Galacia
KAPITULO 1
I. Pambungad-ang Kalooban ng Diyos na Iligtas Tayo Palabas sa Masamang Relihiyosong Kapanahunan
1:1-5
1 1Si Pablo, isang apostol, 2hindi mula sa mga tao ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Hesu-Kristo at ng Diyos Ama, na sa Kanya ay 3nagbangon mula sa mga patay,
2 At ang lahat ng mga 1kapatid na kasama ko, sa 2mga ekklesia ng Galacia:
3 Sumainyo nawa ang 1biyaya at 2kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa ating Panginoong Hesu-Kristo,
4 Na Siyang nagbigay ng Kanyang Sarili para sa ating mga kasalanan, upang tayo ay 1mailigtas Niya palabas sa kasalukuyang masamang 2kapanahunan, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama,
5 Na suma Kanya ang kaluwalhatian 1magpakailanman. Amen.
II. Ang Pahayag ng Ebanghelyo ng Apostol
1:6-4:31
A. Ang Anak ng Diyos laban sa Relihiyon ng Tao
1:6-2:10
6 Ako ay namangha na kay dali ninyong 1nagsilipat buhat sa tumawag sa inyo 2sa loob ng 3biyaya ni Kristo tungo sa 4ibang ebanghelyo,
7 Na ito ay 1hindi ibang ebanghelyo; kundi may 2ilang nanliligalig sa inyo, at nangag-iibig na 3ibahin ang ebanghelyo ni Kristo.
8 Datapuwa’t maging kami o isang anghel man mula sa langit ang mangaral sa inyo ng isang ebanghelyo na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, 1pakasumpain siya.
9 Ayon sa aming sinabi noong 1una, ngayon ay muli kong sinasabi, Kung ang sinuman ay mangangaral sa inyo ng isang ebanghelyo na iba sa tinanggap na ninyo, 2pakasumpain siya.
10 Sapagka’t 1hinihikayat ko ba ngayon ang mga tao o ang Diyos? O ako ba ay nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? Kung ako ay nagbibigay-lugod pa sa mga tao, hindi ako magiging alipin ni Kristo.
11 Sapagka’t aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, ang tungkol sa ebanghelyo na aking ipinahayag, na ito ay hindi ayon sa tao.
12 Sapagka’t 1hindi ko tinanggap ito mula sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng 2pahayag ni Hesu-Kristo.
13 Sapagka’t inyong nabalitaan ang aking pamumuhay noong nakaraang panahon sa 1Hudaismo, na aking inusig ang ekklesia ng Diyos nang labis at pinuksa ito;
14 At ako ay sumulong sa Hudaismo nang higit kaysa sa marami sa aking mga kasinggulang sa aking mga kalahi, palibhasa ay lubhang higit na 1masikap ako sa mga 2tradisyon ng aking mga magulang.
15 Nguni’t nang 1ikinalugod ito ng Diyos, na Siyang sa akin ay 2nagbukod 3buhat pa sa sinapupunan ng aking ina, at ako ay 4tawagin sa pamamagitan ng Kanyang 5biyaya,
16 Na 1ihayag ang Kanyang 2Anak 3sa loob ko, upang 4Siya ay aking maipangaral sa mga 5Hentil, kapagdaka ay 6hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo,
17 Ni hindi ako umakyat sa Herusalem sa yaong mga apostol na nangauna sa akin, sa halip ay naparoon ako sa 1Arabia, at muling nagbalik sa Damasco.
18 Nang makaraan nga ang tatlong taon ay umakyat ako sa Herusalem upang 1dalawin si Cefas, at tumira akong kasama niya ng labinlimang araw.
19 Nguni’t wala akong nakitang ibang mga apostol 1maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon.
20 Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo, narito, sa harapan ng Diyos, hindi ako nagsisinungaling.
21 Pagkatapos ay naparoon ako sa mga rehiyon ng 1Siria at Cilicia.
22 At 1hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga ekklesia ng Judea na pawang kay Kristo;
23 Kundi kanila 1lamang narinig na yaong umusig sa atin noong una, ngayon ay nangangaral ng 2pananampalataya na noong nakaraang panahon ay kanyang pinuksa.
24 At kanilang niluwalhati ang Diyos sa akin.