na buwan (Gawa 18:1-11). Ang Tumanggap: Ang mga ekklesia ng Galacia (1:2).
Paksa: Si Kristo naghahalili sa kautusan, laban sa relihiyon at kaugalian
BALANGKAS
I. Pambungad — ang Kalooban ng Diyos na Iligtas Tayo Palabas sa Masamang Relihiyosong Kapanahunan (1:1-5)
II. Ang Pahayag ng Ebanghelyo ng Apostol (1:6—4:31)
A. Ang Anak ng Diyos laban sa Relihiyon ng Tao (1:6—2:10)
B. Si Kristo Hinahalinhan ang Kautusan (2:11-21)
C. Ang Espiritu sa pamamagitan ng Pananampalataya kay Kristo laban sa Laman sa pamamagitan ng Gawa ng Kautusan (3:1—4:31)
1. Ang Espiritu bilang ang Pagpapala ng Pangako sa pamamagitan ng Pananampalataya kay Kristo (3:1-14)
2. Ang Kautusan bilang ang Tagapag-alaga ng mga Tagapagmana ng Pangako (3:15-29)
3. Ang Espiritu ng Pagka-anak, Hinahalinhan ang Pangangalaga ng Kautusan (4:1-7)
4. Si Kristo Kinakailangang Maihubog sa loob ng mga Tagapagmana ng Pangako (4:8-20)
5. Ang mga Anak na Isinilang ayon sa Espiritu laban sa mga Isinilang ayon sa Laman (4:21-31)
III. Ang Paglakad ng mga Anak ng Diyos (5:1—6:17)
A. Hindi na muling Magpapasakop pa sa Pamatok ng Pagkaalipin sa ilalim ng Kautusan (5:1)
B. Hindi Hinahayaang Maputol ang Pakikipag-ugnayan kay Kristo (5:2-12)
C. Hindi Ginagamit ang Kalayaan upang Mabigyan ng Pagkakataon ang Laman, kundi Naglilingkod bilang mga Alipin sa pamamagitan ng Pag-ibig (5:13-15)
D. Lumalakad sa pamamagitan ng Espiritu, Hindi sa pamamagitan ng Laman (5:16-26)
E. Sa loob ng Espiritu ng Kaamuan Pinanunumbalik ang Natisod (6:1)
F. Tinutupad ang Kautusan ni Kristo (6:2-6)
G. Naghahasik hindi para sa Laman, kundi para sa Espiritu (6:7-10)
H. Tungo sa Relihiyosong Sanlibutan ay Naipako na sa Krus, Ipinamumuhay ang isang Bagong Nilalang (6:11-16)
I. Dinadala ang mga Tatak ni Hesus (6:17)
IV. Konklusyon — ang Biyaya ng Ating Panginoong Hesu-Kristo ay Sumasaating Espiritu (6:18)