Galacia
KAPITULO 5
III. Ang Paglakad ng mga Anak ng Diyos
5:1-6:17
A. Hindi na muling Magpapasakop pa sa Pamatok ng Pagka-alipin sa ilalim ng Kautusan
5:1
1 Para sa 1kalayaan ay pinalaya tayo ni Kristo; 2magsitibay nga kayo at huwag na kayong muling 3magpasakop pa sa 4pamatok ng pagka-alipin.
B. Hindi Hinahayaang Maputol ang Pakikipag-ugnayan kay Kristo
5:2-12
2 Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung kayo ay 1tinuli, si Kristo ay 2hindi makikinabang sa inyo ng anuman.
3 At aking pinatototohanang muli sa bawa’t taong natuli, na siya ay may pagkakautang na tuparin ang buong kautusan.
4 1Naputol na ang inyong pakikipag-ugnayan kay Kristo, kayong mga inaaring-matuwid ng kautusan; 2nangahulog kayo mula sa biyaya.
5 Sapagka’t tayo 1sa pamamagitan ng Espiritu 2sa pamamagitan ng pananampalataya ay sabik na naghihintay sa 3pag-asa ng katuwiran.
6 Sapagka’t kay Kristo Hesus, ang pagtutuli ay 1walang kabuluhan, ni ang di-pagtutuli man, kundi ang pananampalatayang 2gumagawa sa pamamagitan ng 3pag-ibig.
7 Nagsisitakbo kayong mabuti noong una; sino ang pumigil sa inyo upang kayo ay huwag magsisunod sa 1katotohanan?
8 Ang 1paghihikayat na ito ay hindi nagmumula sa Kanya na tumatawag sa inyo.
9 Ang kaunting 1lebadura ay nagpapaumbok sa buong 2limpak.
10 Ako ay may pagtitiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo magsisipag-isip ng iba pa; datapuwa’t tataglayin ng lumiligalig sa inyo ang kanyang kahatulan, maging sinuman siya.
11 Ngunit ako, mga kapatid, kung ipinangangaral ko pa ang 1pagtutuli, bakit ako ay pinag-uusig pa? Kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa 1krus.
12 Ibig ko sanang 1putulin din ng mga nagsisigulo sa inyo ang kanilang mga sarili.
C. Hindi Ginagamit ang Kalayaan upang Mabigyan ng Pagkakataon ang Laman, kundi Naglilingkod bilang mga Alipin sa pamamagitan ng Pag-ibig
5:13-15
13 Sapagka’t kayo, mga kapatid, ay tinawag sa 1kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan upang mabigyan ng pagkakataon ang 2laman, kundi sa pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa isa’t isa bilang mga alipin.
14 Sapagka’t ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, samakatwid ay ito: Iibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
15 Ngunit kung kayu-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipag-ingat kayo at baka kayo ay mangaglipulan sa isa’t isa.
D. Lumalakad sa pamamagitan ng Espiritu, Hindi sa pamamagitan ng Laman
5:16-26
16 Datapuwa’t sinasabi ko, 1Magsilakad kayo sa pamamagitan ng 2Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang pita ng 2laman.
17 Sapagka’t ang 1laman ay nagpipita laban sa 2Espiritu, at ang Espiritu laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay 3naglalabanan, upang huwag ninyong gawin ang mga bagay na inyong ibigin.
18 Datapuwa’t kung kayo ay pinapatnubayan ng 1Espiritu, wala kayo sa ilalim ng 1kautusan.
19 At hayag ang mga 1gawa ng laman, samakatwid ay ang mga ito: 2pakikiapid, karumihan, kahalayan,
20 1Pagsamba sa diyos-diyosan, pangkukulam, 2mga pagtataniman ng galit, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pag-aalitan, 3mga pagkakampi-kampi, mga pagkakabaha-bahagi, 4mga hidwaang pananampalataya,
21 Mga pagkainggit, 1paglalasing, mga kalayawan, at mga bagay na katulad ng mga ito; at tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala noong una sa inyo, na ang mga 2nagsisigawa ng mga gayong bagay ay hindi magsisipagmana ng 3kaharian ng Diyos.
22 Datapuwa’t ang 1bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, katapatan,
23 Kaamuan, pagpipigil-sa-sarili; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.
24 1Datapuwa’ t 2ipinako sa 3krus ng mga na kay Kristo Hesus ang laman kasama ang masasamang nasa at mga pita nito.
25 Kung tayo ay 1namumuhay sa pamamagitan ng Espiritu, 2magsilakad naman tayo sa pamamagitan ng Espiritu.
26 1Huwag tayong maging mga mapaghangad sa gloryang walang kabuluhan, na nangagmumungkahian sa galit sa isa’t isa, nangagkakainggitan.