Galacia
KAPITULO 2
1 Nang 1makaraan nga ang labing-apat na taon ay umakyat akong muli sa Herusalem kasama si Bernabe, at isinama ko rin naman si Tito.
2 At ako ay umakyat ayon sa 1pahayag, at isinaysay ko sa harapan nila ang ebanghelyo na aking ipinahahayag sa gitna ng mga Hentil, datapuwa’t sa harapan ng mga may dangal ay sa lihim, baka sa anumang paraan ako ay tumatakbo o tumakbo nang walang kabuluhan.
3 Datapuwa’t maging si Tito man, na kasama ko, gayong isang Griyego, ay 1hindi napilit 2patuli.
4 At yaon ay dahil sa mga 1huwad na kapatid, na ipinasok nang lihim, na panakaw na pumasok upang tiktikan ang aming 2kalayaan na taglay namin sa loob ni Kristo Hesus, upang kami ay madala nila sa 3pagkaalipin;
5 Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na kami ay masupil kahit isang oras, upang ang katotohanan ng 1ebanghelyo ay manatili sa inyo.
6 Datapuwa’t ang mga kinilalang may dangal (maging anuman sila, ay walang halaga sa akin; ang Diyos ay 1hindi nagtatangi ng sinuman), silang may dangal, sinasabi ko, ay hindi nagbahagi sa akin ng anuman;
7 Kundi bagkus, nang makita nila na sa akin ay ipinagkatiwala ang ebanghelyo ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng ebanghelyo ng pagtutuli,
8 (Sapagka’t Siyang gumawa kay Pedro sa pagkaapostol ng pagtutuli ay gumawa rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Hentil),
9 1At nang malaman nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, sina 2Santiago at Cefas at Juan, na mga inaaring haligi, ang siyang nagbigay sa akin at kay Bernabe ng kanang kamay ng ipakikipagsalamuha, upang kami ay magsiparoon sa mga Hentil, at sila sa mga pagtutuli;
10 Ang kanila lamang hinihiling ay aming alalahanin ang mga dukha, na ang bagay na ito ay akin na ring pinagsikapang gawin.
B. Si Kristo Hinahalinhan ang Kautusan
2:11-21
11 Nguni’t nang dumating si Cefas sa Antioquia, sinalungat ko siya nang mukhaan, sapagka’t siya ay nararapat hatulan.
12 Sapagka’t bago nagsidating ang ilan 1mula kay Santiago ay 2nakisalo siya sa mga Hentil; nguni’t nang sila ay nagsidating, siya ay 3umurong at humiwalay sa mga Hentil, palibhasa ay 3natatakot sa mga yaong sa pagtutuli.
13 At ang 1ibang mga Hudyo ay 2nangagpakunwari rin namang kasama niya, anupa’t si 3Bernabe ay nadala sa kanilang pagkukunwari.
14 Nguni’t nang aking makita na hindi sila nagsilakad nang 1matuwid ayon sa katotohanan ng ebanghelyo, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat: Kung ikaw, gayong isang Hudyo, ay 2namumuhay gaya ng mga Hentil, at hindi gaya ng mga Hudyo, bakit mo pinipilit ang mga Hentil na 3mamuhay na gaya ng mga Hudyo?
15 Tayo ay mga Hudyo sa katutubo at hindi mga makasalanang Hentil,
16 Bagama’t naaalaman na ang isang tao ay hindi inaaring-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya 1kay Kristo Hesus; tayo rin ay nagsisampalataya 2kay Kristo Hesus upang tayo ay ariing-matuwid 3sa pamamagitan ng pananampalataya 1kay Kristo at hindi 3sa pamamagitan ng mga gawa ng sa kautusan, sapagka’t 3sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang 4laman ang aariing-matuwid.
17 Nguni’t kung, samantalang ating pinagsisikapang maaring-matuwid sa loob ni Kristo, tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan, si Kristo ba ay 1ministro ng kasalanan? Tiyak na hindi!
18 Sapagka’t kung akin ngang 1muling itatayo ang mga 2bagay na aking 3sinira, ako na rin ang nagpapatunay na ako ay isang manlalabag.
19 Sapagka’t ako 1sa pamamagitan ng kautusan ay 2namatay sa kautusan upang ako ay 3mabuhay sa Diyos.
20 1Naipako na ako sa krus kalakip ni Kristo, at 2hindi na ako ang nabubuhay, kundi si 3Kristo ang nabubuhay sa akin; at ang 4buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa 5pananampalataya, ang pananampalataya 6ng 7Anak ng Diyos, na 8umibig sa akin at nagbigay ng Kanyang Sarili para sa akin.
21 Hindi ko winawalang halaga ang 1biyaya ng Diyos; sapagka’t kung ang 2katuwiran ay sa pamamagitan ng kautusan, kung gayon si Kristo ay namatay 3nang walang kabuluhan.