Galacia
KAPITULO 4
3. Ang Espiritu ng Pagka-anak, Hinahalinhan ang Pangangalaga ng Kautusan
4:1-7
1 Ngunit sinasabi ko, samantalang ang tagapagmana ay 1bata, siya ay walang anumang pagkakaiba sa alipin, bagama’t siya ay panginoon ng lahat;
2 Datapuwa’t siya ay nasa ilalim ng mga 1tagapag-alaga at ng mga katiwala hanggang sa 2panahong itinakda ng ama.
3 Gayundin naman tayo, nang tayo ay mga bata pa, tayo ay nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng 1mga panimulang aral ng sanlibutan;
4 Datapuwa’t nang dumating ang 1kapunuan ng panahon, isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak, na ipinanganak ng isang 2babae, na ipinanganak sa ilalim ng 3kautusan.
5 Upang 1matubos Niya ang nangasailalim ng kautusan, upang matanggap natin ang 2pagka-anak.
6 At sapagkat kayo ay 1mga anak, isinugo ng Diyos ang 1Espiritu ng Kanyang Anak tungo sa loob ng ating mga 2puso, na 3sumisigaw, 4Abba, Ama!
7 Anupa’t 1hindi ka na alipin, kundi anak; at kung 2anak, ay 3tagapagmana rin 4sa pamamagitan ng Diyos.
4. Si Kristo Kinakailangang Maihubog sa loob ng mga Tagapagmana ng Pangako
4:8-20
8 Gayunman nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Diyos, kayo ay mga alipin ng sa 1kalikasan ay mga hindi diyos;
9 Datapuwa’t ngayon, yamang nakikilala na ninyo ang Diyos, o ang lalong mabuting sabihin, kayo ay nangakikilala ng Diyos, bakit kayo nangagbabalik doon sa mahihina at mga walang isang panimulang aral, na sa mga yaon ay ninanasa ninyong magbalik sa 1pagkaalipin?
10 1Ipinangingilin ninyo ang mga 2araw, at mga 3buwan, at mga 4panahon at mga 5taon.
11 Ako ay natatakot para sa inyo, baka sa anumang paraan ay nagpagal ako sa inyo nang 1walang kabuluhan.
12 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayo ay 1mangagsitulad sa akin, sapagkat ako ay 2katulad din ninyo. 3Wala kayong ginawang anumang kasamaan sa akin;
13 At nalalaman ninyo na 1dahil sa karamdaman sa laman, ipinangaral ko sa inyo ang ebanghelyo noong una;
14 At yaong sa aking laman na naging isang pagsubok sa inyo ay hindi ninyo minata ni 1itinakwil man, kundi ako ay tinanggap ninyong tulad sa isang 2sugo ng Diyos, tulad kay Kristo Hesus.
15 Saan nga naroroon ang inyong 1pagiging pinagpala? Sapagkat pinatototohanan ko sa inyo, kung maaari nga lamang, ay inyo na sanang dinukit ang inyong mga 2mata at ibinigay sa akin.
16 Kaya nga ako ba ay naging kaaway ninyo sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan?
17 May mga 1nangagmamalasakit sa inyo 2nang hindi wasto, subali’t ang ibig nila ay 3ihiwalay kayo upang 4pagmalasakitan ninyo sila.
18 Datapuwa’t mabuti ang magmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon, at 1hindi lamang kapag ako ay kaharap ninyo.
19 Mga 1anak ko, na muli kong 2ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si 3Kristo ay 4maihubog sa loob ninyo;
20 At, ibig kong makaharap ninyo ako ngayon, at 1baguhin ang aking tinig, sapagkat ako ay 2natitilihan tungkol sa inyo.
5. Ang mga Anak na Isinilang ayon sa Espiritu laban sa mga Isinilang ayon sa Laman
4:21-31
21 1Sabihin ninyo sa akin, kayong nagsisipagnasang mapasa 2ilalim ng kautusan, hindi ba ninyo naririnig ang 3kautusan?
22 Sapagkat nasusulat na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, ang isa ay sa babaeng alipin, at ang isa ay sa babaeng malaya.
23 Gayunpaman, ang anak sa babaeng alipin ay ipinanganak 1ayon sa laman, ngunit ang anak sa babaeng malaya ay 1sa pamamagitan ng pangako.
24 Ang mga bagay na ito ay isang alegorya; sapagka’t ang mga 1babaeng ito ay 2dalawang tipan, ang isa ay mula sa 3Bundok Sinai, nanganganak ng mga anak tungo sa 4pagkaalipin, na si 5Agar.
25 Ang Agar ngang ito ay ang Bundok Sinai sa Arabia, at katulad ng 1Herusalem ngayon, sapagkat siya ay nasa 2pagkaalipin kasama ng kanyang mga anak.
26 Ngunit ang 1Herusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin;
27 Sapagkat nasusulat, Magsaya ka, o baog na hindi nanganganak; magalak at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak, sapagkat 1higit pa ang mga anak ng 2pinabayaan kaysa sa mga anak ng may asawa.
28 Nguni’t kayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay mga 1anak sa pangako.
29 Datapuwa’t kung papaanong yaong ipinanganak 1ayon sa laman ay 2umusig sa ipinanganak 1ayon sa 3Espiritu, 4gayundin naman ngayon.
30 Gayunpaman, ano ang sinasabi ng Kasulatan? Palayasin ang babaeng alipin at ang kanyang anak; sapagka’t hindi magmamana ang 1anak ng babaeng alipin na kasama ng 2anak ng babaeng malaya.
31 Kaya nga, mga kapatid, 1hindi tayo mga anak ng babaeng alipin, kundi ng babaeng malaya.