Galacia
KAPITULO 3
C. Ang Espiritu sa pamamagitan ng Pananampalataya kay Kristo laban sa Laman sa pamamagitan ng Gawa ng Kautusan
3:1-4:31
1. Ang Espiritu bilang ang Pagpapala ng Pangako sa pamamagitan ng Pananampalataya kay Kristo
3:1-14
1 O, mga mangmang na taga-Galacia, sino ang mga nagsigayuma sa inyo, na sa harapan ng inyong mga mata, si Hesu-Kristo na 1naipako sa krus ay maliwanag na inihayag?
2 Ito lamang ang ibig kong malaman sa inyo, 1Tinanggap ba ninyo ang 2Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ng 3kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig ng 3pananampalataya?
3 Napakamangmang na ba ninyo? Sa 1pagsisimula sa pamamagitan ng 2Espiritu, kayo ba ngayon ay 1pinasasakdal sa pamamagitan ng 2laman?
4 1Natiis ba ninyo nang walang kabuluhan ang lubhang maraming bagay, kung tunay nga na walang kabuluhan?
5 Siya na 1nagtutustos sa inyo ng 2Espiritu at 3gumagawa ng mga gawa ng kapangyarihan sa inyo, sa pamamagitan ba ito ng mga gawa ng 4kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig ng pananampalataya?
6 Gaya nga ni 1Abraham na sumampalataya sa Diyos, at ito ay ibinilang na katuwiran sa kanya.
7 Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga 1anak ni Abraham.
8 At ang Kasulatan, sa pagkikini-kinitang aariing-matuwid ng Diyos ang mga Hentil 1sa pamamagitan ng pananampalataya, ay nagpahayag na noong una pa ng 2ebanghelyo kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain.
9 Kaya’t ang mga sa pananampalataya ay 1pinagpapala kasama ng 2nananampalatayang Abraham.
10 Sapagkat ang lahat ng sa mga gawa ng kautusan ay nasa ilalim ng 1sumpa; sapagkat nasusulat, Sinusumpa ang bawat hindi sumusunod sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan na gawin ang mga ito.
11 Maliwanag nga na walang sinuman ang inaaring-matuwid 1sa pamamagitan ng kautusan sa harapan ng Diyos, sapagkat, 2Sa pamamagitan ng pananampalataya ang matuwid ay 3mabubuhay;
12 At ang kautusan ay hindi 1sa pananampalataya, kundi ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay 2sa pamamagitan ng mga yaon.
13 Tinubos tayo ni Kristo sa sumpa ng kautusan na 1naging sumpa sa ganang atin; sapagka’t nasusulat, Sinusumpa ang bawat ibinibitin 2sa punong-kahoy,
14 Upang ang 1pagpapala ni Abraham ay dumating sa mga Hentil sa loob ni Hesu-Kristo, upang 2tanggapin natin ang pangako ng 3Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.
2. Ang Kautusan bilang ang Tagapag-alaga ng mga Tagapagmana ng Pangako
3:15-29
15 Mga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng tao, bagama’t ang tipan ay gawa lamang ng tao, gayunpaman kapag pinagtibay, walang sinuman ang makapagpapawalang-kabuluhan, o makapagdaragdag man.
16 Datapuwa’t kay Abraham nga sinabi ang mga pangako at sa kanyang binhi. Hindi Niya sinasabi, At sa mga binhi, na gaya ng hinggil sa marami, kundi gaya ng hinggil sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si 1Kristo.
17 Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang 1tipang pinagtibay na noong una pa ng Diyos ay hindi mapawawalang-bisa ng 2kautusan, na dumating nang makaraan ang 3apat na raan at tatlumpung taon, anupa’t upang pawalang-saysay ang pangako.
18 Sapagka’t kung ang 1mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ito ay hindi na sa pamamagitan ng pangako; datapuwa’t ipinagkaloob ito ng Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.
19 Bakit nga ibinigay ang kautusan? Ito ay 1idinagdag dahil sa mga pagsalansang, hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; 2itinalaga sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang 3tagapamagitan.
20 Ngayon ang isang 1tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa, datapuwa’t ang Diyos ay iisa.
21 Ang kautusan nga ba ay laban sa mga pangako ng Diyos? Tiyak na hindi! Sapagkat kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang 1magbigay-buhay, tunay ngang ang 2katuwiran sana ay naging sa pamamagitan ng kautusan;
22 Datapuwa’t 1ikinulong ng Kasulatan ang 2lahat ng bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng 3pananampalataya kay Hesu-Kristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya.
23 Ngunit bago dumating ang 1pananampalataya ay 2nababantayan tayo sa ilalim ng kautusan, 3nakukulong 4tungo sa 1pananampalatayang nalalapit na noong mahayag.
24 Anupa’t ang kautusan ay naging ating 1tagapatnubay-ng-bata tungo kay Kristo, upang tayo ay ariing-matuwid 2sa pamamagitan ng pananampalataya.
25 Datapuwa’t ngayong dumating na ang pananampalataya, 1wala na tayo sa ilalim ng tagapatnubay-ng-bata;
26 Sapagka’t kayong lahat ay mga 1anak-na-lalake ng Diyos sa pamamagitan ng 2pananampalataya kay Kristo Hesus.
27 Sapagka’t ang lahat ng nabautismuhan 1tungo sa loob ni Kristo ay 2ibinihis si Kristo.
28 1Hindi maaaring may 2Hudyo ni Griyego, hindi maaaring may 3alipin ni malaya, hindi maaaring may 4lalake at babae; sapagkat kayong lahat ay 5iisa sa loob ni Kristo Hesus.
29 At kung kayo ay kay Kristo, kayo nga ay 1binhi ni Abraham, mga tagapagmana ayon sa 2pangako.